Chapter 27 - Son

6.5K 221 61
                                        

#ASAwp
Chapter 27 - Son

"Wake up, wake up!" Sigaw ni Trina na nakapagpagising sakin.

I shook my head. "Ang aga pa. Please, let me sleep, Tri. I need my beauty sleep." I told her and buried my face on my pillow.

But Trina, knowing Trina, she did not listen to me. Tumalon talon siya sa kama ko para mas magising ang diwa ko. And she succeeded. "Okay okay gigising na! Stop it! Nahihilo na ko." I surrendered.

Tumawa siya at umupo sa tabi ko. "Come on! Ito na yung last day mo na single ka! Tomorrow you will be Mrs. Dela Cruz! Let's cherish your last day as Ms. Ruiz!" She told me.

Napangiti ako sa sinabi nito.

Mrs. Dela Cruz.

Damn! Yung thought palang na iyon ay sobrang kinikilig na ako. What more bukas, at sa susunod na araw, at sa mga susunod pa. Fuck, I can't wait to be Mrs. Dela Cruz.

"Jesus! Kinikilig ka? Binanggit ko lang yung Mrs. Dela Cruz, kinikilig ka na?" Poker face na sabi niya.

Tumawa ako ng malakas sa naging reaction nito. Medyo bitter talaga ang isang ito eh. May Marco naman, pero bitter parin. Hindi ko din gets. "What if I am? What if kinikilig nga ako?" Sabi ko dito ng pabiro.

Napatigil ako sa pagtawa ng ngumiti ito sa akin. She smiled genuinely. "Then I am happy for you." She said seriously.

I smiled back. "Who would've thought, diba? Akala ko dati si Troy na talaga makakatuluyan ko, but here I am." Tumigil ako at inilibot ang paningin ko hanggang sa madako ang tingin ko sa wedding gown ko. "I am about to marry the man of my dreams."

My Adam.

Matapos ang mahabang dramahan namin ni Trina, na hindi ko malaman kung bakit kami nagddrama, ay nagpasya kaming mamasyal nalang. Lumabas.

She said she'll take me out on a date dahil baka sa susunod daw ay mahirapan na siya yayain ako. You know, being a wife and all. Pero ang sabi ko naman sakanya, mag-aasawa lang ako, magkakapamilya, hindi naman ako mawawala.

"Alam mo, we should party! Tara sa Fort!" Sabi nito paglabas namin ng sinehan.

I shook my head. "Can't, bes. Gusto mo bang may hangover ako bukas sa kasal ko? Baka kung ano ano masabi ko bukas sa vows ko." Pagbibiro ko dito. "But seriously, alam mo namang stop na ko sa inom inom na yan." I told her.

Umiling ito. "Yun na nga! Dalawang buwan ka na ata hindi umiinom, bes. Dapat nilulubos-lubos mo na. Nako pag kinasal na kayo, di ka na nun lalo papayagan uminom." Sabi nito sa akin.

Totoo ang sinabi niya, dalawang buwan na halos ako di nakakatikim ng kahit anong alcoholic drinks.

Dalawang buwan.

Dalawang buwan narin mula ng magpropose si Adam sa akin. Mula ng... "Mira to earth? Hello?" Sabi ni Trina at winasiwas ang kamay niya sa harap ng mukha ko.

Tumawa nalang ako ng bahagya. "Papayag naman iyon. Yun nga lang, kasama dapat siya." Sabi ko dito.

Trina muttered a few more rants, pero ay nafocus ang atensyon ko ng magtext si Adam sa akin. Tsaka ko lang napansin ang oras pag-notify ng text nito. Gabi na pala. Ang bilis ng oras.

From: Love
Love, I miss you already. Magkita tayo, please?

I smiled. Miss na miss ko narin siya.

We were told na wag magkita day before the wedding dahil bad luck daw ito. May kasabihan daw na baka di matuloy ang kasal pag nagkita day before the wedding.

All Strings Attached (PUBLISHED UNDER PHR)Where stories live. Discover now