finale

803 40 6
                                    

Cover photo made by JLblackclandestine
Salamat beh! :)

FINALE

HINDI namalayan nina Dawn at JV na nakatulog pala sila pagkatapos nang madamdaming pag-uusap. Alas kuwatro na ng hapon nang maalimpungatan si Dawn. Napangiti siya nang pagmulat ay ang guwapong mukha ng asawa ang nabungaran niya. She like the feeling na matatawag na niya itong asawa. Dahil totoo ang sinabi niya rito kanina, mag-asawa sila sa papel legally.

Naramdaman niya ang paghigpit ng yakap nito. She missed this. Pakiramdam niya ay nakauwi na siya sa tunay niyang tahanan…sa piling nito. 

Langhap na langhap niya ang mabangong hininga nito, ilang pulgada lang kasi ang pagitan ng kanilang mukha. And she like his scent. She slip under his arms slowly and reach for his under arms. Hindi niya alam kung bakit pero gusto niyang amoyin ang kilikili nito.  Wala namang B.O ang asawa.

“Hey, Baby? What are you doing?” Halata sa boses na kakagising lang nito.

Nakangiting tumingala siya rito. She sees an amusement in his eyes. She bite her lips, para itago pagkapahiya, “I just want to sniff your kilikili, Daddy.”

Natawa ito sa sinabi niya.

“Why?” namumulang tanong niya.

“Nah, ang cute mo lang,” anito.

“Ahm, Daddy,” aniya.

“Yeah?”

“I want to eat chocolate coated rambutan,” nakatungong aniya. Kaya hindi niya nakita ang pagkagulat sa mukha ni JV.

“Meron ba no’n?” anito.

“Hindi ko alam. Basta iyon lang ang gusto kong kaninin,” mahinang turan niya.

“Aw! Okay, hanap tayo ng rambutan. Gusto mo bang sumama?” saad nito makalipas ang ilang minuto.

Sa narinig ay may kakaibang saya siyang nadarama. Gusto niyang maiyak. Noong naglilihi kasi siya kay AV ay hindi niya naranasang maglambing dito kahit na noong hindi pa niya ito iniwan. Sobrang nahirapan siya noon dahil nahihiya naman siyang magsabi kay Manang Lita sa mga pagkaing nais niyang kainin.

“Talaga?” animoy batang tuwang-tuwa na saad niya.

“Yup. Magto-toothbrush lang ako,” anito sabay tumayo.

Tumayo na rin siya para mag-ayos ng sarili. Inalalayan naman siya nito.

Makalipas ang kinse minutos ay nasa daan na sila patungo sa wet market na sinabi ng ina nito. Nagpaalam kasi sila sa ginang na lalabas saglit. Hindi naman niya nakita si Haidie. Pero nagbilin ang ginang na kailangan bago mag-alas syete dapat ay nakabalik na sila.

Nakabili sila ng rambutan sa palengke at nagpabili na lang siya ng isang garapon ng nutella sa supermarket. Pagkatapos no'n ay niyaya na niya ang asawa na bumalik na sa bahay ng mga magulang nito.

Napansin niyang wala ang magulang nito kahit si Haidie ay hindi niya nakita. Si AV naman ay nakita niyang naglalaro kasama ni Hanz.

“Mommy, Daddy saan kayo galing?” Nakahawak sa bewang nito ang mga kamay na animo'y tatay na nahuli ang anak na nakipagtanan. Matatas na kasi itong magsalita sa edad na apat taong gulang at ilang buwan pa bago ito maglimang taon.

“May binili lang kami sa labas, Baby. Gusto mo bang kumain nitong rambutan?” nakangiting sagot ni Dawn sa anak. Alam niyang mahilig sa prutas ang anak kaya dinamihan nila ng bili at ipinagbili din nila ito ng kahel.

“Busog pa po ako,” anito.

“Okay,” sagot na lang nila rito.

“Laro na po kami ni Hanz, Mommy,” paalam nito, humalik muna ito sa kanila bago bumalik kay Hanz.

I LOVE YOU STILLWhere stories live. Discover now