MM[16]

774 51 15
                                    

[SUGA POV]

Nag aalala parin ako kahit pa sabihin ni Taehyung na nasa maayos ng lagay ang mag ina ko.

Dapat di na ako nag lasing, dapat di ko na sya inaway. Kasalanan ko 'to.

Ngayon nalaman kong hindi pala healthy ang pagbubuntis nya, akala ko sapat na ang pag aalaga ko sa kanya pero hindi pala, kaya ako talaga ang may kasalanan ng lahat.

"Kasalanan ko 'to eh!" sabi ko at napahawak sa ulo.

"Walang may kasalanan dito hyung, kaya wag mong sisihin ang sarili mo" sabi ni Jimin.

"Kaya nga, atsaka wala namang may gusto na mangyari yun kay Misha eh" sabat naman ni Hobi.

May lumabas naman na doctor mula sa room ni Misha.

"You can now go inside" sabi ng doctor kaya naman agad kong hinarangan ang mga mokong.

"Wopopopss, sabi ng doctor YOU CAN NOW GO INSIDE" sambit ko sa kanila habang nakaharang dito sa pinto.

"Oo nga, sabi nya pwede na daw pumasok sa loob" nagtatakang sabi ni Jimin.

"Pero sabi nya YOU, kaya ako muna okay? Sige dyan muna kayo" sabi ko sa kanila at pumasok na sa loob.

"Andaya mo talaga Suga!" sigaw nila sa labas.

Pagpasok ko ay nakita ko na unti unti nading gumigising si Misha.

"Suga kamusta daw ang anak natin?" tanong nya.

"Mabuti naman daw, ano ng pakiramdam mo? Ayos na ba?" tanong ko at umupo sa gilid ng kama nya

"Okay na ako, eh ikaw okay ka na ba dyan sa kalasingan mo?" tanong nya

"Oo na sorry na nga eh" sabi ko

"Haist ikaw kasi, sa susunod wag mo kong iiwan ng mag isa sa bahay, baka mamaya di mo alam dun na pala ako mapapaanak" sambit nya

"Wag mo kasi akong aawayin, ikaw kasi ansungit mo sakin" sabi ko naman

Tumawa naman sya saka ako binatukan.

"Wag ka kasing gagawa ng masama para di kita awayin, tapos pag may kasalanan ka sakin ikaw pa tong nagagalit kakayniz" sabi nya

"Oo na kasalanan ko na, alam ko naman talagang gusto mong ipangalandakan sakin na ako ang may kasalanan kung bakit tayo nahulog sa hagdan eh, diba tama ako?" sabi ko

"Haha ikaw lang nagsabi nyan" sabi nya

Tinungo ko naman ang atensyon ko sa tyan nya na sa susunod na buwan eh lalabas na ang pinakahihintay kong anghel.

Hinipo ko naman ang tyan nya. Excited na akong makita ang junior ko.

"Hi baby Brando, ako 'to ang daddy mo--" sabi ko, pero bigla nalang ako nakatanggap ng hampas kay Misha.

"Sabing Seungri ang pangalan ng baby natin eh" sambit nya

"Ayoko nga kasi ng Seungri" reklamo ko.

Kinurot nya naman ang braso ko at ansakit lang kasi bumabaon yung matutulis nyang kuko sa balat ko. Sakit

"Aray sorry na, oo na, oo na, Seungri na, aray!" inda ko kaya tinigil nya na ang pagkurot sa balat ko. Puta namula eh.

"Hi Baby Seungri, ako to si Daddy. Sana lumabas kana para may kakampi ako kapag inaaway ako ng mommy mo" sabi ko kaya agad nanaman ulit akong nakatanggap ng masakit na hampas sa braso mula kay Misha.

Mhizsx Misha [BOOK 2: COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon