"Anong ginawa mo Lizzy?"

"Kuya, si Mama kasi e.." mahinang sabi niya pero ramdam ko yung intense. Yung para bang may galit siya at gustong pumatay.

"Anong ginawa mo kay Mama?" Sigaw ko ng matauhan siya, agad niyang tinignan ang mga kamay niya at biglang bumuhos ang luha sa mga mata niya.

"Si Mama kasi, kuya.." sabi niya.

"Anak! Umalis ka na... " sabi ni Mama habang kitang kita ko ang pagkalusaw ng katawan niya.

"Maaaaaaaaaa!!!!!" Sigaw ko, hinawakan ko pa siya sa kamay pero unti-unti na siyang nawala. Tinignan ko ng masama si Lizzy na ikinagulat niya.

"Sabi kasi niya, sabi kasi niya kuyaaaa---" singhot at pag-iyak niya na lang ang narinig ko. "Sabi kasi niya papa--"

"Tumigil ka! Hindi kita mapapatawad!!" Tumulo ang mga luha ko at tinulak ko siya dahilan upang mapaupo siya.

"Kuya!!!" Iyak siya ng iyak. "Pakinggan mo ako.." pero umalis na ako at hindi ko na siya pinakinggan. Nalaman yun ni Ama kaya ikinulong niya sa pinakatuktok ng mansyon si Lizzy. Hanggang sa naging binata ako ay hindi ko siya dinalaw dun. Nakita ko na lang yung payong na tinahian ko ng pangalan niya bago ako umalis sa mansyon namin.

-------

Hindi ko na muli siyang nakita, at ngayon nakita ko siya para bang bumalik lahat ng galit ko. Kahit na hindi ko siya pinakinggan, kahit na buong gabi, habang lumalaki ako naririnig ko ang pagmamakaawa niya sa tuktok na pinagkulungan niya.

"Jules?" Nagulat ako bahagya ng may humawak sa balikat ko, nakita kong nakangiti si Jasmine habang nakatingin sa akin.

"Bakit? May kailangan ka?"

"May problema ka ba?"  Napatingin ako sa kanya sabay iling.

"Wala!" Masungit na sagot ko, papaalis na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko. "Pwede ba?"

"Jules?!" Tawag ulit sa akin, ngunit hindi na si Jasmine kundi si Ria. Bakit pa siya bumalik? Nakalimutan ko na siya.

"Bitawan mo ako Jasmine." Sabi ko ng binitawan niya ako, lumapit naman si Ria at siya na ang humawak sa kamay ko.

"Jules, mag-usap naman tayo.." pagmamakaawa niya.

"Ano pang pag-uusapan natin? Umalis ka na lang, nakamove on na ako, huwag ka ng bumalik. Hindi na kita kailangan!" Singhal ko. Nakita kong lumuha ang mga mata niya, "tsk! Paawa! Hanggang ngayon ba, ganyan ka pa rin? Paawa, laging iiyak kahit ikaw naman talaga may kasalanan!!!"
Nanggagalaiti kong sigaw.

"Oo, ako yung unang umalis! Ako yung unang nang-iwan, pero hindi ko hinihingi ang awa mo ngayon, yung pag-ibig mo ulit ang gusto ko."  Nasapok ko na lang ang noo ko.

"Ayoko na nga!!!" Sigaw ko, naramdaman kong may humawak sa damit ko. Nakita ko si Lexie na nakatingin sa akin, biglang nawala ang inis ko.

"Tama na yan Jules, hindi mo kailangang sigawan siya." Yinakap niya pa si Ria, nawala na talaga lahat, kahit awa ayoko ng bigyan pa siya.

"Jules.." sabi naman ni Jasmine, nang makita kong nakatingin sa kanya si Lizzy. Agad kong kinuha ang kamay ni Jasmine at hinila siya paalis na sa bahay nila Sowie. Sumakay kami sa kotse at nang nakaupo na kami ay napansin ko siyang namumula at tulala.

"Anong nangyayari sa'yo? May sakit ka ba?" Sabay hipo ko sa noo niya, nang pinalis niya iyon.

"Wala akong sakit! Na-na-nagulat lang akooo.."

"At bakit ka naman magugulat?" Sobra niya talagang weird.

"Kasi kas--kasi--"

"Kasi?"

IAWTSV2: NOTHING LIKE US ✅Where stories live. Discover now