Chapter 34 : Section V.S. Section

931 19 1
                                    


LIAH's POV

Araw ng laban ng Reguero ngayon. Kaso mukhang hindi ko sila mapapanood dahil busy ako at ng mga kasama ko sa pagfa-finalize ng results sa mga survey tests.

"Diba ngayon ang laban ng mga grade nine?" Tanong sa'kin ni Suzy.

"Oo." Sagot ko sa kanya.

"Hindi ka manonood? Support mo manlang yung Reguero? Ikaw ang choreo nila eh." Natatawang sabi pa niya sa'kin.

"Paano ako makakaalis?" Tanong ko at inangat yung mga papel. "Ang dami pa natin'g gagawin."

Napatingin nalang ako kay Cedric nang kunin niya yung ilang papel sa'kin. "Pumunta kana, kami na ang bahala dito." Kinuha ko ulit sa kanya yung mga papel. "Nasabi ko na sa kanila, naintindihan naman nila 'yon."

"Ayaw mong makita yung ilang linggo'ng pinagpaguran mo?" Nangongonsensiya'ng tanong sa'kin ni Lyn. "O baka ayaw mo lang pumunta dahil may posibilidad na naroon din siya?"

Napalingon ako sa kanya, nakataas ang isang kilay niya. "What do you mean? Inaalala ko lang naman 'to." Patukoy ko sa thesis namin. "Ayoko naman'g ibigay sa inyo habang ako nagsasaya do'n." Paliwanag ko sa kanya.

"Sa ating lahat, mas malaki ang naitulong mo sa thesis natin kaya pumunta kana do'n at i-support ang dati nating section." Sabi ni Lyn habang kinukuha sa'kin lahat ng mga papel.

Ako lang ba o pinapaaalis talaga nila ako?

"Pero-"

"No buts! I-video mo nalang sila para mapanood namin." Sabi naman ni Suzy at kumindat pa sa'kin.

Wala na akong nagawa kundi ang lumabas na, baka mapalayas pa nila ako sa loob ng room kung ipagpipilitan kong hindi ako manonood.

Pagdating ko sa gymnasium, hindi ganoong karami ang tao, mostly puro grade nine. At nagsisimula na pala kasi may nagpe-perform na pagdating ko.

"Excuse me, nagperform naba ang Reguero?" Tanong ko sa isang estudyante.

"Hindi pa po ate, pero kung hinahanap niyo sila, nasa likod sila." Sagot nung babae at tinuro yung nagsilbing backstage sa dulo.

"Sige, salamat." Sabi ko sa kanila at naglakad papunta sa likuran. Hinati sa gitna ang gymansium, sa kaliwang part ng gymnasium magpeperform ang mga grade nine, nasa harap nila ang mga judges at ang kanan'g natatakpan ng mga mataas na plywood naman ang naging backstage.

Pagdating ko sa backstage, medyo nahirapan ako kasi marami ding tao, naglakad-lakad pa ako hanggang sa dulo.

"Excuse me-"

"Si Ate Liah!" Napatigil ako sa pagtatanong at napalingon sa likuran ko, kumakaway si Valerio. "Nakita ko na po yung hinahanap ko. Salamat nalang." Sabi ko dun sa estudyante, tinanguan nalang niya ako.

Pagdating ko sa pwesto nila, dinumog nila ako na ikinagulat ko talaga. "Akala namin hindi ka makakanood!" Sabi ni Julie.

"Thanks sa mga kaibigan ko, sila talaga ang nagpumilit sakin. Although medyo nag-aalinlangan talaga ako kasi ayaw ko namang maiwan sa kanila ang trabaho ko, but they insists kaya okay na." Sabi ko sa kanila at nilahad sa harap ko ang kamay ko. "Do your best, manalo matalo, walang kaso! Para sa grades!" Sabi ko na ikinatawa nilang lahat.

Pero natigilan ako nang marinig ko din ang isang pamilyar na tawa.

"Para sa grades! Fighting Reguero!" Natinag lang ako nang ipatong nilang lahat ang palad nila sa'kin, yung iba nasa likuran nalang dahil hindi na kasya, at dinumog na naman ako.

Riddles On The Shooting Star (to be published under IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon