#ASAwp
Chapter 14 - Stolen Kisses
"Anong sabi ni Trina?" Tanong ni Adam sa akin ng makapasok ako sa sasakyan niya. I asked him to wait for me here habang nagpapalit ako ng damit sa unit ni Trina.
I shrugged. "Edi tinanong ako ng tinanong." Sagot ko sakanya habang inaayos ko ang buhok ko.
Nagumpisa na siyang magmaneho pero inusisa niya parin ako sa nangyari sa pagpunta ko kay Trina. "Ano nga sabi?" He asked me again.
"Kung saan daw ako galing at kanino daw yung damit." Sagot ko nalang. Hindi ko na binanggit ang ibang sinabi pa ni Trina dahil hindi naman na niya dapat malaman ang mga iyon.
"Bes? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Trina nang pagbuksan niya ako ng pinto. Basa pa ang buhok nito at bare pa ang mukha niya sa make up so I assume kakatapos lang niya maligo at magbihis.
Agad akong pumasok sa unit niya. "Pabihis." Sabi ko at tinalikuran na siya para pumasok sa kwarto niya. Nagdere-deretso ako papunta sa walk in closet niya, agad kong nakita ang hinahanap kong dress.
May portion kasi sa walk in closet niya na para sa mga damit ko lamang. Nag-iiwan ako ng mga damit dito from time to time lalo na't madalas akong pumupunta dito ng biglaan. Hindi ko naman maisuot ang mga damit ni Trina dahil medium siya at small lang ako, minsan ay extra small pa.
Pagtalikod ko ay nandoon na si Trina, nakataas ang isang kilay at tila ba ready na ako sabunin. "Wait, bakit dito ka magbibihis? Saan ka galing kagabi? Ano bang nangyari? Pumunta si Troy dito kagabi hinahanap ka. At kaninong mga damit yan? Parang panlalaki yung size?" Sunod sunod na tanong niya sakin.
Umiling ako. "Nag-away kami ni Troy dahil dun sa bago niyang babae, nakitulog ako sa bahay ng officemate ko." Simpleng sagot ko sakanya.
"Sa bahay ng officemate o sa unit ni Adam? Kay Adam ba yang mga damit na yan?" Sarcastic niyang tanong sa akin.
I shook my head. "Adam ka dyan. Baliw ka ba? Sa bahay ni Tine, kateam namin iyon ni Adam. You don't know her." Pagsisinungaling ko bago nagtuloy sa pagpapalit ng damit. I know she's my bestest friend ever but she'll seriously go berserk pag nalaman niya ang tungkol samin ni Adam. That's for sure.
Nawala ang kunot sa noo ni Trina. "Good. Alam kong gago yang si Troy pero din tindi tama na magloko ka para lang gantihan siya, kaya wag na wag ka manlalalaki." Pag-papaalala nito sa akin. See?
I nodded and kept mum. Too late, I already did.
Wala akong pinagsisisihan sa nangyari sa mga amin ni Adam, though. Bawat minutong kasama ko si Adam ay tila ba masaya lang ako. I'm happy with him. And I don't regret being happy with him.
"Bakit ba kasi hindi mo nalang hiwalayan si Troy?" Anito sakin.
I sighed. Bakit nga ba? "Kasi mahal ko pa?" I told her.
Iyon nalang ang naiisip kong sagot sa tanong kung bakit di ko magawang makipaghiwalay kay Troy, eh. I mean, yes I have Adam, at oo masaya ako kay Adam, pero hindi ko siya mahal. I like him, yes. I'm attracted to him, yes. Pero si Troy parin ang mahal ko. That's fucked up I know, pero yun yung nararamdaman ko sa ngayon.
Nakatapos na ako sa pag-aayos ay wala parin kami sa Makati. Nilingon ko si Adam na seryoso sa pagmamaneho. "What is it?" Tanong nito ng hindi ako tinitignan.
"Huh?" Takang tanong ko dito.
Saglit niya akong binalingan ng tingin bago siya ulit tumingin sa daan. "Something's bothering you. What is it?" Anito ng may naglalarong ngiti sa labi niya.
YOU ARE READING
All Strings Attached (PUBLISHED UNDER PHR)
FanfictionWhen men cheat, they cheat for sex. But when a woman cheats, it's something more. Because unlike men, women cheat for love, and affection. (Published under PHR. Available in Precious Pages Stores and National Bookstore.)
