#ASAwp
Chapter 20 - Hurt
Nang mapabalik ako sa realidad ay tsaka ako lumapit sakanilang dalawa para pigilan si Troy sa ginagawa nito. Pilit kong hinila ang damit ni Troy na ngayon ay nakapaibabaw kay Adam. Adam couldn't keep up with Troy's punches.
Sinubukan niyang ilagan ang ilang suntok pero madami parin ang tumatama sa mukha niya. Troy was a black belter for fuck's sake! Plus the fact that he's enrolled in a boxing training sa gym niya.
At bakit ba hindi man lang gumaganti itong si Adam?! He's just trying to block a few punches but he's welcoming all the other punches freely. What the hell?!
"Troy! Ano ba?! Damn it! Stop!" I was crying, and shouting at the same time. This is crazy. Kapag hindi siya tumigil sa gantong pace ng suntok niya ay baka mapatay niya si Adam.
I can see Adam's blood all over the floor, at mukhang wala talagang balak tumigil si Troy. Nakita ko si Trina na natulala sa nangyari. "Trina! Call for help!" Sigaw ko dito bago siya napabalik sa realidad.
Of course, she's shocked. Never pa namin nakita na ganito si Troy. He's like a whole new person right now.
Tinulak ko si Troy, and this time ay napalayo na siya kay Adam. "Fuck! Fuck! Adam!" Umiiyak kong sabi, maingat kong hinawakan ang mukha niyang puno ng dugo. "Don't sleep. Don't close your eyes. Wag kang matutulog. Please." I pleaded.
Natataranta kong kinuha ang phone ko para tumawag ng ambulansya. Nanginginig ang kamay ko habang nagtitipa sa phone ko. "Papunta na yung ambulansya." Sabi ni Trina habang hawak hawak ang phone niya.
Ibinaba ko ang phone ko at binalik ang focus kay Adam. "Adam, please." I cried. Puno na ako ng dugo ni Adam pero wala akong pakialam. Kung kaya ko lang buhatin si Adam ay ginawa ko na. Kailangan na siyang madala sa ospital, damn it!
Napadaing ako ng higitin ako ni Troy patayo at isinandal niya ako sa pader. Madiin ang pagkakahawak niya sa braso ko, pakiramdam ko ay magpapasa ito pagkatapos. "T-Troy." Nilingon ko ulit si Adam.
Kailangan ko siyang tulungan, anytime ay mukha na siyang magpapass out. Sa dami ba naman ng nasalo niyang suntok ni Troy, eh.
"Gaano na katagal?" He gritted his teeth. Bakas ang galit sa mata niya. He was fuming mad, and I didn't care.
I composed myself. Gusto kong makonsensya sa ginawa namin ni Adam, pero tila naglaho ang konsensya ko sa ginawa ni Troy ngayon. "Bitawan mo ko." I spat out not taking my gaze off Adam. He's badly hurt. Fuck!
Ilang mura ang pinakawalan ni Troy bago niya suntukin ang pader sa gilid mismo ng mukha ko. Napahugot ako ng hininga sa ginawa niya. Ngayon ko lang siya nakita ng ganito ka-galit.
"Putangina, Mira. Sagutin mo ko. Gaano na katagal? Nagsex na kayo? Tell me! Fuck!" Madiin niyang sabi, this time ay malakas na ang boses niya.
Umiling ako at pilit na nagpumiglas para matulungan si Adam. Alam kong kailangan kong sagutin ang mga tanong ni Troy, I atleast owe that to him. Pero hindi ngayon. Mas kailangan ako ni Adam. "Adam. Wag kang pipikit, please." Sabi ko habang pilit kong inaalis ang pagkakahawak ni Troy.
"Ano ba bitawan mo sabi ako!" Sigaw ko kay Troy ng makita ko na nawalan na ng malay si Adam. Alam kong wala akong karapatan magalit kay Troy, ako itong nagloko. Pero hindi ko maiwasan na makaramdam ng galit lalo na't nasaktan niya ang taong mahal ko.
Akmang pagbubuhatan ako ng kamay ni Troy ng itigil niya ang kamay niya sa ere. "Pilit kong binabago yung sarili ko para maging tama na ulit ako para sayo. The past two months, wala akong ibang ginawa kundi iparamdam sayo na nagbabago na ako. Nagbabago na ako, Mira. Para sayo. Tapos." Umiling siya at nakita ko ang luhang kumawala sa mata niya.
YOU ARE READING
All Strings Attached (PUBLISHED UNDER PHR)
FanfictionWhen men cheat, they cheat for sex. But when a woman cheats, it's something more. Because unlike men, women cheat for love, and affection. (Published under PHR. Available in Precious Pages Stores and National Bookstore.)
