MM[14]

678 46 13
                                    

[MISHA POV]

TANGINA NG LALAKING YUN ASAN NA BA SYA?! BAKIT ANTAGAL NYA!

"Andito na ako" ayan na sya.

Agad akong lumapit sa kanya.

"Hoy lalaki! Bakit ngayon ka lang nakauwi?! San ka nanggaling at bakit amoy pabango ka ng babae?!" bulyaw ko sa kanya.

"Wala, galing lang kami sa beer house"

"At bakit ka nandun aber?!"

"Bakit ba andami mong tanong? Gusto ko ng matulog kaya matulog na tayo" tapos inakbayan nya ako para pumunta sa taas pero tinulak ko lang sya.

"Sabihin mo nga sakin, may iba ka bang babae?!" tanong ko sa kanya.

"Wala" sagot nya tapos inakbayan nanaman ako pero tinulak ko lang ulit sya.

"Meron eh!" sigaw ko.

"Sinabi na ngang wala eh" sabi nya at lasing na lasing na yung itsura nya.

"Suga magtapat ka nga sakin?! May babae ka ba?!" sigaw ko at binagsak sya sa sofa.

Ang alam ko kapag lasing nagsasabi ng totoo. Lasing si Suga, so ibig sabihin nagsasabi sya ng totoo?

Humarap ako sa kanya habang naka bulagta sya sa sofa.

"Suga my loves, yung totoo, may iba ka bang babae?" tanong ko sa kanya.

Tumingin naman sya sakin habang nakangiti ng nakakaloko. Tangina lasing ka na nga nakuha mo pang ngumisi ng ganyan.

"Wala" sagot nya.

"Yung totoo"

"Ikaw lang ang babaeng mahal ko, mahal na mahal kita Mi--" di na nya natuloy dahil bigla syang nakatulog.

Haist napakabait naman talaga netong asawa ko, hindi naman pala sya gaya ng iba dyan, Suga lalo tuloy kitang minamahal. Salamat kasi wala kang iba.

At dahil dyan bubuhatin ko sya paakyat sa kwarto. Bitbit ko silang dalawa ng anak nya. Kaya wow naman.

Pero habang binabagtas namin ang hagdan bigla nalang kumirot yung tyan ko. TANGINA PLS NOT NOW MY BABY BAKA MAHULOG KAMI NG DADDY MO!!!

"Suga, w-wait aray! Ah, ansakit ng tyan ko" hirap na hirap kong sabi.

Kinalma ko sarili ko at dahan dahang inupo kaming dalawa sa hagdan.

Saka ko kinuha yung cellphone ko at tinawagan si... ARAY! TANGINA ANSAKIT TALAGA.

Bigla namang tumayo si Suga ng wala sa sarili kaya naman natabig nya ako at...

[TAEHYUNG POV]

KRRRNGGGGG!!!!

Tulog ako.

KRRNGGGGG!!

"Beb yung cp mo natunog, sagutin mo na baka magising tong si Que sa ingay" sambit ni Monique kaya naman sinagot ko na yung tawag.

"Hello?"

[SUGA! WAGGGG!!]
*end call*

"HELLO!!?" sigaw ko at napabangon.

Agad naman ako nakatanggap ng malakas na hampas mula kay Monique.

"Tangina mo sabi ko wag kang maingay dahil magigising si Que, ano bang nangyari?!" pabulong na pasigaw nyang sambit.

Mhizsx Misha [BOOK 2: COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon