3. Delubyo

7.7K 173 19
                                    

Nagsimulang dumilim ang kalangitan. Umihip ang malakas na hangin. Maya-maya lamang ay bumuhos ang malakas na ulan na nagdulot ng matinding pagbaha.

Binuksan ni Lito ang pinto ng kaniyang tahanan, tinanaw niya ang kapaligiran. Ni isang punong nakatayo ay wala siyang nakita, lahat ay taob. Nagmistula namang isang dagat ang paligid sa taas at lawak ng sakop ng baha.

Ngunit hindi siya natinag. Hindi niya lilisanin ang kaniyang tahanan.

Nakatayo lamang siya roon, buo ang loob na walang dapat ipag-alala kahit pa lumalamig ang paligid at siya ay giniginaw na.

Ilang sandali lamang, nagsimulang yumanig ang lupa, dumagundong ang tunog ng mga bato at lupang rumaragasa mula sa itaas. Tuluyang itong bumagsak patungo sa kaniyang tahanan.

Nalimutan niyang sa paa ng bundok nga pala siya nakatira.

Huli na nang maisip niyang lumisan dahil ngayon ay nababalot na siya ng putik, sugatan at pahina na nang pahina ang pulso.

150 mga salita

KisapmataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon