Chapter 9 - Beach

8.4K 345 50
                                        

#ASAwp
Chapter 9 - Beach

"Yes. We kissed."

Napabangon ako sa lounger ng may tumamang tubig sa mukha at sa ilang parte ng katawan ko. I was breathing heavily. Fuck those words! Kagabi pa ko binubulabog ng mga salitang iyon galing kay Adam.

"Come here, babe. Magbasa ka naman." Sigaw ni Troy na nasa dagat bago ako sabuyan ng panibagong batch ng tubig dagat.

Umiling ako. I need to get Adam out of my mind. Nag-AWOL ako para makapagbakasyon kami ni Troy, hindi ako dapat nag-iisip ng kung ano-ano at kung sino-sino. Inalis ko ang pamatong ko na dress kaya naman agad na tumambad ang tan kong balat at ang one piece kong bathing suit.

Nakita kong napanganga si Troy. Dahan dahan akong naglakad patungo sakanya na tila ba inaakit ko siya. Nang makalapit ako sakanya ay nakanganga parin ito at nakatulala sa akin. Agad ko siyang ginantihan sa pagsaboy niya sa akin ng tubig kanina.

"Babe!" Sigaw niya nang pumasok sa bibig niya ang karamihan ng tubig dagat na isinaboy ko sakanya.

Tumawa ako at tumakbo palayo. Maligamgam ang tubig kaya naman mas nakakaengganyong maligo. Mabilis akong nahabol ni Troy, ipinalupot niya ang kamay at braso niya sa bewang ko. "Akala mo ha." Aniya at pinaharap ako sakanya.

Mas lumakas ang tawa ko habang inaabot ko ang tubig para sabuyan siya ulit. "Ah, ayaw mo tumigil. Gusto mo yan ah." Anito gamit ang boses niyang mapanloko

Umiling ako. "Hindi, tama na." Sabi ko pero huli na ang lahat dahil nasabuyan na niya ako ng tubig. Agad kong nalasahan ang alat ng tubig dagat. "Ayoko na. Joke lang." Natatawang sabi ko habang pinipilit kong lumayo sakanya.

Sinubukan kong bilisan ang takbo ko pero nahablot parin ni Troy ang kamay ko. Pinihit niya ako paharap sakanya. Natigil ang pagtawa namin dahil halos magdikit na ang mga ilong namin sa sobrang lapit naming dalawa sa isa't isa.

"I love you." He said in a husky seductive manner.

Marahan kong hinaplos ang mukha niya. I've always been in love with this guy, and I know I will always love this guy. No matter what.

Ipinikit ko ang mata ko at hinaayan ko siyang angkinin ang labi ko. Mas inilapit pa niya ang katawan ko sakanya habang mas lumalalim ang mga halik niya. Kapos hininga kami nang maghiwalay ang mga labi namin. I smiled as I opened my eyes, and I immediately saw him smiling back at me.

"Yes. We kissed."

Nawala ang ngiti ko ng maalala ko ang mga katigang binitawan ni Adam kagabi bago niya tapusin ang tawag.

Hinaplos ni Troy ang mukha ko. "May problema ba?" He asked me.

I shook my head. "Wala." Sabi ko at agad ko siyang niyakap. Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya para itago ang mga namumuong luha sa mata ko.

Pakiramdam ko ay niloko ko si Troy nang ikumpirma ni Adam na naghalikan nga kami noong gabing nalasing ako at nakitulog sa condo niya.

I know I shouldn't feel bad. Dahil si Troy ay higit pa sa halik ang ginawa sa mga nagdaang babae niya. But that's him. And this is me. Hindi ako ganoon. Hindi ako manloloko. Hindi ako nagpapahalik kung kani-kanino lamang.

Nang medyo tumaas ang sikat ng araw ay nagpasya na kaming bumalik sa kanya kanya naming loungers. Binalot ako ni Troy ng tuwalya pagdating namin sa pwesto namin bago siya magbalot ng twalya sa sarili niya.

I have to admit, kahit ilang beses akong niloko ni Troy ay kahit kailan hindi nawala yung sweetness niya sa akin. "10:30 palang pala. Gusto mo dito muna tayo o umakyat na tayo para makapagshower at makakain na ng lunch?" Tanong niya ng silipin niya ang oras sa cellphone ko.

All Strings Attached (PUBLISHED UNDER PHR)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant