Chapter 7 : Moving Out Safely

1.3K 29 0
                                    

LIAH's POV

Ano ba yan!

Ipagkasundo ba naman ako kay Sir Anthony!

Nakakahiya!

"Ma..." Saway ni Sir Anthony kay Tita Anji.

"'To naman! Binibiro lang kayo eh! Sineryoso niyo naman." Sagot ni Tito Julio at nangtawanan silang matatanda. Napakamot nalang ako sa ulo sa pagkapahiya.

Tumunog ang phone ko kaya binuksan ko ito, nagtext si Lyn.

From: Lyn
Hoy! 😭😭
Ok kana?! May
Nasaktan kaba?!
Sinong gumawa non?!
Sabihin mo reresbakan
natin! Dalee!!!
Sent 2:13pm

To: Lyn
Kalma lang, ok na
ako. Tinulungan ako ni
Sir Anthony.
Sent 2:13pm

From: Lyn
AYYIE! 😍😍
OMG lakas maka knight in
shining armor ni Sir!
Sent 2:14pm

To: Lyn
Gaga ka! Walang malisya
yun no!
Sent 2:15 pm

From: Lyn
Nuh-uh-oh! Ikaw lang
nagsabi 😉
Sent 2:16 pm

From: Lyn
Seryoso, ano ba talaga
ang nangyari? Hindi naman
kasi detailed ang tinext ni
Roxanne kay Rica, ang sabi
lang niya may nangyari daw
sa'yo kagabi.
Sent 2:16 pm

To: Lyn
Tatawagan nalang kita.
Mahirap ipaliwanag pag
sa text lang.
Sent 2:17 pm

From: Lyn
Sige. Ingat ka ha. Pupuntahan
ka nalang namin next day,
nandito pa kasi si Tita Lindz,
ayaw kaming paalisin 😂
Sent 2:18 pm

Hindi na ako nakapagreply.

Wala na akong load.


"Anak." Tawag sakin ni Mama kaya nilingon ko siya.

"Kayo nalang ni Roxanne ang lilipat dito, yun kasi ang gusto ng Tita Anji mo para mabantayan din nila kayo, hindi lang si Anthony." Sabi ni Mama.

"Oo naman po. Ok lang po sa amin." Sagot ko. Kaming dalawa nalang ni Mama ang nasa sala kasi lahat sila umakyat pala sa may terrace na natatanaw ko mula dito sa sofa, nakaharap kasi ako sa hagdan.

"Ma..." Tawag ko kay Mama, tipid siyang ngumiti bilang sagot. "Kilala mo ba yung lalaking yun?" Napansin kong bahagya siyang natigilan, pero hindi ko na pinansin. "Sino? Yung lalaking nakapasok sa bakuran natin?" Tumango ako.

"Hindi, anak."

"Pero paano niyo po..." Napatigil ako habang nag-iisip ng susunod na sasabihin.

"Diba nasabi mo kay Anthony yung itsura ng lalaki? At nasabi din sa amin ni Anthony na nakita niya ang lalaking iyon sa street nila na may hawak na bear, nagduda siyang baka sa iyo iyon kaya tinawagan ka niya at dun niya nakumpirma'ng may ginawang masama sa iyo ang lalaking iyon, at kaya din madaling natukoy ng pulis dahil ang lalaking iyon ay isa sa mga wanted na pinaghahanap ng mga pulis." Kaya pala nung sagutin ko ang tawag ni Sir Anthony nung gabing iyon ay nangangamusta siya kung anong nangyari sakin.

Riddles On The Shooting Star (to be published under IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon