22. Guro

1.2K 65 12
                                    

Hindi natatapos ang pagiging guro ng isang guro. Hanggang sa kaniyang paglabas sa apat na sulok ng paaralan, agaw-pansin ang naiwang bakas ng yeso sa kaniyang balat; ang kumapit na amoy ng lumang libro sa kaniya na nagsilbing liwanag para sa ilandaang mga isipan at pumuno sa mga basong walang laman.

Dahil dito, araw-araw ay iba't ibang mga mukha ang nag-aalay sa kaniya ng mga ngiti at pagbati sa loob o labas man ng paaralan. At sa lahat ng mga iyon, hindi pumapalya ang kaniyang pagngiti o pagbati pabalik. . . maliban sa akin.

Hindi niya ako gusto. Kung maaari lamang sana akong burahin katulad ng maling sulat ng yeso sa pisara ay kaniya nang ginawa. Hindi niya matanggap na higit pa ako sa isang estudyante niya. Hindi niya matanggap na hindi ko lamang siya "ma'am" kung hindi mama ko rin siya.

143 mga salita

KisapmataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon