Chapter Twenty Four

63.5K 1.4K 51
                                    

"Uno! Saan ka galing?" Agad na tanong ni Tobias ng makitang hawak niya sa kamay si Uno. Sabay sabay silang tatlo na bumalik sa garden. At nahihiya naman siyang mag angat ng tingin.

Kanina, bago pa magawang susian ni aling nimfa ang pinto. Mabilis na niyang binuksan iyon.

"Tita!" Gulat na sabi ni Uno ng makita siya. "Ano pong ginagawa niyo sa loob?" Tila nalunok niya ang dila. Maya maya ay si Taddeos naman ang lumabas. "Kayo din po tito taddy? Dalawa po ba anh toilet sa loob?" Bihis na ang mister niya. Pero di naman plantsado ang mukha nito. Bakas doon ang yamot at inis.

"Ayusin mo nga yang mukha mo. Nakakahiya sa mga bisita. Baka sabihin pinagsisihan mo na inimbita mo sila." Bulong niya para hindi marinig ng bata. Humawak ito sa baywang niya ay bumulong din.

"Paalisin mo na kaya sila. So that, we can have a much time together. Iyong walang abala." Wala na pala si Uno sa harapan nila. Nakapasok na pala sa banyo.

Siniko lang niya ito. "Magtigil ka nga."  Humawak sa kamay niya si Uno ng makalabas ito.

"Tara na po tita."

"Sorry po tatay. Ihing ihi na po kasi ako kanina e!" Sabi ni uno at saka yumakap sabinti ng ama.

Tumingin naman si Tobias sa kanilang mag asawa. "E kayo. Saan kayo galing? Nauna nang umalis sina Job. Masama sa misis niya ang mapuyat lalo pa't apat ang ilalabas niyon."

Akmang magsasalita ang asawa niya ng maunahan ito ni Uno. "Nakita ko din po sila sa CR tatay."

Gusto niyang busalan ang bibig ng bata para hindi ito makapagsalita pero masisisi ba niya ito sa pagiging honest nito. Tumingin si Tobias sa anak nito bago ngumisi kay Taddeos. "What do you mean little buddy?"

Ninenerbiyos siya sa maaring ikwento pa ng bata sa ama nito. "Ahhm..  Uno tara ilalabas na ni ate nimfa yung ginawa kong coffee Jelly. Gusto din 'yon diba?" Alok niya s abata. Nakakahiya kung ano pa anh sabihin nito.

Nagningning ang mga mata nito. "Ay opo! Paborito ko po 'yon. Lagi pong gumagawa ni nanay ng ganoon."

"That's great! So tara?" Humawak ito sa isang kamay niya. Nag paalam sa ama at kay Taddeos. Pero agad ding lumingon.

"Tatay.. Di po ba okay lang na magkasabay silang umihi sa banyo? Ganoon din naman po kayo ni nanay diba? Magkasabay kapag naihi." Pinamulahan siya ng pisngi dahil sa kainosentihan ni uno. Bata pa nga talaga ito. Si Taddeos naman at napabungisngis.

"Mukhang pamilyar na si Uno sa mga bagay na pinagsasabay sabay." Makahulugang sabi nito kay Tobias na halata ang pagkasukol sa mukha.

"Uno! Go to your nanay! Now!" Mabilis na sumunod ang bata at tumakbo sa ina nitong nakaupo habang kakwentuhan si Daphne at Sheine. Siya naman ay umiwas nalang ng tingin sa dalawang lalaki at sumunod nalang ng lakad kay Uno.

Wala sa sariling kinapa niya ang pagkababae niya. Bakit ba pakiramdam niya ay naroroon pa rin sa loob niyon ang pagkalalaki ng asawa niya? Pati ang daliri at dila nito ay nararamdaman pa niya sa loob. Your wet again nikita! Bulaslas ng isip niya. Nagiging maniac kana! Ipinilig niya ang ulo at saka pilit inaalis sa isip kung paano panandalian silang naglaro sa apoy ng mister niya.

What happened inside the toilet room was... Magical. She felt a woman now. Pakiramdam niya ay hindi na siya si nikita na walang alam sa buhay kung di ang gumastos ng pera. Gumala at maglamyerda. Pakiramdam niya ay ibang babae na siya. Isang babaeng may di pangkaraniwang katangian. A woman with a power to rule her own kingdom. At iyon ay ang tahanan nilang mag asawa.

Isa isa nang nagpaalam sa kanila ang mga bisita. Huling umalis ang pamilya ni Tobias na nasa tapat lang nila ang bahay.

"Tita Niki pwede po ba ako dito sa inyo minsan minsan?" Sabi ng bata. "Palagi po kasi akong iniiwan ni tatay kay na tito lex."

Lumuhod siya para magpantay silang dalawa. "Oo naman. Bakit hindi?"

Kumislap ang mga mata nito. "Talaga po? Yehey! Nanay tatay.. Kapg po wal akong school pupunta po ako dito ha!" Sabi nito sa ama't ina. "Dati po kasi pinagbawalan ako ni tatay. Kasi si tito taddy po inagaw ako sa kanya nung bad girl." Napakunot noo siya.

"Wala na iyon niki.. Matagal nang nangyari. " Nakangiting sabi ni edizel sa kanya. Tumango nalang siya. Humawak sa balikat ni si Taddeos at saka inihatid nila sa gate ang mag anak.

Nang mawala ang mga ito  sa paningin nila saka sila pumasok sa loob. "So nag away kayo ni Tobias noon?" Tanong niya habang naglalakad sila papasok sa loob ng bahay.

Tumango ito. "He beat me. When he learned that his Son got kidnapped. Pero hindi ko naman inakala na ganoon ang mangyayari. That woman is sick!" Sabi nito. Mukha naman kasing okay na ang magkaibigan kaya di na siya masyadong nag aalala. Paakyat na sila sa hagdan ng maramdaman niya ang palad nito sa pang upo niya.

"Mister.. Ang kamay mo. Kung saan saan na naman dumadapo." Saway niya. Idiniit nito ang labi sa tenga niya at bumulong."Nabitin ako kanina. Tara maglock na tayo ng kwarto natin." Pilyong bulong nito.

"Manyakis ka talaga. " Mabilis siyang kumawala dito at tawa tawang tumakbo palayo dito. Perp agad itong humabol sa kanya.

"Yari ka sakin kapg inabutan kita!"





To be continued...




His Virgin Wife (GENTLEMAN series 7: Taddeos Ventura 2)Where stories live. Discover now