"What did you said? Tama ba ako ng pag-kakarinig? You like him?" galit na sabi niya. Napalunok ako.

Teka sinabi ko bang like ko ‘yun? Wala naman diba? Ang sinabi ko lang ay type ko s’ya. Iba kaya iyon sa like.
Patay. Wrong move, Hera. Matotodas yata ako nito.

Nag-tatangis ang bagang niya. Naka-kunot din ang noo ni Boss na tila naiinis. Pati ang mga mata nito ay nag-didilim sa sobrang galit. Nakayukom din ang mga kamay niya.

Napatampal ako sa noo ko. Ganito pala s’ya mag-selos. Mukhang manununtok.

"Ha-ha. Boss, joke lang iyon. Ikaw naman naniwala ka agad sa akin. Hindi kana nasanay sa akin. HA-HA. Naku tara na nga. Paniguradong kanina ka pa hinihintay ng mga ka-meeting mo." kinakabahang hinawakan ko siya sa kamay. Pero napabitaw agad ako sa kaniya nang may naramdaman akong kakaiba. Para bang bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa sistema ko noong nahawakan ko s’ya.

Gulat na napatingin ako sa kaniya. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita kong naka-tingin din siya sa akin. Seryosong expresyon lang ang makikita sa mukha niya. Wala nang bakas ng galit ang makikita sa mga mata nito pero seryoso lang itong nakatitig.

Mas lalong bumilis ang pag-pintig ng puso ko dahil sa tingin na ibinibigay niya sa akin. Iniiwas ko ang mata ko sa kaniya. Nanginginig na hinawakan ko ang dibdib ko.

Naramdaman niya din ba ang naramdaman ko? Iyong kuryenteng dumaloy sa akin noong nahawakan ko ang kamay niya? Naramdaman niya din ba? Eh yung malakas na pagtibok ng puso ko? Narinig niya ba? Naku, huwag naman sana.

Tumikhim ako para maalis ang katahimikan na bumalot sa paligid namin. Sinubukan kong tingnan s’ya kahit na nagha-harumento ng todo ang puso ko.

"S-sorry boss. H-hindi ko sinasadya." nag-kakanda-utal na sabi ko. Seryoso lang ang reaksyon na ipinapakita niya sa akin.

"Next time huwag mo akong hahawakan" seryosong sabi niya. Hindi ko maiwasang masaktan sa sinabi niya.

Huwag siyang hahawakan?

"S-sorry po talaga, Boss" pag-hingi ko ng paumanhin. Tinanguan niya lang ako at pagkatapos ay nagsimula na s’yang mag-lakad papasok sa building niya.

Ako naman ay naiwang nakatulala sa pwesto ko. Ano ‘yun? Ganun na lang iyon. Iiwan niya na lang ako ng mag-isa. Ni-hindi man lamang niya ako niyakag. Tapos sasabihin niya sa akin na huwag ko s’yang hahawakan? Para sayang tanga. Alam niya ba yun? Kanina lang sa Mall noong hinawakan ko s’ya sa pisngi ay para namang gustong gusto niya. Mukha nga siyang maamong tupa noon eh. Naiinis na ginulo ko ang buhok ko. Nakaka-loka s’ya. Ang hirap niyang basahin.

Minsan sweet s’ya at palabiro, tapos magiging seryoso at bugnutin. Aba para talaga siyang tanga. Daig niya pa ang may sakit sa utak eh.

Bumalik na naman si Boss Tyron sa pagiging seryoso at walang pake-alam sa ibang tao. Napalabi ako. Psh. Akala ko nag-bago na s’ya pero hindi pa rin pala.

Ito na nga bang sinasabi ko eh. Mahirap umasa.

Napabalik ako sa realidad nang biglang may tumikhim sa tabi ko. Gulat na napatingin ako sa kaniya.

"Anak ng! Bakit ka ba nanggugulat?" naiinis na binalingan ko s’ya.

Teka, bakit nandito pa rin itong lalaki na ito? Hindi ba s’ya sumunod kay boss?

The Billionaire's SecretaryWhere stories live. Discover now