Chapter Twenty Two

64.4K 1.3K 19
                                    

He was speechless. Hr remained silent and steady. Hindi siya makapagsalita. All he did was, looking at his father misty eyes. Niyakap siya nito ng mahigpit. Part of him, ay sinasabing yakapin mo pabalik. But how? Paano nga ba? Kung patuloy niyang naaalala ang mga panahon na nagsusumbatan sila sa isa't isa. Mga panahong kinalimutannl nila na pamilya sila. Na dapat ay sila ang unang nagdadamayan.

"I'm sorry Son.. I'm really really sorry... " Nakita ni Taddeos ang sincerity sa mga mata ng kanyang ama. Tila nabibiyak ang puso niya. Matagal niyang hinintay ito. Matagal niyang ipinagdasal. Na sana ay dumating ang araw na kaya na nilang humarap sa isa't isa. Nang hindi nagsusumbatan, hindi nagsisihan at hindi nag aaway. "Patawarin mo ako anak... Alam kong malaki ang pagkukulang ko sa'yo. Kinalimutan kita. Binalewala. I know how difficult to you na ako nalang ang matitirang magulang mo pero ako pa ang unang nagtaboy sayo." kapag naaalala niya ang mga araw na ipinapardam nito sa kanya ang kawalang silbi niya. Dahil sa pgkamatay ng mommy niya at ng kanyang anak ay para din siyang namamatay. Minsan naisip niya noon. Bakit di nalang kaya niya kitlin ang sariling buhay. Maybe kapag nagawa niya iyon ay mapatawad na siya ng kanyang ama. Aaminin niya, sinisi niya ang sarili niya dahil sa nangyari. If he became a responsible Son. Hindi sana nangyari ang trahedyang iyon. "araw-araw nagdarasal ako.. Na sana ay hindi pa huli ang lahat sa ating dalawa. I made a very big mistake by neglecting you my son. Isang malaking pagkakamali para sa isang magulang ang iwan at kalimutan niya ang kanyang anak. Pinagsisihan ko na sayo ko sinisi ang lahat. Mahirap mawalan.. Mahirap maiwan.. Pero mas mahirap palang maiwan ng anak mong kahit alam mong nariyan lang ay malayo na sayo. "

Is it okay to cry? Dahil isa isa nang pumapatak ang mga luha niya. "Dad.. Nawalan din ako.. I lost mom and my child.. Naiintindihan kita because we're both sailing on the same boat.. Pareho tayong nawalan. Pareho tayong naiwan. Sinisi ko ang sarili ko kung bakit pa sila? Why not me? Lalo na ang anak ko.. He's just a kid. Marami pa akong pangarap para sa kanya. Kagaya ng lagi mong pangarap sa akin noon. Be a better Man. And be a great leader.  Naalala ko lahat 'yon dad. Here i am on the road that i choose to walk on. Dahil iyon sa mga paulit ulit na pangaral mo noon. You taught me. Kaya paano na hindi ko kayo papatawarin? Tatay kita.. Kalahati ng hininga ko ay sayo nagmula. Kalahati ng buhay ko ay sayo galing." Binuwag na niya ang pader sa pagitan nilang dalawa. Kapag naman kasi magulang mo ang nasaktan kasama kang masasaktan. Nakulong sila pareho sa dungis ng nakaraan. Naisip nga niya. Kailan kaya sila makakalaya?

Naalala niya ang sinabi ng asawa niya. Forgive your self first. Kasi hindi mo mapapatawad ang ibang tao kung ikaw mismo ay hindi mo napapatawad ang sarili mo.

Tama siya. Napatawad na niya ang sarili niya. Ang kailangan na lang niyang gawin ngayon ay kung paano hihilumin ang sugat na nilikha ng madilim nilang nakaraan. "Ngayon ko lang nalaman na, malaki na ang naging pagkukulang ko sayo. Wala ako sa mga taong gusto mong iselebra ang kaarawan mo. Wala ako sa mga tagumpay na achievements mo. Nakalimutan kong kailangan mo pala ako. Minsan kasi ang akala ng mga magulang kapag napalaki at napagyaman na nila ang kanilang mga anak ay hindi na sila kailangan na balewala na sila."

"Dad.. Mali ka. Tumanda man ako at magka apo ay hindi matatapos ang pagiging magulang mo sakin. Kasi tatay kita. At tatay na rin ako. Namatay si teddy pero hindi natatapos doon ang pagiging ama ko sa kanya. Ganoon din kayo dad.. Hindi magagawang burahin ng isang anak ang dugong magpapaalala na ang buhay niya ay galing sa mga magulang niya. Our life is a cycle of sharing. Binigay niyo sa akin. Isusukli ko ulit sa inyo." Niyakap siya muli ng kanyang ama.

"Maswerte ako na ikaw ang anak ko. If your mom was here. Alam kong matutuwa siya sayo. At proud na proud." Ani nito habang yakap siya.

Gumanti siya ng yakap. "I'm sorry dad... Patawarin mo ako kung nakalimot ako."

Tinapik nito ang balikat niya at saka humiwalay mg bahagya. Nilingon nito ang likuran niya. Nakatayo sa likod niya ang kanyang asawa. Hinawakan niya iyon sa kamay at ipinakilala sa kanyang ama. "Dad.. My wife ---"

"I haven't thank you yet nikita.. " His dad said to his wife. Kumunot ang noo niya. Lalo na ng ngiti ang kanyang asawa pabalik.

"Masaya po ako na nakarating kayo." Simple lang tugon nito. Nagsalubong ang mga mata nila. Humihingi siya ng paliwanag.

"Maswerte ka sa asawa mo anak.. She's more than a Wonder Woman. Siya ang nagbukas ng isip ko. Ipinakilala niya sa akin si pagpapatawad. That's why I'm here. Because i already realized what i really missed." Sumandig sa balikat niya si nikita. Hindi niya akalain na ito ang sinasabi nitong regalo sa kanya.

"Thank you dad... Thank you for being here. Salamat dahil naalala mo parin ako." Muli siya nitong tinapik sa balikat.

"Hindi ko madalas sabihin ito kahit noon bata ka pa. Pero mahal kita anak... Nang isilang ka ng iyong ina.. Alam kong magiging mabuti lang anak sa amin dalawa. Sadyang nagkamali lang ako anak.. Kaya patawarin mo ako." Matiis man ng anak ang magulang. Pero ang magulang ay hinding hindi matitiis ang sariling anak. Sana pala, mas inagahan pa nila ang pagbubukas ng isip nila. Hindi na sana lumalim pa ang sakit sa mga puso nila. Pero ganoon paman alam niyang napatawad na niya ito. Gayun din ang sarili niya.

Anuman ang mangyari mananatiling magkaugnay ang buhay nila. Nasaktan lang sila.Ang sakit naman ay napapag aralan. Pwede mong maramdaman at pwedeng hindi. Pwede mong damdamin at pwedeng kalimutan nalang. Para sa kanya ito ang pinakamalaking regalong natanggap niya. Ang maramdamang may pamilya pa siya. Na may magulang pang aalalay sa kanya para hindi na siya muling magkamali.






To be continued...




------

I always have a hugot when it comes to tatay. Kaya kayo.. Mahalin niyo ang mga magulang niyo. Kasi iisa lang sila. Mawala man sila ng sabay..pero iisa lang sila kasi ang hininga nila at hininga niyo ay iisa.

Thanks for the reads.

P. S
There's a slight problem about commenting in wattpad. Baka nakakaencounter kayo.. And another is, nagshashuffle ang mga chapters. Napupunta sa ibang stories. So i suggest na ichange niyo ang mga password niyo. Then log in again.

His Virgin Wife (GENTLEMAN series 7: Taddeos Ventura 2)Where stories live. Discover now