MM [44] BAKASYON

513 28 13
                                    

VOTE AND COMMENT.

--------------

[MISHA POV]

Nakakahiya jusko po. Ang wild ko pa naman kanina. Di ko na kaya, panigurado nakita na nung nag ooperate ng CCTV yung ginawa ko.

Pwede lamunin nalang ako ng lupa ngayon. Kababae kong tao ako pa unang gagawa ng ganun, eh nagbibiro lang naman ako ah, wala naman akong gustong patunguhan.

"Misha wait lang!" rinig kong sigaw ni Suga. Sinundan nya pa ako?

"Suga hayaan mo na ako, uuwi na ako" Sabi ko at aalis na dapat ng hilain nya ako.

"Bukas Misha magbabakasyon daw tayo sa Pangasinan" sabi nya.

Ngumiti lang ako at tuluyan ng umalis. Kinikilabutan na kasi ako dahil sa kahihiyan ko.

Kinabukasan...

Eto na at handang handa na ako para sa sinasabi ni Suga na bakasyon. Sana naman di na ako makagawa ng kalokohan ngayon.

"Tagal naman ata nila?" saka ako tumingin sa relo ko.

Nagulat naman ako ng may bigla nalang kumatok. Baka sila na yan.

Tumayo ako at binuksan ang pinto saka ko nakita si Jin. "Tara na" sambit nya habang nakangiti.

Kinuha ko naman na ang maleta ko saka nilock na ang pinto.

"Ako na mag bitbit" sabi niya at kinuha ang maleta ko.

Pagpasok namin sa elevator bigla akong napaisip, bakit hindi si Suga ang sumundo sakin?

"Ahm, si Suga nga pala? Asaan?" tanong ko kay Jin.

"Ay wala pa, inuna ka namin sinundo eh. Pero mamaya andyan na sya" sabi nya.

Bumukas na ang elevator at lumabas na kami saka tumungo sa van.

"Wala na bang naiwan?" tanong ni Taehyung.

"Brip mo naiwan" sagot ni Jimin at tumawa naman kami. Pinakyuhan lang sya ni Taehyung at umalis na kami.

Maya maya, sinundo na din namin sila Suga.

Gusto ko sanang katabi si Suga pero nasa may gilid ako at katabi ko si Jin.

Di ko na pinapalit si Jin at Suga para makaalis na kami.

[SUGA POV]

Ano bang kalokohan to?

Imbis na katabi ko si Misha, nakaharang tong si Jin. Kinakalabit ko na nga kanina para magpalit kami pero nagkunwari syang tulog.

Kaya ng magising sya kinalabit ko ulit sya at sumenyas na magpalit kami ng pwesto pero agad naman syang lumingon kay Misha saka inalok ito ng unan na dala nya.

Gago 'to ah.

"Nilalamig ka ba?" tanong ni Jin at kita ko ngayon kung paano maglalakbay ang kamay nya papuntang balikat ni Misha kaya agad akong gumalaw galaw sa pwesto ko para maistorbo sya sa gagawin nya.

"Haist anggulo naman!" reklamo ni Jimim na katabi ko.

Yes, napatigil sya. Buti nalang, galing ko hahaha. Ako lang pwede umakbay kay Misha.

"Misha, alam mo ba dati may gusto ka sakin" natatawang sabi ni Jin na agad kong kinainis. Ano bang sinasabi ng lalaking to? Di nya ba alam na andito lang katabi nya ang asawa ng nilalandi nya?

"Tss, dati yun pero hindi na ngayon" bulong ko habang naka cross arm.

"Ha? May sinasabi ka?" tanong ni Jin sakin.

"Ah, wala hahaha" plastik kong ngiti sa kanya.

Nanahimik na kami at makalipas ng ilang minuto, nakita ko nanaman na dahan dahang gumagalaw ang kamay ni Jin papunta sa kamay ni Misha. Likot ng kamay nento ah. At sa hindi inaasahang pagkakataon UMUTOT ako ng malakas para huminto si Jin sa gagawin nya.

"PUTANGINA NAMAN SUGA! AMBAHO!" reklamo nila at hinampas ako.

"Ang arte nyo, kayo na nga lang nakikiamoy eh" sambit ko.

"Puta buksan natin mga bintana para lumabas yung amoy." sabi ni Namjoon at pinagbubukas namin ang mga bintana.

"Pre kung uutot ka, bigyan mo naman kami ng signal para makapaghanda kami" sabi ni Taehyung.

"Di yung uutot ka agad, alam mong naka aircon tayo eh" sabi ni Jin. Sapakin ko kaya to?

"Sornaman. Di ko na kinaya eh" sambit ko at nanahimik nalang.

Makalipas ng mahabang katahimikan sa byahe ay nakikita ko ng humihikab si Misha.

Inaantok nato. At subukan lang sya alukin ni Jin na matulog sa balikat nya--

"Misha, sandal kana dito sa balikat ko?" eto na nga bang sinasabi ko eh. Sige Misha subukan mong umoo sa kumag nato titirisin ko kayong--

"Sige salamat" sagot nya saka sinandal ang ulo sa balikat ni Jin.

MGA PASHNEYA!!!!!!!! 😭 BAKIT NYO SAKIN TO NAGAGAWA AKO ANG ASAWA DITO EH 😭😭😭😭

Lumingon naman sakin si Jin habang nakangiti ng nakakaloko. Duran ko kaya sa mukha tong gagong to?

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" tanong ko sa kanya pero sinagot lang ako ng ngisi. Gago to, pigilan nyo ko magkakagulo dito.

Sa sobrang inis ko, si Misha ang napsgbuntudan ko, hinila ko yung buhok nya para magising sya.

"Ano ba!?" sigaw nya sakin at halatang nainis sa ginawa ko.

"Wag ka ng matulog malapit na tayo mag stop over" sabi ko sa kanya.

"Daddy, naiihi na ako" sambit sakin ni Jinnam.

"Tiis muna nak, malapit na tayo" sabi ko.

-------------

"Okay andito na tayo, sa wakas makakaihi narin!" malakas na sabi ni Taehyung at buong buo pa ang boses kaya lahat kami nagising ang diwa. Kapre ba'to?

Lahat kami nag sibabaam na ng van at kitang kita ko ngayon na inaalalayan pa ni Jin si Misha na bumaba. Tss, mukha bang hindi kaya ni Misha bumaba ng mag isa lang? Kailangan ba naka hawak pa sa kamay ni Jin?

Hindi ko nalang sila pinansin at pumasok na kami ni Jinnam sa loob.  Wala akong oras para tignan silang dalawa. Gawin nila gusto nila wala akong pake.

"Daddy, iihi lang ako ah" sabi ni Jinnam at pumunta na sa cr.

Umorder naman ako ng pagkain at pagpunta ko sa counter sinalubong ako ng pag uunahan ni Jungkook at Taehyung sa pila.

"Ako nauna dito eh" sambit ni Jungkook.

"Ako nauna dito, umalis lang ako kasi may kinuha ako" sagot naman ni Taehyung at pumunta sa harap ni Jungkook

"Umalis ka pala eh, di ko na kasalanan yun" sabi din ni Jungkook at pumunta naman sa harapan ni Taehyung.

Naguunahan pa sila eh sila lang naman ang nakapila. "Ahm Sir, ano pong order nyo--?" di na natuloy ng babae ang pag sasalita dahil tuloy parin sa sagutan si Jungkook at Taehyung.

"Ay Miss, wag mo na silang intindihin, hindi bibili yang mga yan" sabat ko at inunahan na sila sa pag order.

Pagtapos kong umorder ay nakasalubong ko si Misha.

[MISHA POV]

Papunta na ako ng counter para umorder ng makasalubong ko si Suga dala ang inorder nyang sopas.

"Wow, mukha masarap yan--" natigil ako ng lagpasan nya lang ako.

Anong problema nun?

TO BE CONTINUED...

WASSUP MA-NIGGUHS HAHAAHA JOKE LANG.

PLEASE READ MY NEW STORY "LOVE TRIANGLE" FANFICTION OF JUNGKOOK, YERI, LISA, AND JIMIN.

Mhizsx Misha [BOOK 2: COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon