27. Lamay

784 41 6
                                    

Ganito ang kakaibang trip ng tropa ko na pagtambay sa patay: Lalabas sa lungga kung kailan gugustuhin sabay diretso sa lamay. Minsan, sa tanghali, basta siguradong may nakahaing pagkain. Minsan, sa gabi kapag walang raket.

Heto si Jimboy, pakamot-kamot sa ulo. 'Tang-ina, nalagasan na ng tatlongdaan, ayaw pang lumubay sa tong-its. Hindi siguro maunawaan na ang buwenas, hindi niya matatagpuan sa sugal kundi sa raket lang namin.

Heto namang si Paquito, napakagaling. Nagawang matulog nang nakaupo sa mono block na nirentahan sa Mendoza Funeral Homes. Hindi na inabot ng pagkaubos ang nilalantakang tinapay, naunahan na ng antok.

Sabagay, lahat naman ng tao rito, puyat nang dahil sa patay. Pero kaming tatlo, puyat nang dahil sa raket namin. Puta, hindi rin madali na madaling-araw na ay nasa lansangan pa kami para magkaroon ng paglalamayan sa araw na ito. Mabuti at malaki ang upa sa amin ni Boss.

150 mga salita

KisapmataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon