Chapter 30 : I Love You, Goodbye

1K 17 3
                                    

LIAH's POV

"Sir Anthony?" Takang tanong ko sa kanya at napalingon sa buong classroom.

Bakit walang tao?

"Hmm?" Sagot niya at tumingin sakin. Nakaupo siya sa table sa harapan, nakaupo naman ako sa armchair sa harap namin.

"Bakit walang tao? Nasaan sila?" Takang tanong ko sa kanya pero ngumiti lang siya at pinagpatuloy ang pagsusulat sa notebook.

"Maintindihan mo sana ako balang araw." Napatitig ako sa kanya. Bigla akong nakaramdam ng kaba.

"I'm really sorry, sana mapatawad mo kami." Diretso ang tingin niya na lalong nagpapakaba sa akin.

"Huh? Anong bang sinasabi mo?" Tanong pero tumayo siya dala-dala ang notebook niya. Lalabas ba siya?

Napatayo ako para sundan siya pero tumigil siya at lumingon sakin. Ngumiti siya na nagpakirot ng puso ko. Hindi ko maintindihan.

"Sir Anthony-" akmang lalapitan ko siya nang bigla siyang natumba. Agad ko siyang nilapitan at tinapik-tapik ang pisngi niya. Lalo akong nabalot ng kaba.

"Sir Anthony gising..." Lumingon-lingon ako sa paligid pero walang tao. Inakay ko siya pero naramdaman kong basa ang likod niya.

Nanlaki ang mata ko at nangilid ang luha.

Dugo.

"Sir Anthony!"

"Liah."

"Liah..."

"LIAH!"

Naramdaman kong may yumuyugyog sa'kin kaya napabangon ako sa pagkakadukmok ko sa armdesk.

"Liah, gising. Binabangungot ka."

May tumapik sa balikat ko at naramdaman kong basa ang pisngi ko. Kami nalang pala nina Rica, Lyn at Sir Sidney ang nandito. Di ko namalayang nakatulog na pala ako.

"Are you ok?" Tanong ni Sir Sidney. Tumango nalang ako. Ang bigat ng pakiramdam ko eh.

"Talaga?" Tanong ni Rica.

"Oo nga. Ok na ako." Sabi ko. Bigla naman akong nagpalinga-linga sa paligid. "S-si Sir Anthony?"

Nagkatinginan silang tatlo. Tumikhim si Sir Sidney. "Nasa faculty." Nakangiting sagot niya.








SIDNEY's POV

"Sir Sidney! Sir Sidney!" Hinarang ko si Lyn na tumatakbo. "Oh bakit?"

"Si...si Liah..." Hinihingal niyang sagot.

"Anong meron sa kanya?" Tanong ko at inabutan siya ng tubig pero tinanggihan niya.

"Eh kasi kanina pa tulog sa room, tapos ngayon hindi na namin magising tsaka umiiyak. Mukhang binabangungot." Napailing-iling nalang ako at naglakad na. "Masama 'yan. Halika na, gigising natin."

Pagdating namin, naabutan namin si Rica na ginigising si Liah kaya agad akong lumapit pero natigilan kami.

"Sir Anthony... Sir Anthony..."

"Liah." Tinapik-tapik ko ang balikat niya pero hindi parin nagising-ay tanga, hindi nga naman 'yan magigising sa tapik, tsk.

"Liah..." Tatlo na kaming gumigising sa kanya hanggang sa sigawan ni Lyn malapit sa tenga si Liah.

Riddles On The Shooting Star (to be published under IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon