Chapter 20

109 3 0
                                    



Chapter 20

I was late


2024.

Eight years since dad came home with a bad news he heard from somebody he calls. Naalala ko pa iyon dahil bawat araw ay hindi ko kinakalimutan ang mga paalala niya sa akin. Bumalik man siya ng army ay hindi na siya nawawalan ng communication sa amin. Sabi ko na nga dahil hindi naman talaga totoo ang mga nalaman niya noon.

Wala naman kasing mangyayaring masama sa akin. At iyong panaginip ko noon, fresh pa rin siya sa isip ko hanggang ngayon dahil minsan ay napapaniginipan ko iyon pero dinadaan ko na lang din naman sa dasal dahil alam kong mas magagabayan ako doon.

Hanggang ngayon ay wala pa rin naman akong idea kung sino 'yong lalaki na nakayakap sa akin. Hindi iyon si papa dahil ang layo naman sa hulma ng katawan nito. Medyo malaki si papa pero iyon ay katamtaman lamang ang laki. May ibubuga, siguro nagwo-work out 'yon.

I graduated 2019 with the course of Marketing Management and I just took my masteral degree a year after. Weekdays ay nasa office ako at tuwing Saturday naman ay nasa university ako para magturo. Hindi naman naging sagabal sa akin ang ginagawa ko dahil masaya naman siya. Hindi ko nga akalain na ganito ang mangyayari sa akin.

Dad will come home soon kaya excited na ako, kahit 30 years old na ako ay hindi pa rin nawawala ang fatherly figure niya sa amin. At ang lagi ko namang nami-miss ay ang bonding naming dalawa.

These past few months, I receive some flowers and letters from my officemates. Iyon nga lang ay hindi ko kilala kung sino. Wala sigurong balak magpakilala.

Hindi ko na rin masyadong nakakasama sina Chanya at Saki dahil may kanya kanya na silang trabaho. Sobrang busy din kasi nila kaya kung yayayain ko man sila ay hindi sila pwede, vice versa.

Noong nakaraang buwan ko rin nalaman na nililigawan pala ni Lyke si Saki. Somehow, noon ay ramdam ko na naman 'yon. Kahit noong college days pa namin ay feel na feel ko na kahit parating lumalapit si Lyke sa akin. He has still eyes on her. Chanya was fond of writing a book too, next month ay balita kong may ilalabas siyang novel. How come we didn't even know na nagsusulat pala siya? Hidden talent, I guess?

Nga pala, these past few days... nanaginip akong nagta-time travel daw ako. Ang weird diba? Well, panaginip lang naman kasi eh.


2025.

I stopped working at the office at naging full time na ako sa pagtuturo dahil nahihirapan lang din ako sa mga ginagawa ko doon lalo na't kung under pressure, ay taranta kung taranta eh. Mas nag-eenjoy din ako dahil nagagamit ko ang pagiging MBA ko. Kinuha rin naman akong partner ni Chanya sa kanyang tinatayong coffee shop, syempre para magkaroon daw siya ng katuwang.

We both graduated with the same degree pero ako lang sa aming tatlo ang nagpursigi sa masteral dahil naging busy na rin sila agad.

Nabalitaan ko next year ay magkakaroon kami ng alumni homecoming, tutal 10 years na rin naman simula nang grumaduate kami. Marami na rin akong nami-miss na schoolmate ko noon. Ang daming alala ala na gusto mong balikan noon.

Later this year ay nag-retire na si papa sa military. Hindi namin alam kung anong reason pero siguro dahil sa age niya. Para sa akin ay ayos na iyon dahil sa ngayon ay sila naman ang pagsisilbihan ko after a lot of years they sacrificed for me. Ayokong mauwi sa wala ang lahat ng pinaghirapan nila.

TimelineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon