Chapter Eighteen

62.9K 1.4K 50
                                    

They were both leaning in each other. When they heard a footsteps coming from the entrance. Siya ang unang nag angat ng tingin. And to her surprise, she saw her husband father.


"Good evening p-po.. " Ngumiti siya. Sinubukan niyang gawing maaliwalas ang mukha nito dahil sa nakita silang mag asawa doon.

Ang asawa niya ay biglang tumiim bagang ng makita ang ama. "Didn't i tell you that you are not allowed to go here?" Napasinghap siya sa sinabi ng ama ni Taddeos dito. Pati ba ito ay ipagdadamot sa kanya?

Kumuyom ang kamao ng kanyang asawa. "The last time i checked, my mom and my son was here. So paanong hindi ako pwedeng pumumta dito?"

"You killed them. Ikaw ang pumatay sakanila." Kasing lamig ng yelo ang tinuran ng matanda. Na para bang ang sinabi nito ay isa lamang biro sa isang bata.

Pagak na tumawa ang kanyang asawa. "Suit yourself. Tutal sanay naman na akong ako ang sinisisi mo. Ano bang bago?" Nang uuyam na sabi nito.

"Tad.. Tama na.. He's still your father." Saway niya sa kanyang mister.

"He's already stopped being my father since my mom and my son died." Matigas nitong sabi. Itago man nito ang emosyon ay nainiwala siyang may natitirang pagpapahala sa puso nito. Ang dalawang lalaking nasa harapan niya ay parehong naabbalot ng galit at poot sa puso nila. Hindi pa marahil nila nalalaman ang daan patungo sa pagpapatawad. Pagpapatawad sa isa't isa at pagpapatawad sa sarili.

Ganoon naman talaga. People acting irrational when they hurt. "Buti pa umalis na tayo. Dahil kapag inatake siya ng sakit sa puso ay ako na naman ang sisihin niya." Tumalikod ang asawa niya at sinamsam ang mga gamit nila. Siya naman ay nakasunod lang ng tingin. She looked at his father eyes. She apologetically smiled. Pero wala man lamang itong ibang sinabi.

Gaya ng ginawa ng asawa niya ay lumabas na rin siya. Hindi man lamang sila nagkaroon ng maayos na pagpapaalam sa dalawang puntod. Ngayon niya mas naunawaan ang kanyang asawa. Mahirap pala talaga ang pinagdadaanan nito. Nawalan ng ina at anak. Itinakwil naman ng sariling ama. Kahit pala may hindi sila pagkakaunawaan ng kanyang lolo kung minsan ay maswerte pa rin siyang matatawag dahil kahit minsan ay hindi nito sinabing hindi iisa ang kanilang dugo. Para dito iisang pamilya sila.

Susubukan niyang yakagin ang kanyang asawa papuntang Japan. Ipapakilala niya ito ng pormal sa bansa nila. Siguro naman magiging okay na rin sila ng lolo niya. Wala namang dahilan para hindi sila magkaayos. Maybe, kapag naramdaman ng asawa niya na may pamilyang pwedeng tumanggap dito ay mabawasan ang angst nito sa buhay.

Nakarating sila't lahat sa bahay ay hindian lamang umiimik ang asawa niya. Hindi niya tuloy maisip kung galit ba ito o ano. Natagpuan na lamang niya itong tulog sa kama nila. Dahan dahan siyang lumapit dito at ibinuka ang isang braso nito. Kusa na niyang ikinulong ang sarili doon. Gusto niya na kahit tulog ito ay maramdaman nitong naroroon lang siya na hindi niya ito iiwan o tatalikuran di gaya ng ginawa ng ama nito.

Nagising siya dahil sa maliit na sinag ng araw na tumatagos sa pagitan ng makakapal na kurtina. Agad niyang kinusot ang mga mata. Kinapa niya ang kanyang tabi at ngunit bakante na iyon. Nang umangat ang tingin niya sa luminous clock na nasa dingding ay pasado alas nuwebe na ng umaga. Nakaalis na marahil ang asawa niya.

Akma siyang babangon ng makita ang Maliit na kwadradong puting papel na nakapatong sa unan.

Akachan,

Maaga akong umalis. And you're sleeping like a baby. Ayokong gisingin ka.

See you tonight . Watashi no ai.

His Virgin Wife (GENTLEMAN series 7: Taddeos Ventura 2)Where stories live. Discover now