Chapter 18 : Anthony

1.1K 27 1
                                    

LIAH's POV

Wala na kaming pasok, means vacation.

Nagbabasa ako ng libro sa loob ng kwarto ko nang may kumatok sa pintuan. Tumayo naman ako at binuksan ito.

"Bakit?" Tanong ko kay Roxanne.

"Pinatatawag ka ni Tita Anji sa baba." Tumango ako sa kanya at sumunod sa kanya papunta sa kusina.

"May gagawin kaba?" Tanong sakin ni Tita Anji. Umiling ako. "Wala naman po."

"Kung ganoon, pwede mo ba akong samahang mamili ng mga groceries?" Tanong niya sakin.

"Oo naman po."









"Eto."

"Wala yan sa listahan."

"Gummy?"

"Seriously?"

"For Solhee."

"Ikaw na nagsabing walang hilig sa sweets si Solhee."

"Beverages?"

"Meron na niyan sa bahay."

"Cool fever?"

Huminga muna ako ng malalim bago siya tignan ng masama.

"Mainit ka masyado eh."

"Anthony!" Inis kong saway sa kanya. Mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko.

"Wow, for the first time, tinawag mo ako by my name, no formal attach." Natatawa niyang sabi sakin. Napasabunot nalang ako sa buhok ko.

"Sundin mo nalang yang mga nakalagay diyan, okay?!" Singhal ko at tinulak ang cart na pinaglalagyan ng mga pinamili namin.

Si Tita Anji dapat ang kasama kong mamili eh. Anong nangyari sa mundo't bumaligtad at si Sir Anthony ang kasama ko ngayon?

Well, tinopak si Solhee at pinapatahan pa ni Tita Anji. Sakto namang dating ni Sir Anthony na kagigising lang at siya ang pumalit kay tita sa pamimili ng groceries.

At paki-paalala nga po sa akin kung sino ang mas matanda saming dalawa?

"Utang na loob Anthony, tigil-tigilan mo na iyang kakakulit mo nang matapos na tayo dito." Saway ko sa kanya habang inilalagay sa cart yung mga bibilhin namin.

"Talagang sinasanay mo na ang sarili mong tawagin ako by my name huh?" Pang-aasar niya sakin. Siniringan ko siya.

"Anong gusto mo, Kuya Anthony?" Nakangisi at sarkastikong tanong ko sa kanya. Nag-'tss' ako at winasiwas sa ere ang kamay ko na parang nagtataboy. "Huwag nalang. Mas lalo kang magmumukhang matanda."

Mukhang tinamaan siya sa sinabi ko kaya nanlaki ang mata niya at pinitik ang noo ko. "I don't want you to call me as 'kuya', neither as my name. I want you to call me how you're was used to." Sagot niya sabay ngiti sakin.

"Are you hitting on me?" Napa-atras naman siya sa gulat at tinaas ang dalawa niyang kamay. "Woah...woah...hold on, hindi iyon ang intensiyon ko ah. Just saying." Muli ko siyang siniringan at tinuon ang atensiyon sa isang box ng cereal na kanina ko pa inaabot.

Napatingin ako sa kamay na kumuha dito at inilagay sa cart. "Para hindi ka mahirapan." Sabi niya sabay ngiti sakin. Tss.

Chineck ko muna lahat ng mga pinamili namin. Nang makumpleto na namin, dumiretso na kami sa cashier at binayaran yung mga groceries.

Riddles On The Shooting Star (to be published under IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon