Chapter Thirty Four

66.2K 1.3K 55
                                    

Dedicated to behindthatmask

Hello.. Thanks for reading His Virgin Wife.  We don't know each other personally pero ikaw ang isa sa mga una kong masipag na reader. This chapter is for you. Hope maenjoy mo same way how i enjoyed writing it for you. Thanks.

---------
Chapter Thirty Four

"I'm sorry Son."

He just look away. Naramdaman niya ang kamay ng ama sa balikat niya. "Bakit ngayon niyo lang sinabi ang lahat ng ito? Hindi sana nadamay ang asawa ko at ang magiging anak namin." Puno ng pait na sabi niya. Pilit niyang iminumulat ng maayos ang mag mata pero tila iyon may bukal ng tubig.

"It's your mom decision. Sinabi niya na hindi mo na dapat malaman ang totoong ugnayan niyo ni Rad. That he's your real brother my own flesh too." Napailing nalang siya. Dahil sa ipinagtapat nito. Mas lalo siyang nalilito kung ano pa nga ba ang dapat niyang paniwalaan. "Ayaw ng mommy mo na masira ang pagtingin mo sa pamilya. She loves you so much. Na kahit magsinungaling ay gagawin niya para sayo. Ipinaramdam niya sayo na kompleto tayo kahit kapag wala ka ay para kaming mga estranghero sa isa't isa. Si Rad ang nagpapaalala sa kanya ng ginawa ko. But i can't leave him the way she wants because he's my son. Anak ko rin siya. At karapatan niyang manatili sa tabi ko."

"At kalimutan ako." Doon napalungon ang ama niya s akanya. Mapait siyang ngumiti. "Walang araw na hindi ko iniisip na sana ay ampon nalang din ako. Dahil nakikita ko habang lumalaki kami na hindi pantay ang pagtingin mo samin. He's good. Intelligent. Hardworking na gustong gusto mo. Lagi mo pang sinasabi that Rad always reminding yourself. Tinuruan niyo akong magdamdam. Magtanim ng sama ng loob. Pero wala naman nang mababago ngayon. Nangyari na ang lahat." Tumingala siya. He's been crying since morning at gabi na pero umiiyak pa rin siya.

May pinirmahang papel para sa paglilipat ng bangkay. The sudden change of feelings wasn't even good. Nabablanko ang isip niya. Humarap ang kanyang ama sa kanya. "Sasabay kaba papuntang chapel?" Umiling siya. Babalik siya sa ER para alamin ang nangyayari sa asawa niya.

"Mauna na kayo dad. My wife needs me." Tinapik siya nito sa isang balikat. Alam niya ang nararamdaman ng ama niya ngayong patay na si Rad. Pinakamasakit sa isang magulang ang maglibing ng isang anak. Dahil naramdaman niya iyon noon, when teddy died. Sabi niya iyon ang huli. Na hindi na mangyayari sa kanya iyon.

Bangungot para sa isang magulang na siya mismo ang maghahatid sa anak niya sa huling hantungan. Walang kasing sakit. Iniwan siya nito at bumalik siya sa ER. Kanina pa siya balisa at takot na takot.

The Bulacan Police station called para sabihing mula sa highway cameras ay nakitang nasa North Luzon Expressway ang sasakyang kinalululanan ng asawa niya. Napansin daw kasi agad dahil labag na iyon sa sixty kilometers per hour. Kapansin pansin din daw ang bilis niyon.

So the Bulacan Police conduct the mass blocking of toll. Alam nilang Bulacan exit ang lalabasan ng sasakyan dahil iyon ang rutang tinahak nito. But ten kilometers away ay bumangga ang sasakyan sa corner island at sumadsad sa malalaking puno na nasa tabi. Almost half of the car was totally wreck. 

Mabilis na rumesponde ang mga awtoridad. Hindi na nagawang gumana ng airbag dahil sa mabilis na momentum. The blasting news makes his heart skipped in a beat. Umescort agad sila sa Manila police na pupunta sa lugar. The standby ambulance was already there. Nakasakay na sa stretcher ang duguan niyang asawa. She's unconscious. Bakas ang hirap sa mukha nito. There's a lot of blood in her whole body. Nahuli na naman siya. Nagkamali na naman siya.

Gusto niyang basagin ang mukha ni Rad dahil sa ginawa nito pero nagulantang siya ng malamang patay na ito. Patay na ito ng ipabas ng sasakyan. Ito kasi ang labis na napuruhan sa nangyaring aksidente. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang maramdaman. Tumawa at matuwa dahil sa wakas nakamit na ng mommy at ng anak niya ang hustisya? O ang maawa. Mas matutuwa sana siya kung sa kukungan nito pagbabayaran ang naging kasalanan nito. Pero ng makita niya ang hitsura ng kanyang ama kung paano ito tila naupos dahil sa katotohanang patay na si Rad ay nawala ang lahat ng nararamdaman niya. Mas naawa siya sa kanyang ama. Damang dama niya ang sakit.

Walang tama sa mga maling nagawa. At wala ring mali sa mga tamang gagawin at ginawa pa. Pero kung may ayos man, iyon ay ang katotohanang walang naidudulot na maganda sa kapwa ang galit at sama ng loob. It will lead you to miseries and pain. Na kapag nakulong ka ay ikababaliw mo.

Nilingon niya ang pinto ng Emergency Room. Lumabas doon ang isang unipormadong doktor. Nag alis ito ng mask at mabilis siyang lumapit.

"How's my wife doc?" Ang tibok ng puso niya ay sing bilis ng mga kabayong nagkakarera. Natatakot siya sa maaaring sabihin ng doktor.

Hinawakan siya nito sa balikat bago ngumiti. "She's safe now Mr. Ventura. Naagapan natin siya. At wala naman siyang nakuhang ibang pinsala mula sa aksidente maliban sa pagkakabagok ng ulo niya at ilang sugat na marahil ay galing sa mga tumalsik na bubog mula sa sasakyan."

He released a deep breath. "Thanks God!" Usal niya. Salamat at ligtas na ang asawa niya. Pero dagli ding nawala ang saya niya ng may maalala. "H-How's... The baby?" Hirap na hirap na tanong niya. Hindi niya alam na buntis pala ang asawa niya. Sana kung nalaman lang niya agad ay mas naalagaan pa niya ito. Hindi niya hahayaan na mapahamak ang mga ito.

"Naparaming  dugong nawala sa misis niyo Mr. Ventura. And we thought that we have to do the D and C. But it's a miracle na may heartbeat parin sa loob ng tiyan ng asawa niyo. The baby survived. Napakarare ng case na ganito. Usually ay sa miscarriage na uuwi pero nakakapagtakang sa dami ng dugong labas sa kanya ay buo pa rin ang buhay sa loob ng sinapupunan niya."

Naluluhang hindi niya maunawaan. Iba ang sayang nararamdaman niya. Kakaiba. Ang kaalamang buntis ng dalwang linggo ang asawa niya at nakaligtas ito sa aksidenteng pagkakalaglag ay hindi niya maunawaan. Magiging tatay na ulit siya. "For now, we'll transfer her to a decent room para sa recovery. She needs to rest para makabawi siya ng lakas. And sa ngayon ay hihintayin muna siyang magising para malaman kung may iba pa bang nararamdaman si Mrs. Ventura." Tumango lang siya ng tumango sa lahat ng sinasabi nito. Sobrang saya niya na ligtas ang mag ina niya.

"Salamat Doc.." Naluluhang sabi niya. Nginitian lang siya nito at tinapik sa balikat bago umalis. Isa isa naman nagsidatingan ang mga kaibigan niya.

Inaalam kung ano n ang kondisyon ng asawa niya. Nang inanunsiyo niya na maayos na sila ay lahat ng mga ito'y nagulat.

"What do you mean sila? " nagtatakang tanong ni Josue na dumating din. Nag aalala daw ito para s akanila. Alam niyang ex-fiancee ito ng asawa niya pero wala naman na siyang nakakapang pag seselos. Alam niyang hindi nito gagawin ang isnag bagay na ikasasakit ng loob niya.

Ngumiti siya sa lahat. Naroroon si Abel, Lex, Cain, pati na rin sila Matteo at Lucas. "Magiging tatay na ako.. Ulit!" Sabay sabay naghiyawan ang mga kaibigan niya. Niyakap pa siya ng mga ito.

Nakalipat na sa isang private room ang misis niya. Wala pa rin itong malay. Pero sinabi naman ng doctor na magiging din ito. Epekto lang daw iyon ng gamot. Hinawakan niya ang kama nitong nakapatong sa tiyan. "I'm sorry kung nahuli ako.. I'm sorry kung napabayaan kita... At sorry din sa baby natin kung muntikan na siyang mawala." Hinalikan niya ang tuktok ng ulo nito. May benda pa iyon. May maliit na galos at sugat kasi ito doon.

"Pangakong aalalagaan ko kayo.. Babantayan at hindi pababayaan. Mahal na mahal kita akachan. "

Hinaplos niya ang pisngi nito. Gusto niyang maramdaman nitong naroroon lang siya sa tabi nito. Ipinikit niya ang mga mata. Pero maliit na tinig din ang nagpamulat sa kanya.


"T-Taddeos... "





To be continued...






----------

Wala talaga akong faith sa sarili ko pagdating sa ganitong eksena.. Feeling ko pilit ang akting ng mga artista ko. Hahaha.

Maybe tomorrow ay maipost ko na po ang next series. Abangers lang po tayo...

Happy reading.
Ai:)

His Virgin Wife (GENTLEMAN series 7: Taddeos Ventura 2)Where stories live. Discover now