Chapter 1 - First Job

15.9K 427 69
                                        

#ASAwp
Chapter 1 - First Job

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ng ihinto ni Troy ang sasakyan sa building ng papasukan kong kompanya. "You ready?" Nakangiting sabi nito sakin.

I nodded. "I am. Pero kinakabahan ako. Makakasundo ko kaya yung magiging officemates ko? What if hindi nila ko magustuhan? Or paano kung yung team lead namin mataray? Paano kung --" Sunod sunod kong sabi nang halikan ako bigla ni Troy. I'm trembling, siguro ay dahil first job ko ito.

Kakagraduate lang namin a couple of months ago at ito na nga ako, papasok sa unang trabaho ko. Medyo nahirapan akong mamili ng kompanyang papasukan dahil gusto ko pumasok sa field kung saan ako magaling.

And here I am, all set for my adult life. Oh adulthood, please be good to me.

"You'll be fine. Ikaw pa ba?" Nakangiti nitong sabi. "Pero ikaw eh, sabi ko naman kasi sayo sa Stratford Inc. ka nalang pumasok eh, atleast magkasama pa tayo." Anito at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

Hinampas ko siya gamit ang isang kamay ko. "Ayoko nga, Troy Stratford Lucas. Ang kulit. Hindi naman IT company yung company ng Tito mo, eh. Alam mo namang gusto ko as much as possible sa field ko diba." Sabi ko sakanya.

Kahit papaano ay nawala ang kabog ng dibdib ko nang ibring up niya yung tungkol sa kompanya ng tito niya. Gusto niya kasing doon din ako dahil doon siya pumapasok bilang architect. But I can't work there. Ang gusto kong trabaho ay yung sa field ko.

Inangat niya ang dalawang kamay niya na tila ba sumusuko ito sa mga pulis. "I'm just saying." Natatawang sabi niyo bago ako hapitin palapit sakanya. Kinulong niya ako sa mga bisig niya. "Wag kang maghahanap ng gwapo sa office niyo, ha." Sabi niya.

"As if magloloko ako." Umiling ako. "Ikaw ang wag manchichicks sa office niyo." Pagbabanta ko sakanya.

Tumawa siya at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. "Hindi na nga po ulit manchichicks. Promise, babe. Ikaw lang. I love you." Ani Troy.

I smiled. "I love you, too." At sana nga totoong hindi ka na manchichicks. Gusto ko sanang idagdag pero di ko na tinuloy. Ayokong pag-awayan na naman namin 'to.

Habang nasa elevator ako paakyat sa 16th floor ng building ay panay ang ayos ko sa skirt ko. Hindi talaga ako mapakali, fuck! Sana talaga mababait yung mga kasamahan ko sa trabaho. Sana madali silang pakisamahan.

Nang bumukas ang elevator ay sinalubong ako ng malaking logo ng company sa pader. "Good morning, Mam. May appointment po sila?" Tanong sakin ng guard nang lapitan ko siya.

"Kay Miss Janet po. Pakisabi Miracle Ruiz." Sagot ko dito.

Wala pa kasi akong ID. Sabi nung contract signing ay ngayon palang iyon ibibigay, kasabay ng pagtour sa akin at sa dalawa pang bagong empleyado na magiging kateam ko.

Sinenyasan ako ni Manong Guard na sumunod sakanya hanggang sa mahinto kami sa tapat ng conference room. Sulu. Iyon ang nakalagay sa pintuan ng conference room. "Hintayin niyo nalang po si Miss Janet. Nandyan na yung isa niyong kasamahan, susunduin niya kayo pagdating nung isa pa." Anito at iniwan na ako doon.

Pagpasok ko ay sinalubong ako ng malawak na ngiti ng babaeng nakaupo doon. "Hi! Bago ka rin?" Halos mangiwi ako sa lakas ng boses niya.

I nodded at inabot ko ang kamay ko sakanya. "Miracle Patricia Ruiz, Mira nalang." Nakangiti kong sabi.

Tinanggap niya ang kamay ko. "Christine Tiamson, Tine for short." Anito at pinaupo ako sa katabing upuan niya.

Inilibot ko ang paningin ko, the room was small, may maliit na round table, limang upuan at LCD TV na nakakabit sa wall. "Ang liit noh? Ganito kaya lahat ng conference room nila?" Sabi ni Tine sa akin ng mapansin niyang pinagmamasadan ko ang kabuuan ng conference room.

All Strings Attached (PUBLISHED UNDER PHR)Where stories live. Discover now