Chapter 11 - Cheat

10.4K 447 175
                                        

#ASAwp
Chapter 11 - Cheat

"Last night was fun." Sabi ni Lou paglabas naming team sa conference room. Kakatapos lang ng early morning meeting namin para sa mga errors na naencounter namin kahapon.

Tumango ako at sumangayon. "Oo. At masarap pala yung food don!" Sabi ko.

Napatingin kami kay Tine ng pumalakpak ito. "We should do that more often. Lunch outs and dinner outs." Excited niyang sabi.

We all agreed with her. Tama siya, dapat ay mas madalas naming gawin iyon dahil mas naging malapit kaming team dahil sa pagkain namin sa labas kahapon.

Habang nasa elevator ay nakatanggap ako ng text mula kay Trina.

Fr: Trina Guytingco
Call me. ASAP.

Napakunot noo ako, bakit kaya? Nang makarating ako sa cube ko ay mabilis kong dinial ang cellphone number ni Trina. "Hey. What's up?" Sabi ko pagsagot na pagsagot niya ng tawag ko.

"You know Troy's password right sa mga social media accounts niya?" Iyon ang bungad niya sa akin. Walang hello, walang pang-asar. Iyon agad. Kumalabog ang puso ko sa tinanong niya sakin. What is it this time?

I nodded even though she couldn't see me. "Yes. Bakit?" Sabi ko pero malakas na ang kabog ng dibdib ko.

Oo, alam ko lahat ng password niya sa mga accounts niya, facebook, twitter, instagram, email, you name it, and I would tell you his password. Pero matagal ko ng hindi binubuksan ang mga accounts niya dahil tuwing magbubukas ako ng accounts niya ay away lang ang ending noon.

Tuwing magbubukas ako ng account niya ay may makikita akong babae na either kaibigan niya daw or katrabaho tapos pagseselosan ko. Kaya naman hindi na ako nangingialam dito. Tutal sabi niya ay wala naman siyang maitatago lalo na't alam ko naman yung password niya.

"Breakfast?" Tanong ni Adam sa akin. Sumenyas lang ako na mauna na sila ni Tine at susunod nalang ako.

Ilang sandali pa ng magsalita ulit si Trina mula sa kabilang linya. "Check out if he knows this Kimberly Perez. A friend told me nakita daw niya kagabi si Troy with this girl sa may Ortigas. They were making out, Mira." Sunod sunod ang naging paglunok ko.

I can feel my heartbeat in my ears. Agad agad? It was only four months since his last affair. And hell, meron na naman? Fuck!

Lutang ako buong araw matapos kong buksan ang facebook ni Troy. Truth be told, may babae na naman nga siya. Totoo nga ang nakita ng kaibigan ni Trina. Troy was out with his bitch last night.

Last night, damn it! Lumabas lang kami ng mga kateam ko ay may iba na agad siyang tinutuka. Tangina talaga!

That Kimberly Perez girl, or Kim as he called her, messaged my boyfriend just this morning. 'Thank you for last Saturday, and last night. Kailan ulit kita pwede makita?'

And my oh so dear, cheater boyfriend replied. 'I'll see if makakapagkita tayo this Saturday. You know naman si Mira, baka magduda na naman eh haha. And last night was fun. Damn, you're so hot.'

"You okay?" Tanong ni Adam sa akin.

I nodded and kept my composure. "Yes. I have to go. Tine, una na ko. Ingat kayo." Sabi ko at mabilis na kinuha ang bag ko. Hindi ko na sila hinintay na makasagot sa akin, agad akong umalis ng office.

My mind was a mess. Mula nung sunduin ako ni Troy sa lobby hanggang sa makaring kami dito sa resto na pagkakainan namin ngayong gabi ay puro tipid na sagot lang ang binibigay ko sakanya.

"There's this new restaurant sa Greenbelt, we can try there next time. Masarap daw yung food, eh." He said, and he went on and on about this new restaurant he was talking about.

All Strings Attached (PUBLISHED UNDER PHR)Where stories live. Discover now