Chapter 40 - Nightmare ( Part 1 )

Magsimula sa umpisa
                                    

"Tumatawa si boss, Boul videohan mo!" utos ni Seb.

"G*go. Edi ikaw! Nakautos pa to."

 

"Namo! Bakla ka talaga. Amina nga phone" inagaw ni Seb ang phone kay Vash.

"Lerwick!" tawag ni Mr. Roswell bago pa man ma-videohan ni Seb ang tawa nito.

Sabay-sabay kaming napaayos ng pwesto nung marinig ang boses ni Mr. Roswell.

"Yow bossing." sagot nya sabay saludo.

"Get ready. You're next." utos ni Mr. Roswell.

*salutes* "areglado boss!"

 

"We'll start in 15 minutes."

Kumpyansa ba syang mananalo si Aemie kay Seb? Pakiramdam ko kasi kanina na pinagbibigyan lang ni Vash si Aemie.

Aemie's PoV

 

Humarap ulit ako kay Zeke pagkarinig ko nung mga sinabi nya. "Yiii~ dong pagtapos ni Sebastian si Jacob naman ha" sabi ko. Hehe. Natutuwa kasi akong makipag-laban eh. Althouh, ang sabi sa akin ni Zeke ay wag ibigay yung 100 percent ng lakas tuwing may laban.

"Yeah" sagot nya habang nakatingin sa direksyon ni Sebastian. Maya-maya ay umupo naman sya sa upuan na nasa likod nya. Hinawakan nya ang kamay ko at uhmmm “bakit dong?” tanong ko kasi hinihila nya ng bahagya ang kamay ko. “Sit beside me.” Utos nya, na ginawa ko naman agad.

Nakatingin lang ako kay Zeke habang umiinom ng bottled water at nakatanaw sa direksyon nila Sebastian. "Lerwick can deceive you with his sweet talks." Sabi nya saka tumingin sa’ken. “So don’t listen to him whenever he talk shits. Understand?"

 

Tumango naman ako sa sinabi ni Zeke.

"Oo naman dong. Tandang-tanda ko pa lahat ng tinuro mo no. Hehe"

 

"Good."

 

Abot tenga ang ngiti ko. Feeling ko naman kasi prepared na prepared na ko sa mga one on one battle. Lagi kasing kasama sa training ko yan. Hehehe.

Nung nakita kong pumunta na si Sebastian sa gitna at nag-i-stretch ng braso, ay tumayo na din ako.

"Best of luck, wife." nakangiting sabi ni Zeke kaya nag-okay sign ako.

Pumwesto ako sa gitna sa tapat ni Sebastian. Tinitignan ko sya sa mata tulad ng tinuro ni Zeke.

My Husband is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon