Chapter 19

86 3 0
                                    

Chapter 19

lifeless


Masaya ako dahil umuwi na si papa pero nagtataka lang ako dahil sa rason nang pag-uwi niya. Hinayaan ko na lang din muna ang pag-iisip 'don dahil matagal ko na talagang gustong maka-bonding si papa. Hindi ko inaasahan ang pag-uwi niya, nakakabigla talaga as in kasi ang sabi sa akin ni mama noon ay uuwi ito pero hindi pa niya alam kung kailan. Surprises are the best for me.

Mayamaya lamang ay may kumatok sa pinto. Ako na sana ang pupunta sa pinto para tingnan kung sino iyon pero nagboluntaryo naman si papa na siya na daw ang pupunta doon. Hinayaan ko naman siya at nag-usap naman kami ni mama.

Kinuwento ni mama na alam na niya na uuwi si papa two days ago. Kaya napagplanuhan din nila ang gagawin nilang surprise sa akin. Medyo gulat din daw siya dahil hindi niya inaakalang mapapaaga ang pag-uwi ni papa. Kung totoo man 'yong rason ni papa, tama bang ikatakot ko na rin siya ngayon?

Ilang saglit lang din naman ay bumalik na si papa. Pansin ko naman ang mga tingin nito sa akin, umiwas din naman agad siya. Napakibit balikat na lang ako dahil feeling ko ay may mali talaga sa nangyayari ngayon. Something na hindi ko magugustuhan.

"Hon, sino 'yon?" tanong naman ni mama kay papa.

Para namang ewan na umiling si papa. "Wala, napadaan at nagtanong lang." aniya sabay ngiti. "'Wag niyo nang alalahanin 'yon, bumalik na tayo sa pagkain. Ayokong ma-miss ulit itong pagkain na niluto mo, Hon..."

"Ikaw naman, kung pwede lang kitang padalhan sa camp niyo eh, ginawa ko na." ani pa ni mama. "May dessert akong ginawa at mamaya pagsaluhin natin, okay?"

Nanatili din naman ako tahimik habang kumakain. Kapag may tanong sina papa at mama saka lang din naman ako sumasagot. Hindi na rin ako nakakain ng ginawang dessert ni mama dahil feeling ko busog na ko. Dumiretsyo naman ako sa kwarto ko at naupo sa edge nito. Bagsak ang balikat at lubos pa rin ang pag-iisip ko sa sinabi sa akin ni papa.

Bumagsak na lang din naman ako sa kama at tinitigan ang kisame, unti unti rin naman akong binalot ng antok.

Hindi ko alam kung bakit ako naglalakad sa gitna nang mga tao. Parang hindi naman nila ako napapansin. Dinadaanan lang din nila ako kaya sobrang nakakapagtaka na kahit tingin man lang nila sa akin ay hindi ko makuha.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Hindi kalayuan ay napansin ko ang isang lalaki sa labas ng isang store, nang makilala ko naman iyon ay kinabahan naman ako na ewan pero dahil wala naman akong kasama ay pinili kong lumapit sa kanya.

As in malapit na ako sa kanya nang biglang may lumabas sa store na kanyang inaabangan. Isang babae, sinalubong naman niya iyon at hinalikan sa pisngi. Napasinghap naman ako ng makilala ko ang babae. Anong ginagawa ni Saki at Lyke? Bakit magkasama silang dalawa?

"Guys!" tawag ko sa mga ito.

Sabay naman silang napatingin sa akin. Tumaas ang kilay ni Saki nang makita ako, lumapit ito sa akin at humalikipkip.

"You still showed you face to us, ha?" pagtataray pa nito sa akin, napaatras naman ako dahil hindi ko sigurado kung anong punto ni Saki dito. "After what you've done, may lakas ka pa rin pala ng loob harapin kami?"

"Ha?" halos matanga ako sa pinagsasabi niya dahil wala naman akong maintindihan. "Anong ibig mong sabihin?"

"Don't try to reprehend things, Acalia. For your information, you waste our time. Go get your own life, don't mess with us."

Tiningnan ko naman si Lyke dahil wala pa rin akong idea sa nangyayari. I'm still curious kung bakit gano'n ang pagtrato ni Saki sa akin.

Habang naglalakad ako ay napahinto ako bigla nang may dumaang funeral car sa harapan ko. Agad ko rin naman iniwas ang sarili ko doon, pansin ko ang ilang kakilala ko doon pero hindi ko na lang pinansin at lumayo na ako doon.

Napaigtad ako ng biglang may bumulaga sa harap kong itim na pusa. Natawa na lang din ako dahil sa pagtili ko. Napaisip din naman ako kaagad na kapag nakasalubong ka nang itim na pusa ay may masamang mangyayari and I hope it's not true.

Naglakad ako palayo, palayo kung saan may dalang panganib man o peligro. Mayamaya lamang ay biglang nagbago ang kapaligiran ko at napunta ako sa isang sinehan. Napakamot na lamang ako ng ulo ko dahil pamilyar sa akin ang senaryong ito.

Ilang saglit lang din ay napansin ko ang lalaking umalis ng bench. Nanlaki naman ang mga mata ko nang may maiwan doong cellphone. Nang kinuha ko iyon ay halos magtaka ako dahil phone ko ang hawak hawak ko na ngayon. Nabitawan ko iyon at nabasag.

Bumilis ang paligid ko at napatingala na lamang ako dahil sa taong kaharap ko. Nang magkatitigan ang aming mga mata ay pakiramdam ko ay may koneksyon siyang gustong iparating sa akin. Hindi iyon normal na titig. May mensahe ang kanyang mga mata.

Nataranta ako dahil baka balikan pa iyon ng may-ari kaya naman tumakbo ako. Tumakbo ako sa bilis ng makakaya ko pero hindi ko akalain na iba pala ang maasahan ko. Hindi ko alam kung bakit gano'n ang nasaksikhan ko.

Ang bilis lang ng pangyayari.

Kitang kita ko ang sarili ko, walang buhay... yakap yakap ng isang lalaki na hindi ko naman kilala.

Nagising ako sa sobrang bigat ng dibdib ko. Hindi ko mapigilan ang sarili kongb humagulgol. Hindi ko rin namalayan na nasa loob pala ng kwarto ko si papa at inakap na lang ako nito. Unti unti kong nakakalimutan 'yong mga eksena sa panaginip ko pero ang linaw pa rin sa akin ang isang eksene doon kung saan wala na akong buhay.

"What happened, Calia?" tanong ni papa sa kanya.

I look at him with tear eyes, "are those things what you said are real?"

"Why did you asked, Calia?" he shoved my hair.

"I saw myself lifeless..."

With no words, he hugged me. "That's why I'm here to protect you, Calia..."

Napakunot noo naman ako sa sinabi niya. "Someone said that line before, hindi ko lang matandaan..."

He took a deep breath, "I'm just the only one, eh? Sinong nagsabi sayo niyan, Calia at nang masermunan ko."

"Papa naman..." tawa ko pa. "Thank you kasi umuwi ka na." saka ko siya niyakap ng mahigpit.

"Alam mo namang hindi kita matitiis..." aniya, "sige na, bumalik ka na sa pagtulog mo. I won't leave you here, babantayan kita."

"Hindi na ako baby pa." tawa ko pa. "Sige na, bumalik ka na sa kwarto niyo ni mama."

"Sure ka?"

Tumango naman ako at tinulak ko na siya palabas ng pinto. Nang matira naman ako sa kwarto ko ay bumalik ang senaryong iyon sa isip ko. Siguro masyado lang nag-aalala si papa kaya niya nasabi 'yon. It's was only just a dream, walang katotohanan iyon. Ni hindi nga totoo ang time travel eh, dream to reality pa kaya? All of it sucks.

TimelineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon