MM [47] COMEBACK Z REAL

508 29 19
                                    

[SUGA POV]

Alam ko ng mangyayari to.

Dun palang sa pinabili ako ng buko ni Monique alam ko ng may mangyayaring kakaiba.

At mas lalo pa tong pinagtibay ng makita ko si Misha na bibili rin ng buko.

"Sabi na eh" bulong ko na alam ko namang maririnig din nya dahil kami lang namang dalawa nandito.

"Alin?" tanong nya.

"Wala"

Mas mabuti nang di nya alam na sinadya talaga ng mga punggok na yun na iwan kami dito.

"Paano tayo makakauwi neto?" tanong nya.

Maglakad ka. Lakarin mo Pangasinan hanggang Manila, tignan natin kung di ka mamatay..

"Malay ko" sagot ko.

Kinuha nya ulit ang cellphone nya saka may tinawagan.

Sino naman kaya tinatawagan nya. Baka magpapadala sya dito ng sasakyan pabalik ng Manila.

"Hello, Kuya Larry, nandito po kami ngayon sa Pangasinan, basta mahabang kwento po, kailangan ko po ng sasakyan nyo para makabalik kami agad dyan sa Manila, mga gamit lang po namin, dalawa lang po kami, dito po sa may beach Lingayen ata, di ko lang po sure, sige po, hintayin namin kayo" saka nya binaba ang tawag at tumingin sakin. "May masasakyan na tayo" sabi nya saka ngumiti.

------------------

Mag gagabi na pero wala parin yung sasakyan na tinawagan nya, ilang oras na kaming naghihintay dito.

Naubos narin namin kalahati ng pagkain na naiwan dito kanina, umalis na mga tao dito at tanging kaming dalawa nalang ang nandito.

Nakaupo, nakatunganga, hindi nag uusap, magkalayo ng distansya ng kinauupuan. Bahala sya dyan.

[MISHA POV]

Bakit antagal dumating ni Kuya Larry?

Sabi nya mabilis lang daw sya kasi malapit lang daw sya ngayon sa Pangasinan dahil may pinuntahan syang kamag anak nya sa kalapit probinsya.

Ayoko na kasi ng vibe dito, si Suga kasi eh, di ako pinapansin. Di kami nag papansinan kaya kumain nalang ang alam naming gawin para di mabagot dito.

Antagal. Antagal. Antagal.

Hinimas ko naman ang magkabilang braso ko para maibsan ang lamig. Naka-dress kasi ako, yung pahaba. Malay ko bang gagabihin kami dito, edi sana nag dala ako ng cardigan ko.

Tumingin naman ako saglit kay Suga na abala sa pag susulat ng pangalan sa buhangin.

Ano yung sinusulat nya, baka pangalan ko, hehehe. Joke lang.

Ginaya ko naman sya at nagsulat din ako ng pangalan. Pangalan ko syempre alangang pangalan nya, ano sya sineswerte.

Nakita nya naman na parehas kaming nagsusulat sa buhangin kaya tinapon nya anh sitck na hawak nya saka naglagay earphone sa tenga.

Sus, ang arte.

"Arte arte mo dyan" bulomg bulong ko dito. Tutal di naman nya ako naririnig eh.
Kaya okay lang.

"Kahapon ka pa ganyan, pasalamat ka di kita nasakal sa sobrang inis ko sayo, pinapapasensyahan na ngalang kita dyan eh, pasalamat ka mahal na mahal kita, tapos ginaganto mo pa ako, di mo ko pinapansin, edi wag, kung yan ang gusto mo, pero wag kang mag sasabi sabi sakin na namimiss mo na ako ah, hilain ko talaga itlog mo dyan, ang sama sama pa mg tingin mo tapos ayaw mo naman sabihin kung anong problema mo, ano ako manghuhula---"

Mhizsx Misha [BOOK 2: COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon