Chapter 17

92 3 0
                                    

Chapter 17

We'll meet again soon


Idinala nila ako sa isang private room kung saan naka-posas ang mga kamay ko. Wala pa rin akong idea kung anong gagawin nila sa akin pero anong parusa ang ibibigay nila sa akin? Ang tanggalin ng tuluyan ang existence ko? Huwag naman sana gano'n ang mangyari. Kung buburahin man nila ang existence ko as Acalia Backinton, will I exist with another name and life? I ruined everything and this I what I get.

Kinabigla ko rin nang malaman kong mag-ama pala sila. Na ang connection palang tinutukoy ni Jones ni Morley sa Time Ministry ay ang Chief Master na pala. Nakakaloka lang dahil hindi ko inaasahan na mangyayari 'yon.

At ano 'yong patungkol sa phone na iyon? May pakana ba si Morley doon?

Nakatulala lang din ako sa sulok ng kwartong ito. Gusto kong umalis pero saan ako pupunta? Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Para na akong preso dito.

Mayamaya lamang ay may pumasok, hindi na akong nagtaka na ang Chief Master iyon. Inalis ko rin naman agad ang tingin ko sa kanya. Sa tuwing maalala ko ang nangyari kanina ay inisiip ko na lang na sana wala na lang akong alam tungkol sa pagta-time travel.

He sitted a chair in front of me, "how are you, Miss Backinton?"

Naalala ko na naman tuloy 'yong nangyari noong nasa 2026 ako. They interrogated me para lang makakuha ng sagot sa mga tanong nila. Gano'n din siguro ang mangyayari dahil hinding hindi ako magsasalita. Sobra sobra na ang mga nangyayari sa akin. I can't survive into this timeline.

"You know in yourself gave you the phone, right?"

I look at him, no emotion expressed.

"I see." He took a deep breath, "You won't keep it, Miss Backinton. I will surrender it to the Time Enforcers for you won't travel again in time. We won't erase you from the timeline, Miss Backinton I can promise you that."

Naliwanagan naman ang mukha ko sa sinabi niya.

"Ano na pong gagawin niyo sa akin?"

"You don't have to know that, Miss Backinton. You can't stay here on our place, you're not a time traveler. Morley did this because he wanted something to happen. I'm sorry for what he has been to you. For all the things he made, you don't to worry about him."

"What earth you'll send me back?" tanong ko, hindi ko na inintindi ang mga sinabi niya.

Iyon naman talaga ang gusto ko eh, ang maayos ang lahat at ngayon na may paraan na, tatanggapin ko na lang din. Iyon nga lang ay malaki ang kapalit na mawawala sa akin. Hindi ko alam kung ano man 'yon pero nahihirapan akong tanggapin na lahat ng pinaghirapan ko ay mawawala din kaagad.

Mawawala sa isang saglit.

"Your home earth, Calia." Sagot naman nito sa akin.

Wala naman na akong naging tanong. Tanggap ko na naman ang lahat ng ito eh. Hindi na ako lalaban pa dahil sa huli ako rin naman ang kawawa. Kung may mawawala man sa pagbabalik ko sa sarili kong mundo. Atleast doon, kaya kong buohin muli ang sarili ko. Nakakatakot pero iyon ang tadhana.

Ito ba talaga ang mangyayari sa future? O nagkaroon ng ibang track ang timeline na napunta dito ang future ko?

Sinundan ko na lang din ng tingin ang Chief Master palabas ng kwarto. Sa pagyuko ko ay tumulo na lang din ang mga luha ko. Ang gusto ko lang naman ay ang maayos ang nasira ko pero hindi ko alam na ako pala ang masisira dito.

Saglit lang din ay bumukas ang pinto, nagmadali namang pumasok si Morley at dumiretsyo ito sa akin. Hindi ko alam pero kakaiba ang mga yakap niya sa akin. Pinilit kong pumalag sa pagkakayakap niya sa akin pero hindi pa rin niya ako pinapakawalan.

"Ano bang kailangan mo sa akin?"

"Calia... I'm sorry..."

I shook him out of me.

"Ano pa bang hindi mo sinasabi sa akin Morley? Ano ba ang mga tinatago mo sa akin? Lahat ba 'to ay plinano mo na?"

Umiling naman siya sa akin. "I saw my future and I saw you... and if won't ever met, you won't be my future."

Tinulak ko naman siya palayo sa akin.

"Ginawa mo 'to sa akin kasi kailangan mo ako in the future?"

Tumango naman ito sa akin.

"If this wasn't happen, hindi mo ako makikilala. Hindi kita mapo-protektahan."

"You don't have to protect me, Morley! I can manage myself!"

"You always said that, Calia pero akala mo lang din 'yon. I saw this on the future at lahat ng bagay na pwedeng mangyari ay itinama ko. This really happened Calia kaya dinala kita dito. Ayoko sanang gawin 'to dahil mas masakit para sa parte ko pero ito lang din ang paraan para malaman mong nage-exist ko."

"Leave me alone, Morley..."

"Natatandaan mo pa ba no'ng pumunta tayo ng carnival noon? Bago pa man kita idala noon, iyon na ang paborito kong lugar dahil lagi kitang nakikita noon. You were just a child that day pero sa tuwing nakikita kita ay hindi ko inaalis sa isipan kong ikaw ang mapapangasawa ko. Wherever you go, whatever you're doing. Nakita ko na."

"Then you're telling me, na mangyayari pala talaga ang lahat ng ito? Then what's next?"

"I can't answer that, Calia... I'm sorry." He sighed, "but I assured you, we'll meet again soon."

"I don't want to, Morley..."

But in the end, he hugged me tightly. Hindi niya ako pinakawalan, hindi na rin ako pumalag dahil pakiramdam ko ay lalayo na rin naman siya sa akin. Nang umalis siya sa pagkakayakap ay kanya namang tinanggal ang posas sa aking kamay. Hinalikan niya ako sa noon bago siya tuluyang lumabas ng pinto.

Natulala na lang din naman ako sa at napansin ko naman ang kulay asul na papel na nasa ibabaw ng lamesa. Nakuha ko naman iyon at bago ko man mabuksan iyon ay biglana lang din ako nakaramdaman ng hilo.

Will my timeline be on the right track, again? I hope so... because that's all I wanted to happen.

TimelineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon