Chapter 3 : The Mystery

1.8K 31 1
                                    

LIAH's POV

"So, could anyone answer?"

Tunog lang ng aircon at boses ni Sir ang naririnig namin sa buong classroom. Nakasagot na ako kanina. Gusto ko sanang sumagot ulit. Pero, wag na daw sabi ni Sir.

Bigyan daw ng chance yung iba na makasagot.

"Ok. Mukhang wala nang may gustong sumagot sa inyo, turn your book page on 143 and answer letter A and B." sabi ni Sir Anthony.

"Yes, Sir."

Nagsasagot na ako. Ang dali nga eh. Nung malapit na akong matapos, nag-pout ako. Wala lang, trip ko. Hehe.

Napatingin ako sa unahan.


Si Sir Anthony nakatingin sakin. Umiwas naman siya ng tingin.

"Nacute-an siguro si Sir sayo kaya napatingin." Bulong ni Rica.

"Weh? Di nga?" Pabulong kong tanong sa kanya.

"Oo nga. Peksman."

"Edi wow."

"Edi wow ka diyan. Magsasagot na nga ako."

"Castro, Gomez, what are you doing? Want to go outside?" Tanong ni Sir. Naku, nahuli yata kami. Nasa unahan pa naman niya kami.

"No, Sir."

"Good." Bakit parang nagsusungit toh? Kasasabi lang niya na hindi daw kami susungitan eh.

"Sir Guinivez?" Sabi ni Sir Sidney habang kumakatok sa pintuan.

"Good morning, Sir Sidney." Sabi naming lahat at tumayo.

"Good morning, too. Ah, Sir Guinivez, may ipapakita lang ako." Lumabas si Sir Anthony hanggang sa may pintuan tapos nag-usap na sila.

Pansin ko lang, parang may tinatago si Sir Sidney sa likod niya. Ano kaya yun?

"Eto last. Kanino toh?!" Tanong ni Sir Sidney na parang nang-aaasar at nilabas sa likod niya yung...

PINK BEAR?!

"Sakin yan. Napaka pakialamero mo talaga. Babatukan kita eh." Akmang babatukan ni Sir Anthony si Sir Sidney pero nakaiwas agad.

"Ito naman! Di mabiro eh! Sayo talaga to?" Tanong ni Sir Sidney. Kinuha naman ni Sir Anthony yung Bear.

"Oo nga, kulit!"

"Sige na nga. Pero bakit pink? Nakakapagtaka." Sabi ni Sir Sidney at biglang nanlaki ang mata. "HALA! WAG MONG SABIHI—"

"Subukan mong ituloy yang sasabihin mo, padadaanin ko tong kamao ko sa mukha mo."

Ako naman, natatawa sa kanilang dalawa. Halatang naiinis na si Sir Anthony eh. Ang cute haha—Hah! Ano bang sinasabi ko?!

"Joke lang. Pero bakit pink?" Tanong ni Sir Sidney.

"Couple bear to eh. Yung blue, binigay ko sa babaeng kasama ko." Sabi ni Sir Anthony at tumingin sakin.

Umiwas nalang ako ng tingin. Spell awkward. L-I-A-H.

"Kanino mo binigay? Sa girlfriend mo?" Tanong ni Sir Sidney kaya napa 'ayyie' naman ang mga classmate ko.

Lakas kasi ng boses ni Sir Sidney eh.

"Oy kayo, magsagot lang kayo!" Sita ni Sir Anthony habang natatawa. Bumalik ang tingin niya kay Sir Sidney. "Hindi. Wala akong Girlfriend."

Riddles On The Shooting Star (to be published under IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon