"Kasi hinila mo ako, para bang pakiramdam ko isa akong runaway bride na hinila ng isang kabalyero.." mabilis na sinabi niya.

"Huh? Sobra namang imahinasyon mo yan! Tigilan mo nga ako, kahit kailan hindi kita magiging type."

"Ouch ah! Para bang sinabi mong ang pangit ko kesa dun sa ex mo."

"Ganon na nga!"

"Wow! Ang harsh, grabe ka sa akin! Kapag ikaw nainlab sa akin, bahala ka hindi kita sasagutin."

"Hahaha.. what a joke? Its funny, laptrip pa nga hahahah.."

"Ang sama nito..." sabay ungol at tungo, tumahimik siya kaya nakaramdam ako ng konsensya.

"Ui, joke lang.." tumingin siya sa akin habang nakanguso. "Bakit ganyan mukha mo?"

"Kisssss.."

"Kiss mong mukha mo!"

"Ang arte nito! Kala mo naman gwapo! Tsk pogi ka lang ui.."

"Wala akong sinabing gwapo ako, ni wala akong sinabing pogi ako. Kaakit akit lang ako, yun lang."

"Hahaha.. ehhhh!!! Ang kapal mo!"

"Kapal ko pa, nagpapakiss ka pa nga, hindi ka pa naaakit non."

"Hm sabagay, pero hindi ka kaakit akit, kabwiset ka!" Napatingin ako sa harapan ng sasakyan ng makita kong papunta si Lizzy sa amin. Ayokong masaktan ko siya kaya ako na lang ang umiiwas.

"Lizzy?" Napatingin ako kay Jasmine na binuksan na yung pinto nang kotse.

"Kilala--" itatanong ko pa sana kaso nakalabas na siya, "wait.."

"Lizzy, nandito ka pala?" Narinig kong tanong ni Jasmine matapos kong bumaba sa kotse.

"Yup! Classmate ko kasi napag-usapang pupunta dito kahit hindi ko kilala kung sino yung pupuntahan namin."

"Ow, kaya pala! Kilala ko si Sowie, kasi gawa ni Lexie karoom mate ko."

"Lexie?"

"Yup.."

"Kaibigan mo siya?" Turo sa akin ni Lizzy, nakatingin lang ako ng masama sa kanya.

"Oo, at soon to be my boyfriend.." nagulat ako sa sinabi ni Jasmine.

"Ganon ba, alagaan mo siya kung ganon para hindi ka niya iwan, okay."

"Okay!" Sigaw ni Jasmine, tinapik niya ang balikat ni Jasmine saka siya malungkot na tumingin sa akin.

"Alis na akooo.." sabi niya saka siya umalis, agad na hinila ko si Jasmine papasok sa kotse.

"Ui, problema mo?" Sigaw niya, tinignan ko siya saka umupo na para bang pagod na pagod ako.

"Kaibigan mo siya?" Tanong ko, tumango naman siya at ngumiti.

"Yes! She is my very very good friend."

"Very good? Paano mo nasabi?"

"Kasi mapagmahal siya, the only reason why i love her so much."

"Si Lizzy mapagmahal?" Bulong ko. Napasandal na lang ako sa upuan ko.

"Bakit mo nga pala natanong boy tagos?"

"Wala!!" Nang mapangiwi ako dahil sa tawag niya sa akin. "Ano-anong tawag mo ulit sa akin?"

"Boy tagos!" Napapapikit, at tila nabingi ako sa sinabi niya.
"Boy tagos!!" Ulit pa niya.

"Boy tagos pala ah!! Neneng dapa ka naman!!"

IAWTSV2: NOTHING LIKE US ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon