Tanging Mahal (Chapter 42 : Riot)

Start from the beginning
                                    

‘Wala bang good morning jan...?!’, pang-aasar na sabi ni Jerry.

‘Huh, good morning ka jan?!’, sabay bato ni Ren ng tingin sa mga lalaki na nasa sala at pabalik sa bestfriend niya. ‘Asan si Yaya?’, muling asik ni Ren.

Tomorrow's getting harder, make no mistake
Luck, it ain't enough, you've got to make your own breaks

‘Ah, umalis, pupunta lang daw saglit sa bahay nila may problema daw, pero babalik naman daw siya mamayang alas cuatro!’, sagot ni Jerry paglapit sa lababo na tatawa-tawa.

‘Lagot ka kay Ninang, isusumbong kita sa mommy mo, sasabihin ko parang delubyo tong bahay nyo ngayon!’, pabirong banta ni Ren sabay inom ng tubig sa sinalinang baso.

‘Ah talaga? Ok lang... nga pala sarap pala yakapin ng teddy bear mo – ang lambot, himbing kaya ng tulog ko kagabi!’, mapanuksong ganti ni Jerry.

It's my life, it's now or never
I ain't gonna live forever

Nanlaki ang mga mata ni Ren at muntik pang maibuga ang iniinom kay Jerry sabay dali-daling tumakbo paakyat ng hagdan pabalik sa kwarto niya. Mabilis niyang binuksan ang aparador kung saan nakatago ang malaking paperbag – ang mismong paperbag na binigay ni Mike sa kanya matapos ang UN contest -hinablot niya iyon ngunit ramdam niya ang gaan niyon at binuksan niya ngunit wala na itong laman.

I just want to live while I'm alive
It's my life

‘Jerry, nakakainis kaaaaaaaaaaaaaaa!’, sigaw ni Ren.

Dali-dali siyang lumabas ng kanyang silid at dumiretso naman sa silid ni Jerry, binuksan niya ang pinto at mabilis na pumasok. Subalit hindi siya handa sa nakita. Tila tinakasan siya ng sariling kaluluwa sa nakita habang naka-nganga pa. Hindi makapaniwala.

‘What the--!

My heart is like the open highway
Like Frankie said I did it my way
I just wanna live while I'm alive
It's my life

Hawak pa rin ang doorknob, nakatayo sa tarangkahan ay natigilan si Ren sa nakikita sa kanyang harapan, sa loob ng kwarto ng bestfriend niya malapit sa kama ay may nakatayo.

Si Mike. Ang kanyang Dada.

Better stand tall when they're calling you out
Don't bend, don't break, baby, don't back down

Si Mike - walang saplot, basa ang buhok at at may butil ng mga tubig sa katawan, gulat na gulat din ang mukha, ang dalawang kamay niya ay nakahawak sa blue underwear upang pantakip sa maselang bahagi ng katawan niya, mukhang pabihis pa lang ito ngunit di naituloy dahil sa biglang pagpasok ni Ren. Sa sahig ay isang twalya.

It's my life, it's now or never
I ain't gonna live forever
I just want to live while I'm alive

Nang matauhan ay mabilis na lumabas si Ren at napalakas pa ang pagsara ng pinto. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib at nanlalaki pa din ang mga mata. Bumalik siya sa kanyang silid at ni-lock ang pinto.

It's my life
My heart is like the open highway
Like Frankie said I did it my way

Ilang sandali pa ay may kumatok sa pinto ng silid ni Ren kaya nataranta naman ito. Hindi nagbukas si Ren.

I just wanna live while I'm alive
It's my life

Patuloy lang ang pagkatok. Pinagpapawisan si Ren habang nakaupo sa kama.

Muli, mga katok sa pinto niya.

It's now or never
I ain't gonna live forever

Tanging Mahal [BxB/Complete]Where stories live. Discover now