MM 36 [PLANO NI TAEHYUNG]

461 28 12
                                    

VOTE AND COMMENT.

----------

[TAEHYUNG POV]

Tinawagan na namin si Suga at sinabihang pumunta nalang sa mall kasama ang anak nya. Si Misha naman sinabihan din namin na pumunta nalang ng mall.

Sana talaga gumana tong plano nato, para makapag usap sila ng maayos at syempre para makapag jollibee naren.

[SUGA POV]

"Daddy saan po tayo pupunta?" tanong ni Jinam.

"Mamamasyal tayo sa mall kasama sila ninong" sabi ko habang nag da-drive.

"Yehey!"

"Bawal pasaway sa pupuntahan natin ah, iiwan kita dun" pananakot ko.

"Opo Daddy. Promise, behave lang talaga ako" sagot nya.

Makalipas ng putanginang traffic nakarating narin.

Sabi ni Taehyung nasa foodcourt daw sila nag aabang. Kaya naman pumunta na kami ni Jinam.

Pagdating namin dun nakita ko agad si Misha na kasama nila.

"Daddy si---" nakangiting sabi ni Jinam habang nakaturo kay Misha.

Bumitaw sakin si Jinam at tumakbo papunta kay Misha.

Napatingin naman si Misha sa kanya at binuhat nya si Jinam.

Paglapit ko dun tinap nila Taehyung ang balikat ko habang nakatingin kanila Misha at Jinam.

"Tignan mo naman, mukha silang mag ina diba" sabi ni Taehyung.

"Oo nga eh, teka parang kamukha ni Jinam si Misha noh?" sabat ni Jimin.

Tinignan ko naman ng mabuti ang mukha ni Jinam na nakalapit kay Misha.

Oo nga noh. May anggulo na kamukha silang dalawa pero--

Hinde, hindi paren si Misha ang nanay ni Jinam.

"Suga ano sa tingin mo? Mukhang kailangan na ni Jinam ng Mommy oh" sabat ni Namjoon.

"Tumigil nga kayo" irita kong sabi at lumapit kay Misha saka kinuha si Jinam.

"Mommy Misha, thank you po sa pagligtas sakin nun sa amusement park" sabi ni Jinam.

MOMMY MISHA?

Napatingin silang lahat sakin "ANO!? NAGKITA KAYO NI MISHA SA L.A!?" sabay sabay nilang tanong.

"Opo, si Mommy Misha nagbalik sakin kay Daddy nung nawawala ako sa amusement park dati" kwento ni Jinam.

"Pwede ba wag na natin pag usapan yan" sabi ko at nauna ng naglakad habang hawak si Jinam.

Bigla namang huminto si Jinam kaya napatigil din ako.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Mommy Misha" tawag nya kay Misha habang inaalok yung isa nyang kamay.

Lumapit naman si Misha at hinawakan ang kabilang kamay ni Jinam, nginitian ako ni Jinam at nagsimula na kaming maglakad.

"Yes, may Mommy at Daddy na ako" sabi ni Jinam habang nakangiti.

"AYIEEEEEEEE~~~" Pang aasar nila Jungkook sa likod.

Tangina nyo mga kumag manahimik kayo dyan, hindi nakakatuwa. Baka itapon ko kayo sa manila bay.

"Mommy, Daddy. Gusto ko sa toms world" sabi ni Jinnam.

[TAEHYUNG POV]

Wow, gandang timing 'to para isakatuparan ang plano.

Mhizsx Misha [BOOK 2: COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon