Prologue

122K 2K 32
                                    

She's rubbing her two hands together while looking at the Mayor's Office Door. Mahigit trenta minutos nang late si Taddeos. Naguumpisa na siyang nerbyosin. Kinakabahan siya na baka hindi sumipot ang binata sa araw na ito. Kagabi ay napuyat siya paghihintay. Gising siya hanggang hating gabi. Nagising na lamang siya ay umaga na.

Hindi nagabalang tumawag ang binata kung anong nangyari sa kanya. Nilapitan siya ni Flor. "Tawagan mo na kaya. Kanina pa siya late." Sabi nito habang inaayos ang ilang hibla ng buhok na nahulog da mukha niya.

Simpleng puting bestida lang ang suot niya. Dumating ito kahapon ng umaga. Umiling siya. "Hindi ko naman siya makontak. Nag aalala na ako." Ngayon lang siya kinabahan ng ganito.

Nilingon niya ang paligid. Bakas na sa mukha ng lolo niya ang pagkainip. Gayun din ang Mayor na magkakasal sa kanila. Nakabantay ang dalawnag bodyguard ng lolo niya sa pintuan ng silid. Walang ibang tao maliban sa kanila. Ang tita kees niya ay hindi makakarating. Alam niya kung bakit, dahil naniniwala siyang may sama pa ito ng loob sakanya kahit inamin na niya dito ang nangyari.

Nang lumayo si Flor sa kanya ay siya namang paglapit ng lolo niya. Lalo siyang kinabahan ng bumulong ito. "Koko de anata no shin desu ka?" Tinatanung nito kung nasaan na daw ang groom niya.

"Parating na s-siya." Tipid niyang sabi kahit wala siyang kasiguraduhan kung papakasalan nga siya ng binata. Isa pa, baka nga nagbago na ang isip nito. Sino nga ba naman siya para pag aksayahan nito ng oras.

Pero natatakot siya para dito. Paano pa niya ito ililigtas sa lolo niya kung babaliin nito ang pangako nito.

"Kare wa mada anata to kekkon suru tsumori desu ka?" Is he still going to marry you. Ani nito sa nihongo.

Tumango siya. "Hai sofu!" yes grandfather! Huminga siya ng malalim at pilit na kinakalma ang sarili.

"Kare wa kuru koto dake o kakunin shi te kudasai matawa kare o korosu tame ni hoka ni i~tsu teki masu." Just make sure that he will come or else i will kill him. Sunod sunod ang paglunok na ginawa niya bago dahan dahang tumango. Seryoso ang mukha ng lolo niya. At wala sa bokabularyo nito ang magbiro.

Nasaan ka na ba? Pinagpapawisan na siya ng malamig. Magiisang oras na. At nasisiguro niya na kapag lumampas pa ito sa oras ay walang kasalan na ang magaganap. Paano pa niya ililigtas ang binata? Napayuko nalang siya at pagak na napangiti. Pinatunayan lang ni Taddeos na kinasusuklaman siya nito. Na miski ang pagpapanggap sa pangako nito ay hindi nito nagawa. Oo at kasalanan niya na sumangayon ito sa kasalang ito pero ginawa lang naman niya iyon para iligtas ito.

Mahal mo kasi kaya ka magtitiis. Sana nga lang ay pareho sila ng nararamdaman. All her life, she was speaking, moving and working in thin line. Na bawat galaw at sabihin niya ay may bantay. Ngayon lang siya nakatikim ng kalayaan. Pero magiging malaya ka nga ba kung makakasal kayo?  Para namang tukso ang tanong na yun ng isip niya. Siya nga kaya? Magiging masaya ba siya? Magiging maayos ba?

Napatingin siya sa relong nasa dingding ng bumukas ang pinto at niluwa ang lalaking buong magdamag at hanggang ngayon ay laman ng isip niya. "Sorry, I'm late." Bakas sa mukha nito ang ginawang pagmamadali. Nakasuot ito ng puting long sleeve polo at itim na slack pants. Nakabukas ang ilang butones kaya naaninag niya ang dibdib nito. Nasa likod na bulsa ang necktie nito na hindi na nagawang isuot. But it doesn't matter, ang mahalaga ay naririto ito.

"You came!" Bulaslas niya ng makalapit ito. Pero hindi ito umimik. "Saan ka galing? Kagabi pa kita hinihintay." Kagat niya ang pangibabang labi matapos magtanong. Iniiwasan niyang maiyak.

Tumingin ito sa kanya. "Hindi pa kita asawa pero matanong ka na agad. It doesn't matter kung saan ako galing ang importante sumipot ako sa kasal mo." kasal mo? Kailangan bang ipamukha nito sa kanya na siya lang ang may gusto nito? "Don't worry. May isa akong salita. Kapag sinabi kong oo.. Gagawin ko." Malamig na tugon nito.

Wala siyang naging pag imik kung di ang yumuko. This is it. Magiging asawa niya ito sa paraang pinilit niya.

Nagumpisa ang maikling seremonyas. At kahit sa palitan ng singsing ay hindi nito itinago ang totoong ito. He act like he doesn't care. Like he doesn't want her. Parang isang normal na ceremony lang ang dinaluhan nito na may kasamang business deal. Kahit ng pumirma ito sa marriage certificate nila ay wala siyang nabakas na emosyon doon.

The wedding doesn't seem like a sacred wedding ceremony but a funeral. Dahil sa hitsura ni Taddeos tila isa itong namatayan na naglilibing ng isang minamahal.

"And by the power vested in me. I now pronounced you.. Husband and wife. You may now kiss your wife." Huling utos sa kanila. Humarap si Taddeos sa kanya. Tinambol ang dibdib niya sa kaba.

"Mrs. Ventura." puno ng pait ang tinig nito habang binibigkas ang ngayon ay pangalan na niya. Nagyuko siya ng ulo pero hinawakan siay nito sa baba at iniharap sa kanya. "As my wife you don't have any right to look down when I'm talking to you." Puno ng awtoridad na sabi nito.

Another night mare, indeed. Dahil ito na ang sinasabing karma. Your best decision is your own karma. Because what ever may happen to the side you choose, iyon din ang kabayaran.

He tilted her head at saka dahan dahan yumuko sa kanya. Kusa niyang ipinikit ang mga mata dahil natatakot siyang mabasa ang kung anong nais ipahiwatig ng mga mata nito.

As soon as she closes her eyes, ay lumapat sa gilid ng labi niya ang labi ng kanyang asawa.

Nakagat niya ang pang ibabang labi dahil doon. Pati pala ang halik ay di nito pepekein. Siguro nga hindi talaga ito marunong magpanggap.

Nagsibati sa kanila ang lahat ng naroroon sa silid. Miski ang lolo niya na kanina pa iretable. Pero mas lumubo ang mga mata niya ng lumapit ang isang lalaki kay Taddeos at bumati. Ng gumawi naman sa kanya ay mas pinanlakihan siya ng mga mata.

Oh No!

Nilahad nito ang kanang kamay ay saka ngumiti sa kanya. "Omedetogozai masu."


His Virgin Wife (GENTLEMAN series 7: Taddeos Ventura 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon