23. Baril

819 53 13
                                    

Heto na, nararamdaman ko na. Papalapit na ang pinakahihintay kong araw. Sa wakas, makalalabas na ako sa mundong ito na aking pinaglagian sa loob ng siyam na buwan.

Naririnig ko ang isang tinig na paulit-ulit na inooyayi ang aking munting kamalayan. Sinabayan ito ng isang paghaplos na nagsasabi sa akin na wala dapat akong ipag-alinlangan. Nananabik akong makita ang pinagmumulan noon. Ina, malapit na tayong magkita.

Ilang sandali lamang ay nawala ang paghaplos ng kaniyang kamay. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng kaniyang puso. Ginambala ng mga pag-uga ang aking payapang mundo. Bakit tumatakbo si ina? Nasasaktan ako.

Nakarinig ako ng isang pagsabog. Baril ba iyon?

Habang unti-unting humihina ang aming pinag-isang tibok ng puso, nakarinig ako ng isang tinig. Isang nakatatakot na tinig.

"Pasensya na, hindi ka na dapat nanlaban. Ang mga kagaya mo ang sumisira sa pagbabagong ipinangako ng pangulo."

148 mga salita

KisapmataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon