Chapter 15 - Whipped Cream

13K 483 127
                                        

#ASAwp
Chapter 15 - Whipped Cream

Warning: SPG!!!

"Alam mo may bali-balita sa office na may girlfriend daw si Tito Ash. Madami tuloy nagtatanong sakin." Pagkkwento ni Troy habang kumakain kami.

Napatingin ulit ako sa orasan ko. Damn! "Hmm? Ano sabi mo?" Tanong ko dito kahit na wala naman talaga akong pakialam sa sinasabi niya.

Kagabi ay kumain lang kami sa restaurant na gusto ko para daw makabawi siya at para makapagusap narin dahil sa nangyari. We talked. No, scratch that, he talked. I pretended na nakikinig ako sa bagong batch ng kasinungalingan niya but in reality, lumilipad yung utak ko sa condo unit ni Adam.

Akala ko ay iyon na ang pagbawi na sinasabi niya pero nagulat ako ng sunduin niya ako kanina at dalhin niya ako dito sa isang overlooking place sa Antipolo. This is all romantic and all pero hindi ako kinikilig. Siguro ay dahil mas excited pa ako sa pagpunta ko sa condo ni Adam ngayong gabi.

"May lakad ka ba, babe? Kanina ka pa tingin ng tingin sa orasan mo." Tanong nito sa akin.

I shook my head. "Wala naman. So ano nga sabi mo sa mga nagtatanong sayo?" Binalik ko sa topic namin kanina ang usapan dahil baka kung saan lang mapunta ito.

He shrugged. "Iyon nga, sabi ko imposible na may girlfriend si Tito Ash. Sabi ni mommy mula daw nung namatay yung great love niya, hindi na yun tumingin sa ibang babae." Anito at sumubo ulit ng steak niya.

I nodded. Sa isip isip ko ay mabuti pa yung Tito Ash ni Troy, loyal sa isang babae. Bakit kaya hindi niya iyon namana?

Kung sana ay namana niya ang pagiging loyal ng Tito niya, wala sigurong Adam na nag-aantay ng pagdating ko sa condo niya ngayon.

May mga sinabi pa si Troy pero hindi ko na naintindihan dahil nagtext na si Adam sa akin.

Fr: Adam
Nasan ka na? Kasama mo pa siya? I miss you already.

Napalunok ako at nagtipa ng sagot kay Adam.

To: Adam
I'm still with Troy. Sorry. Wag ka na muna magtext baka magtaka si Troy.

Ang totoo ay namimiss ko narin si Adam. Saglit palang kami hindi magkasama ay namimiss ko na agad ang presence niya. I badly want to go there pero hindi naman pwedeng iwan ko dito si Troy dahil magtataka ito. I can't risk him knowing na may namamagitan sa amin ni Adam.

I know it's only been 2 days pero parang may ibang attachment na kami ni Adam. Paminsan-minsan nga lang ay dumidistansya ako sakanya sa office dahil ayaw kong makaamoy ang mga kasama namin sa trabaho.

Nang maihatid na ako ni Troy sa bahay ay dali-dali kong kinuha ang bag kong puno ng damit ko. I'll be staying in Adam's condo until Sunday. Iyon ang napagusapan namin kahapon. Nagsabi narin ako kay Mommy na may pupuntahan ako over the weekends kaya hindi muna ako uuwi.

Walang ideya si Troy dito. Ang alam niya ay sa bahay lang ako buong weekend. Hindi naman niya malalaman dahil sasamahan niya ang Tito niya sa Subic bukas hanggang linggo para sa business meeting nito.

Nagpalit lang ako ng shorts at pullover tapos ay nagbook narin ako agad ng Uber. Kumuha ako ng tubig sa ref habang nag-aantay sa Uber driver ko. I was chugging an entire glass of water when my eyes landed on something. Kinuha ko iyon at nilagay sa bag ko.

Habang nasa byahe kami ay napatingin ako sa cellphone ko, halos 12 midnight narin. Ang tagal kasi magyaya ni Troy umuwi, ginabi na tuloy ako masyado. Baka mamaya ay nakatulog na si Adam kakahintay sa akin. Nakakainis naman! Sana ay gising pa si Adam.

All Strings Attached (PUBLISHED UNDER PHR)Where stories live. Discover now