#ASAwp
Chapter 13 - Sweetheart
Warning: Very very light SPG!
Nagising ako nang maramdaman ko na may humahaplos sa mukha ko. Dahan-dahan ako nagmulat ng mata at agad na tumambad sakin ang napakaperpektong mukha ni Adam. "Good morning, sweetheart." Anito gamit ang makalaglag panty niyang boses.
I smiled back. "Good morning. Inaantok pa ko." Sabi ko at ibinaon ang mukha ko sa dibdib niya. Damn, he smells so good. I could hug him all day, and smell him all day.
He let out a chuckle before hugging me tightly. "I know. Pero may pasok tayo. And bawal ka na mag-leave ng biglaan." Pagpapaalala niya sa akin.
I groaned in frustration. Oo nga pala, hindi na nga pala ako pwede magleave sa trabaho ng walang pasabi. Kaya kahit sobrang puyat at pagod ako, dahil sa nangyari sa amin kagabi, ay wala akong choice kundi pumasok.
And about last night...it was so damn good. I know it's wrong but hell, wala na akong pakialam sa tama at mali. I just want to enjoy these moments with Adam. Ang sarap lang sa pakiramdam na sobrang pinaparamdam niya na special ako sakanya.
He's like my escape from this toxic world, my breather, my dose of fresh air, my soulmate.
Pwede nga ba iyon? Si Troy ang mahal ko pero si Adam yung soulmate ko? May ganoon nga ba?
Alam kong ilang taon na kami ni Troy pero kahit kailan ay hindi ko ito naramdaman sakanya. Yung security, yung parang natural lang lahat, yung parang itinadhana. Mali, oo. Pero mali nga bang hangadin maging masaya kahit minsan lang?
I want to be happy with Adam, but I don't know if I can leave Troy just yet. I feel like I can't just leave Troy kasi mahal ko parin siya, despite everything. Mahal ko siya pero kasi mas napapasaya ako ni Adam. So if this is me being selfish for having two men beside me, then fine, selfish na kung selfish.
Besides, si Adam naman ang may gusto na magcheat kami. I'm just not quite sure kung tama ba yung narinig ko kagabi sakanya na mahal niya ako, I was too tired and sleepy na pakiramdam ko ay guni-guni lang iyon.
"Sweetheart. Breakfast na, then maligo na. Papasok pa tayo." Bulong ni Adam sa akin at sinuklay niya ang buhok ko gamit ang mga kamay niya.
Sweetheart? Damn. Ang corny, pero hindi ko alam kung bakit napapangiti ako sa paraan ng pagtawag niya sakin. Damn, Adam.
Hinampas ko siya sa dibdib at bumangon na ako, pero imbes na matawa ako ay napadaing ako sa pagbangon ko. Holyshit, everything hurts down there! My legs, my inner thighs and my private part. What the hell!
Agad akong inalalayan ni Adam. Ni hindi ko na magawang bigyang pansin yung fact na wala akong suot na kahit ano ngayon dahil masyadong nangingibabaw ang sakit sa ibabang parte ng katawan ko kaysa sa hiya ko. "Hey. Dahan dahan. Masakit pa talaga yan." May pag-aalala niyang sabi.
Napatingin ako sa stain ng dugo na nasa kama, bago ko ibaling ulit ang atensyon ko sa masakit kong lower body. Akala ko ay hindi totoo yung mga ganitong pangyayari sa mga nababasa ko sa libro, pero totoo pala siya. Masakit pala talaga to the point na parang gusto ko nalang mahiga buong araw.
Umiling ako at umayos ng tayo. "No choice. Kailangan narin maligo para makapasok na tayo, eh. Titiisin ko nalang." Sabi ko sakanya.
Tumango si Adam at inalalayan na ako papunta sa banyo niya. Nang makapasok na ako sa loob ng shower area ay akala ko aalis na siya pero nagulat ako ng pumasok din siya sa loob. "Wait, what are you doing?" Gulat kong sabi nang akmang bubuksan niya ang shower.
Kumunot ang noo niya at tinignan ako. "Akala ko sabi mo maligo na tayo?" Nagtatakang tanong nito sakin.
Nalaglag ang panga ko. "Sabay?" Sabi ko. Naramdaman kong nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Sabay talaga?
YOU ARE READING
All Strings Attached (PUBLISHED UNDER PHR)
FanfictionWhen men cheat, they cheat for sex. But when a woman cheats, it's something more. Because unlike men, women cheat for love, and affection. (Published under PHR. Available in Precious Pages Stores and National Bookstore.)
