Chapter 7 - Distant

9.7K 340 94
                                        

#ASAwp
Chapter 7 - Distant

"Hey, you okay? You seem distracted kanina pa sa meeting. May problema ang ate girl?" Tanong ni Tine sa akin habang naglalakad kami pabalika sa kanya-kanya naming cube matapos ang team meeting namin.

Tumango ako at tipid na ngumiti. "I'm fine." I told her. Okay, I lied. Pero ayoko naman kasing magdrama dito sa office. Ayokong maagaw ang atensyon ng mga kaopisina namin dahil lang broken hearted ako.

Nagtaas siya ng kilay. "Nako, wag nga ako. Iba yung aura mo ngayon. May mali talaga. Diba Adam, may mali sa aura ni Mira ngayon?" Nilingon ni Tine si Adam sa likod ko.

Lihim akong napailing. Bukod sa hindi pa kami nakakapagusap ni Troy, ay isa pa si Adam sa problema ko. Gusto ko siyang tanungin kanina pagpasok ko kung may nangyari nga ba nung Friday ng gabi pero panay ang iwas niya sa akin.

Wala akong narinig na sagot mula kay Adam kaya naman nakita kong napailing si Tine. "Basta, iba talaga yung aura mo. Oh, basta ate girl kung ano man yun, nandito lang ako." Anito at umupo na sa upuan niya. "12:30 narin pala. Hindi pa kayo nagugutom? Kain na tayo." Dagdag ni Tine.

Napatingin ako sa orasan. 12:30 na nga ng tanghali, napahaba pala masyado ang meeting namin dahil madaming idiniscuss ang team lead namin. "You guys go ahead kung nagugutom na kayo, I'm not hungry." Sabi ko kay Tine bago ko nilingon si Adam.

Agad naman itong nag-iwas ng tingin sa akin. "Tine, let's go. I'm hungry." Simpleng sabi ni Adam bago siya naunang maglakad papunta sa elevator.

Nagtataka akong nilingon ni Tine. "Parang may kakaiba din sa aura ni Adam ngayon." She shrugged. "Whatever palagi naman siyang masungit, mas masungit nga lang today. Pero teka, hindi ka talaga nagugutom? Mauuna na kami? Gutom narin talaga ako eh." Aniya.

I nodded. "Sige lang. Bababa nalang ako pag nagutom ako." I told her.

Nang makaalis na si Tine ay tsaka lang ako nagkalakas loob buksan ang phone ko. Pinatay ko ito noong nag-inom kami sa condo ni Adam nung Friday, at since then ay hindi ko pa ito binubuksan ulit. I only texted my Mom using Trina's phone that I won't be home for a few days at doon muna ako kay Trina magsstay.

Siguro naman ay alam narin nila Mommy ang tungkol sa problema namin ni Troy dahil for sure ay ilang araw narin pabalik-balik si Troy sa bahay namin. But I just can't face him yet.

Masyado pang masakit. Kada maaalala ko yung text na iyon ay tila sinasaksak ng paulit-ulit ang puso ko. Kasi akala ko okay na kami talaga. Akala ko hindi na niya talaga uulitin. Pero akala ko lang pala.

Napatingin ako sa phone ko ng sunod-sunod na pumasok ang messages ko noong mga nakaraang araw pa. Ang iba ay galing kay Mommy, kay Daddy, mayroon ding galing kay Trina noong Saturday ng umaga, but the rest ay galing na lahat kay Troy.

I love you, Mira.

Please pag-usapan natin 'to. Let me explain.

Alam ko nagkamali na naman ako at gasgas na yung linya kong hindi ko na uulitin pero babe please, one last chance. I won't screw things up this time.

Mahal na mahal kita, Mira.

Ayaw sabihin nila Tita sa akin kung nasaan ka kasi sabi mo daw wag sabihin. Please naman babe. Mababaliw na ko kakahanap sayo.

One last chance, babe. I love you so much.

Ilang lamang iyon sa mga messages na natanggap ko mula kay Troy. Itinago ko ang phone ko sa loob ng drawer ko, habang binabasa ko ang mga messages na pinadala niya sa akin ay mas lalo lamang akong naiiyak.

All Strings Attached (PUBLISHED UNDER PHR)Where stories live. Discover now