Chapter 40 - Nightmare ( Part 1 )

Magsimula sa umpisa
                                    

Seryoso si Ma’am Aemie sa ginagawa nyang pag-iwas. Bahala na, hindi ako papaya na matalo ni Ma’am Aemie tulad ni Boul.

Hinuli ko sya at akmang ibabagsak sa sahig nung bigla nyang tinwist ang paa nya at sinipa ang binti ko dahilan para ma-out of balance ako at matumba sa sahig.

Ampotek!

Saktong pagbagsak ko naman ay tumunog ang cellphone ni Ma’am Aemie.

~I'm a barbie girl~ in a barbie world. The life of plastic, it's fantastic. You can brush my hair, undress me everywhere.~

 

 

 

Aemie’s PoV

 

Tumakbo ako ng mabilis papunta sa pwesto namin  kanina ni Zeke dahil nag-ring ang phone ko. Hehehe. Muntik pa nga ako mapasayaw kaso baka magalit si Zeke kaya hindi ko na ginawa.

 

"Your mom" kunot-noong sabi ni Zeke habang iniaabot ang cellphone sa akin na walang tigil sa pagkanta ng barbie.

Eh?

Bakit naman kaya napatawag si..

"Hello mommyyyy!!" masayang bati ko kay mommy.

[Hi baby Ae.]

 

"Bakit po kayo napatawag mommy?" takhang tanong ko, habang pinupunasan ko ang pawis ko sa noo ko gamit ang isang kamay.

Inabutan ako ni Zeke kaya tumingin ako sa kanya at ngumiti.

[Sa bahay nyo ako matutulog. Okay lang ba?]

 

"Huwaaaa talaga po? Sige po mommy!"

 

[Sige pupunta na lang ako dyan, before dinner]

 

"Okay po." Tuwang-tuwa akong sumagot kay mommy. Yiii~ miss na miss ko na pa naman si mommy. Tapos dun pa sya matutulog. Ano kaya gagawin naming mamaya. Hehehe.

Nung maibaba ko ang phone ay napansin kong kunot-noo akong tinitignan ni Zeke.

"What did she say?"

 

"Uhmm wala naman dong" sagot ko kay Zeke, inabutan nya ako ng mineral water kaya kinuha ko yun at uminom.

 

"Oh. I see."

 

"Sabi nya lang sa bahay daw sya matutulog." Sabi ko after kong makainom ng tubig.

 

My Husband is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon