Chapter 13

103 4 0
                                    

Chapter 13

Past expunge


Hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako sa sinabi sa akin ni Morley. Ayokong isipin na tama nga siya pero alam kong may iba pang paraan para maitama ang lahat ng bagay eh. Kung hindi ko man maibalik sa normal ang present ay pipilitin kong ayusin iyon dahil mas malaki ang tsansa na magkaroon ng effect ang mga ginagawa namin ngayon sa future.

Ibinalita ko na rin kay Sir Mardon ang naging pagtanggi ng mga kaibigan ko sa pag-alok ko sa kanila na mag-aral sa private university kasama ko. Alam kong mahirap sa kanilang tanggapin iyon dahil siguro iniisip nilang, kapalaran na nila ang mapunta sa public university pero hindi naman iyon hadland diba? Kung hindi naman sila masaya doon, then why should they stay there?

Sa clinic ako tumuloy dahil alam kong madadatnan ko pa si mama doon. Sakto namang nandoon pa siya pagkadating ko at may ilang pasyente pa ang kailangan niyang check-up-in. Dinala naman ako ni Salve sa office ni mama at doon ako nanatili.

Napangalumbaba naman ako, napansin ko naman ang mga candy sa isang jar at kumuha ako doon. Katabi noon ay naagaw ng atensyon ko ang family picture namin. Kinuha ko naman 'yon at nanlaki na lamang ang mga mata ko sa gulat ng makita ko ang larawang iyon.

Sakto naman na pagkapasok ni mama at may kinuha lang sa ilalim ng cabinet pero dahil sa hindi ko mapigilan ang pagka-kuryusa ko ay tinanong ko na iyon sa kanya.

"Ma, si papa po ba 'to?" lumapit naman siya sa akin at tiningnan ang picture frame na hawak ko.

Ilang segundo niya iyong tiningnan at binaling ang tingin sa akin saka natawa, "of course, Calia. Hindi pa ba obvious sayo? Magkamukha naman kayo." hagikgik pa ni mama.

Napakamot naman ako sa ulo ko. "Ma, all I know na sundalo si papa, hindi doctor."

Kunot noo naman akong tiningnan ni mama. "No, saan mo ba nakukuha 'yan Acalia? Your father is a doctor on the military, nakalimutan mo na ba?" aniya, "sige na, babalikan ko lang 'yong pasyente ko at sabay na tayong uuwi okay?"

Tumango na lang din naman ako kay mama.

Hindi pa rin naman ako makapaniwala na hindi lang pala si mama ang nabago ng timeline kundi si papa. Naging kampante ako kasi alam kong nasa military talaga siya at sundalo siya doon but knowing that he's a doctor there. He became part of the changing.

Mayamaya ay pumasok si Salve sa office ni mama, sinundan ko naman siya ng tingin at inayos naman niya ang kanyang gamit. Mukhang napansin rin naman niya ang panonood ko sa kanya kaya naman hinarap niya ako.

"May problema ba, ah Calia?"

Agad naman akong umiling sa sinabi niya at ngumiti, "wala."

"Ah, sige, uuwi na ako. Pinapauna na ako ng mama mo eh, ingat kayo." paalam naman nito sa akin. Pero bago pa man siya makabalabas ng pinto ay muli koi tong tinawag. "Yes, Calia? May kailangan ka pa ba?"

Umiling naman ako, "wala naman but I want to ask something kung okay lang sayo."

She nodded at naupo sa may upuan sa harap ng desk, "ano bang itatanong mo Calia?"

"Pa'no mo nakilala si mama?"

"Oh, 'yon ba? Nagkaroon kasi ng outreach program sa barangay namin noon at isa ang mama mo sa mga doctor doon kaya nang makausap ko siya ay sakto namang nalaman kong magbubukas pala siya ng clinic niya at kailangan niya ng nurse, so I applied. Bakit mo naman natanong saka diba, parang nakwento na sayo 'yan ng mama mo?"

Muli naman akong umiling sa sinabi niya, "hindi eh, sige salamat. Ingat ka."

Hindi ko alam kung anong koneksyon ni Salve sa future kung bakit siya nandito ngayon. Hindi ko naman matandaan kung isa ba siya sa mga nakasalamuha ko doon o nakausap man lang. Kung nurse siya dito, ibigsabihin ay related ang profession niya sa future.

The future became the present, gano'n nga ba nangyayari ngayon?

Ang hirap kung tutuusin kung paano ko gagawin at malulusutan ang mga bagay na ito. Sa simula pa lang naman ay dehado na ako dahil wala naman talaga akong alam dito. Hindi ko sinasadya ang lahat pero dahil sa pagkakamaling iyon ay kailangan kong panindigan ang kamaliang iyon.

Ang hinaharap na siyang kailangan kong baguhin upang manatili sa tamang panahon ang mga bagay na siyang nasa tamang landas.

Pagkauwi sa bahay ay dumiretsyo naman ako sa aking kwarto. Pagkabukas ko ng ilaw ay napasigaw na lamang ako ng makita ko ang isang lalaki sa kwarto ko. Tinawag naman ako ni mama kung okay lang ako at sinabi ko namang okay lang at walang problema. Pansin ko naman ang pagngisi ni Morley na nakahiga sa kama ko.

Binato ko naman sa kanya ang bag ko. Inilagan niya naman iyon gamit ang braso niya.

"Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok dito?"

"You know, I travel kaya kahit saan nakakapunta ako." Ngisi pa niya, "ayan dapat ang tandaan mo."

Inirapan ko naman, "umalis ka na nga lang Morley, hindi mo naman ako kailangang sundan ng sundan eh. Hindi mo naman ako aso para bantayan ako, diba?"

Umupo naman ito mula sa kanyang pagkakahiga, "tama ka, hindi ka aso pero alam mo ba ang rason kung bakit ko 'to ginagawa? Hindi kasi hindi ko rin naman sasabihin iyon sayo." Ngisi pa niya, "'Wag mo nang pilitin na lumayo ako sayo Calia dahil kahit anong mangyari ay ako pa rin ang magiging huli mo."

Naningkit naman ang mata ko sa sinabi niya.

Napaigtad din ako ng biglang may kumatok sa pinto, "Calia? May kasama ka ba diyan? Sinong kausap mo?"

"Wala man, sila Chanya at Saki lang over the phone." Dahilan ko naman sa kanya.

"Okay, matulog ka na ha."

"Okay mom."

Lumapit naman ako sa kama, humalukipkip na lamang ako sa kanya.

"You can't change the future now, Calia."

Tinaasan ko naman siya ng kilay. "You always like that, Morley. Kaya ayoko nang nakikita at nakakasama ka dahil iniisip mo na wala nang mangyayaring maganda. Na hindi ko na maaayos ang future tapos sasabihin mo na part ka ng future ko. Ang gulo mo!"

"I want to lessen the pain, if it will happen."

Napakunot noo naman ako sa sinabi niya, "what will happen?"

"The possibility of the Past expunge."

"Past expunge?"

"Yes, that's who you are in the past, changing you in the present and lost you in the future. We need help on the Time Ministry, Calia. That's the only way to secure the future again."

Agad naman akong umiling sa suhestyon niya, "hindi ako papatol diyan, Morley. Leave my room and please, do never come back."

He stood up on the bed and shrugged, "if that's the case, find me if you need help. You know where to find me." he opened a wormhole and suck into it.

Nanggigil naman ako ng umalis na siya pero hindi naman maalis sa isipan ko ang mga sinabi niya. Pang gulo lang talaga 'tong isang 'to eh. Hindi ko na alam kung anong susundin ko. Hindi ko alam kung tama pa baa ng mga ginagawa ko.

Curse the timeline.

TimelineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon