Chapter 10 : The Truth

1.2K 30 0
                                    

LIAH's POV

Kahit ayaw ko pang bumalik sa room ay napilitang akong bumalik ulit dahil baka isipin nilang umiiwas ako sa mga kaklase ko, kahit totoo naman.

Napahawak ako sa noo kong may benda. Tskk. Hanggang rooftop nagpapapansin parin ang Reyna.

Napatingin ako sa relo ko, halos isang oras na pala akong nakatambay dito. Nakatanaw ako sa baba habang humahangin ng malakas.

"Look whose here. Why did you walk out? Feeling ashamed?" Napapikit nalang ako sa inis. Pati ba naman dito?

Hindi ko siya sinagot. Bahala siya diyan. "It's against the rules, dear." Sabi pa niya.

"Kailan pa naging against the rules ang pagtira sa iisang bahay kasama ang teacher? Walang masama doon at una sa lahat, wala kaming relasyon. Wag kang tanga." Sagot ko sa kanya nang hindi siya hinaharap.

"You-"

"Pwede ba kung wala ka rin lang namang sasabihing maganda, manahimik ka nalang. Wala kang mapapala sa mga pinaggagagawa mo." Sabat ko sa kanya.

"B****."

"Talking to yourself huh?" Pangiinis ko sa kanya pero nagulat ako nang hablutin niya ang buhok ko at idinapa ako sa sahig. "Don't you dare talk to me like that!" Sigaw niya at umupo sa likuran ko.

"Bakit? Sino kaba? Amo ba kita para sundin?" Lalo niya akong sinabunutan pero hindi ko ipinakita sa kanyang nasasaktan ako dahil pagkakatuwaan pa ako niyan.

"Hindi mo alam ang kaya kong gawin, Castro. Kaya kong gawing miserable ang buhay mo dito sa MarlonCovard. Remeber that." Pagbabanta niya sakin bago ihampas ang ulo ko sa sahig.

Naaninag ko ang pag-alis niya sa likuran ko at iniwan ako bago ako nawalan ng malay.

Hindi ko na sasabihing si Suzy ang dahilan kung bakit na-clinic ako dahil lalo lang lalaki ang gulo. Baka totohanin pa niya ang banta niya.

Pagkapasok ko sa room napatingin ang lahat sakin, lalo na si Lyn at Rica na nagulat sa itsura ko ngayon.

"Maayos kang lumabas kanina, tapos pagbalik ko may sugat kana. Nakipag-away kaba?" Tanong ni Rica tapos ay natigilan.

Hinawakan ko ang braso niya. "Nadulas ako sa rooftop kanina, hindi ko nakita yung sinage na madulas yung sahig." Dahilan ko at umupo na sa seat ko. Ramdam ko parin ang tingin ng mga classmate ko. Napabuntong-hininga nalang ako.

"Tigilan niyo nga yan!" Napatingin ako kay Lyn nang sumigaw siya. "Hindi niyo ba napapansin? Hindi na komportable si Liah sa mga tingin niyo. Please lang, hindi niya kasalanan kung bakit siya nakatira kina Sir Anthony."

"At ikaw naman..ano bang akala mo? Si Sir Anthony at Liah lang ang nakatira sa iisang bubong? Hah! Sisiraan mo pa si Liah eh mali-mali naman yang sinasabi mo." Sabi pa ni Lyn kay Suzy. Napalingon nalang ako sa bintana, magsisimula na naman.

"Wrong? But she just admitted it. She's living with Sir Anthony."

"And so? You get it wrong, Jang. Hindi lang si Sir Anthony ang kasama niya, including his mother, father, little sister, and Liah's sister." Tumahimik ang paligid sa sinabi ni Lyn. Nanatili parin akong nakatigin sa bintana.

"What's with that face? Oh no...pati ba naman kayo?! Pinagiisipan niyo ng masama si Liah?!" Rinig kong sigaw ni Lyn sa kanila.

"Bakit ba siya nakatira kina Sir Anthony?" Tanong ng isa kong kaklase.

"I can't tell you the reason, unless Sir Anthony says it."

Nanatili parin akong nakatingin sa bintana nang mapansin ko si Sir Anthony sa di kalayuan, nakatingin din sakin. Umiwas nalang ako ng tingin at yumuko sa arm desk ko.

Riddles On The Shooting Star (to be published under IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon