MM [45] JELLYACE

338 32 27
                                    

[Misha's POV]

Bakit ganun si Suga, ang sama ng tingin sakin habang kumakain ako dito at sila naman dun sa kabilang table.

"Jin, saglit lang ah" pag papaalam ko kay Jin at kinuha ang sopas ko saka lumipat sa mesa nila Suga at Jinnam.

"Alam mo ipapa-pulis na kita" sambit ko ng makauo ako sa bakantenh upuan sa table nila.

"Bakit po Mommy Misha?" tanong ni Jinnam.

"Kasi ansama tumingin ng Daddy mo eh" sagot ko kaya napatingin si Suga.

"Ano bang ginagawa mo dito?" tanong nya.

Thank you for that beautiful question. Dapat pa bang sagutin kung bakit ako andito?

"Kakain ako kasama kayo, malamang" sagot ko sabay kain.

"Wag ka dito kumain, dun ka kay Jin" sabi nya.

Hala anong problema ng gagong to?

"Bakit mo ko pinapabalik dun? Eh dito ko gusto kumain" sabi ko.

Pero di nya ako sinagot.

Ano kayang nahalo sa pagkain ni Suga at nagkakaganya sya?

"Mommy Misha tayo nalang po magtabi" sambit ni Jinnam kaya naman napangiti ako at tumabi sa kanya.

"Daddy, wag mo naman paalisin si Mommy Misha" dagdag pa neto.

Di lang kami pinansin ni Suga at binilisan na nya ang pagkain nya. Ano bang problema neto? Bakit parang galit sya sakin?

"Suga anong problema?" tanong ko pero imbis na sagutin nya ang tanong ko ay tumayo na sya dahil ubos na agad nya ang pagkain nya.

"Tara na Jinnam" sambit nya at walang awa nyang hinila si Jinnam na hindi pa ubos ang pagkain.

"Daddy yung soup ko!" reklamo ni Jinnam pero di na sya pinakinggan ni Suga at tuloy tuloy sila hanggang sa makabalik sila sa van.

Habang ako andito at naiwang nakatanga. Bakit ganun si Suga. Wala naman akong ginagawang masama ah. Mukha bang kakainin ko si Jinnam.

Ewan, bahala na, uubusin ko nalang tong kinakain ko at babalik narin ako sa sasakyan.

----------

Ansakit ng pwet ko! Buong 2 oras ata akong nakaupo at hindi gumagalaw dito. Masyadong masikip ang pakiramdam ko dahil sa dalawang lalaki nato sa nasa kanan at kaliwa ko.

"Malapit na tayo mga kupal, gumising na kayo!" sigaw ni Taehyung.

Anlakas naman ng boses neto, oo na gising na ako kanina pa.

Nagsigisingan naman ang mga tulog na kumag. Mga halatang inis sa sigaw ni Taehyung kanina.

Nagpark na kami saka nag si babaan.

Eto na, nagtakbuhan na sila na animoy mga batang badjao papunta sa loob ng resort.

Mapapangiti na sana ako ng bigla akong makaramdam ng bigat sa loob ko, hindi ko alam kung masama o maganda tong nararamdaman ko pero isa lang ang masasabi ko, parang nakapunta na ako dito.

Sa sobrang ganda ng nakikita kong tanawin, parang gusto ng tumulo ng mga luha ko pati uhog ko.

Unti unti ako naglakad palapit sa terrace kung saan makikita mo ang kabuuan ng tanawin.

"Ang ganda" tanging sambit ko ng maamoy ko ang simoy ng hangin.

"Parang ikaw" napatingin ako kay Jin na nasa tabi ko na pala

Mhizsx Misha [BOOK 2: COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon