Chapter One

92.9K 1.9K 37
                                    

"Josue!"

Bahagya siyang napaatras ng makilala ito. Bago mang gupit ang buhok nito. Pero madali para sa kanya na makilala ito. Besides, he's her ex-fiancé.

"Best wishes. " Josue smiled at her. Alanganin siyang ngumiti. Tumingin siya kay Taddeos na palipat lipat din pala ang tingin sa kanilang dalawa.

"You know him?" Tanong ng asawa niya sa kanya.

Tatango sana siya ng maunahan siya ni Josue. "She's the woman that I'm telling you." Humawak sa baba niya ang kanyang asawa. Parang may inaalala sa sinabi ni Josue. "Oh! I see.. " Umiwas siya ng tingin ng magtama ang mga mata nilang mag asawa.

Mukhang nasabi na pala ni Josue sa asawa niya ang ugnayan nila noon. "Well, I'm happy for both of you. Alam ko naman simula palang na hindi kami magkakatuluyan. Iyon pala ay ikaw ang hinhintay niya." Sinabayan ni josue ng tawa ang huling sinabi.

"Nakakatawa my best friend is my wife ex-fiancé." Napabaling siya agad kay Taddeos ng banggitin nito iyon. Mabuti at siya na lamang ang nakarinig dahil si Josue ay kausap na pala ng lolo niya.

"I-I'm sorry.." Bulong niya habang nakatingin siya dito. "Hindi ko alam na magkaibigan pala kayo." Pagak na napangiti si Taddeos.

"Lagi naman na hindi mo alam diba? So what's new? Kaya nga tayo napunta dito kasi hindi mo rin alam. My dear innocent wife!" Sarkastikong saad ni Taddeos sa kanya. Babagong kasal palang sila pero ganito na sila magbatuhan ng mga salita. Paano pa kaya kung araw araw na silang magkasama sa iisang bubong? Baka hindi matatapos ang buong araw na di sila nagkakasakitan ng loob.

Bahagya nalang siyang dumistansya upang mawala ang inis nito. "Hey! Newly weds." Pagtawag ni Josue sa kanila. "I can't make it up to the reception may aasikasuhin pa ako." Paalam ni Josue sa kanila.

Lumapit ito kay Taddeos at saka tinapiknsa balikat ang asawa niya. "Congrats pare.. Akala ko wala ka nang pag asa." Biro ni Josue na tinawanan lang ng asawa niya.

"Get out bro.. Find your soon-to-wife bago pa maubos ang mamanahin mo." Ganting biro ni Taddeos. Hindi lingid sa kaalaman niya ang tungkol na nakafreeze na mamanahin ni Josue mula sa ninuno nito. That's why they are end up in arranged marriage na unfortunately ay hindi natuloy.

"Oh! I already found her pare.. All i need to do is to pursue her." Kumindat ito sa kanya pero hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagsulyap nito sa kaibigan niyang si Flor na ngayon ay nakatirik ang mga mata na nakapukol sa binata.


Mukhang may naaamoy siyang kakaiba sa pagitan ng kaibigan niya at ni Josue. At ipinagdarasal niya na kung ano man iyon ay sana maging maayos. "So, paano? Mauna na ko." Paalam ni Josue.

"Go ahead. Sanay naman akong nangiiwan ka." Gusto niyang matawa sa dalawa. Hindi niya akalain na ganito pala magbiruan ang mga ito.

Umiling iling si Josue bago bumaling sa kanya. "Ikaw na ang bahala sa kaibigan ko. Kick him kapag matigas ang ulo. O kaya ay hagisan mo ng paminta." Biro ni Josue. Naiilang na ngumiti siya. "At kapag nagloko.. Ibalot mo ang mga damit niya at ikaw pa mismo ang maghatid aa bahay ng kakabitan niya. For sure magtatanda yan."

"Gago ka talaga. Lumayas kana bago ko pa makalimutang best friend kita." Natatawang pagtataboy ni Taddeos dito.

Ngayon palang, ang maisip na baka mambabae ito ay parang sinasakal na ang puso niya. Pero mag asawa n kami. Oo nga at mag asawa sila. Pero sa papel lang Nikita.

Lihim siyang nasaktan. Paano nga kung sa kalagitnaan ng relasyon nila bilang mag asawa ay maghanap ito ng iba? Iyong gusto talaga nitong makasama? Paano siya?

Marriage is a combination of blind wife and deaf husband. Pero paano kung bulag at bingi siya? Tanga ba ang magiging tawag sa kanya? Hindi niya alam. Baka hindi niya kayanin. Ngayon palang na naiimagine niya ay nasasaktan na siya. Paano pa kaya sa aktwal na pagtataksil? Baka ikabaliw na niya.

"Goodbye Niki.. See you again." Napaigtad pa siya ng biglang humalik ito sa pisngi niya. Kung noon ay naiinis siya kapag nagpapakita ito ng affection sa kanya. Ngayon naman ay naiilang siya. Lalo pa't nakamata sa kanila ang asawa niya.

"Ehem!" Biglang umubo si Taddeos kaya napaatras siya. "Umalis kana pare.. Baka makalimutan mo ang importanteng lakad mo." Biglang seryosong sabi ni Taddeos sa binata. Ngumiti lang si Josue at saka lumakad palabas ng silid.

Naglabasan na rin pala ang ilang mga nasa loob kaya lumakad na rin sila palabas. Sa parking lot ay naghihintay ang ilang dumalo sa kasal nila. Wala man lamang ekspresyon ang mukha ni Taddeos. Nanatiling blanko ang mukha nito kahit ng sabay silang binabati ng mga tao sa paligid nila.

May bumati sa kanila at akma siyang ngingiti ng umimik ang asawa niya. "Don't smile." Napatingin siya dito. Nasa harapan nila ang ilang municipal officials na nakibati din sa kanila. "Baka pati sila ay maakit sayo." ani nito sa kanya at saka naunang lumakad pasakay sa sasakyan nito.






To be continued...






------

Naiinis talaga ko sa utak ko. Waahhh! Ang dami ko pang pending pero binubuo na agad niya ang plot ni Josue at Flor. Waahh!

Happy reading.
Ai:)

His Virgin Wife (GENTLEMAN series 7: Taddeos Ventura 2)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ