11. Panaginip

2.8K 129 18
                                    

"Kuya, patay na raw si Aling Celia."

Nanatiling tahimik si Jerrold sa kabila ng balitang bumungad sa kaniyang umaga. Imbis na pagkagulat ay takot ang nangibabaw sa kaniya.

Nangyari na nga.

Humigop siya sa kaniyang tasa ng mainit na kape. Sa pag-ihip ng hangin ay nagsitaasan ang kaniyang mga balahibo.

Naalala niya si Tala, kaniyang kaibigan. Bago ito pumanaw, napanaginipan niyang mamamatay ito. At nangyari nga.

Ganoon din ang nangyari sa mga kakilala niyang sina Dominic, Cara, at Lolo Isme. Bago sila pumanaw ay napanaginipan niya ang mga ito.

At oo, si Aling Celia man din.

Biglang bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso. Hindi ito maaari.

"Kuya!"

Naramdaman niyang lumagapak ang kaniyang likod sa sahig. Nanlalabo ang kaniyang paningin, at unti-unti siyang nahirapang huminga.

Parang isang pelikulang rumehistro sa kaniyang utak ang panaginip niya kagabi lamang. Ang kaniyang sarili na walang buhay, at nakahimlay sa sarili nitong kabaong.

150 mga salita

KisapmataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon