Speaking of Jazer, I suddenly remembered what happened few nights ago. Ayoko talagang may nakakakita sa aking umiiyak kaya naman naappreciate ko ang pagpatay niya ng ilaw. Nakatulog ako no'n kakaiyak at hindi na ako nakakain. Buti na lang ay hindi siya nagtanong at mukhang wala rin naman siyang balak alamin ang nangyari pagkagising ko.

"Ako ba? Hindi mo kukumustahin?"

Damn it. Why am I recalling that? Bakit ko ba kasi sinabi 'yon? Bwisit.

Bago pa tuluyang sumama ang loob ko ay inalis ko na 'yon sa isip ko at kumain na lang. After that, nagready na ako sa last class ko pero bigla namang nag-email ang prof namin na walang class dahil may conference daw siyang pupuntahan.

Well, it's just 3 PM and that guy has a class 'til 5 PM so I decided to stay at the library. However, there were too many students when I arrived so I didn't go inside. Pumunta na lang ako sa bench area at nag-isip kung ano ang pwedeng gawin.

Seryoso bang two hours ako maghihintay?

In the end, hindi ko kinaya at nag-Uber ako papunta sa mall malapit sa university para magpalipas ng oras. Nag-ikot-ikot lang ako hanggang sa mapunta ako sa isang clothing store for kids.

"What am I even doing here?" I whispered but my feet betrayed me.

"Welcome, Ma'am!" one of the staffs enthusiastically greeted and I forced a smile.

I looked at their clothes and I can say that they're fashionable and cute. Habang nagtitingin ako ay naiimagine kong suot ng dalawang bubwit ang mga damit at mukhang bagay naman sa kanila ang ilan. I picked some cute dresses and shirts for them, as well as shoes and accessories. Nang nabayaran ko na ay doon ko lang narealize ang ginawa ko at naitanong ko sa sarili ko kung bakit ko ba 'to ginagawa. Tsk. Hayaan na nga, nandyan na, eh.

Nagtingin pa ako sa ilang shops at ilang beses din ko ring pinag-isipan kung bibilhin ko ba ang mga nakikita ko o hindi. Gusto ko pa sanang mag-ikot pero nang nakita ko ang oras ay agad akong nag-book ng taxi dahil magfa-five na pala.

"Oh my gosh. No," bulong ko dahil tuluyan nang namatay ang phone ko. Buti na lang at nakasakay na ako ng taxi pero bigla namang nagka-traffic sa intersection.

"Naku, Ma'am, mukhang may nagkabanggaan," sabi naman ni Kuya nang makita niya akong dumudungaw sa labas.

Sa sobrang bagal ng galaw ng mga sasakyan ay naging forty minutes ang 10-minute ride from mall to school. Nakarating ako sa campus ng 5:40 at hindi ko alam kung bakit sa main gate pa ako bumaba. Sigurado namang dumiretso na ang lalaking 'yon sa parking lot. Tsk. Stupid—

"Chloe!"

Napahinto naman ako nang narinig ko ang pangalan ko. When I looked around, I saw Jazer running toward me. He was still here?

"Why are you still here?" tanong ko nang makalabas siya sa main gate pero nagulat ako nang bigla niya akong hinawakan sa balikat. "W-what are—"

"Akala ko kung ano nang nangyari sa'yo," he exhaled. "Wala ka kasi doon kahit na sabay lang naman ang tapos ng klase natin. Hindi ko rin naman alam kung paano ka kokontakin."

Hindi ko alam kung ano ang irereact sa sinabi niya kaya kumunot lang ang noo ko. This was the first time I saw that kind of expression from him.

"My last class got cancelled so nagpunta muna ako sa mall," sabi ko na lang at napatingin siya sa paperbags na bitbit ko.

"Ah. Kaya pala. Pero bakit hindi mo sinabihan si Kuya Larry? Kanina ka pa raw niya tinatawagan."

"My phone died and traffic 'din kaya natagalan ako."

Baby MadnessWhere stories live. Discover now