c5

581 23 0
                                    

Cover photo made by JLblackclandestine
CHAPTER 5

PAKIRAMDAM ni JV nang mga sandaling iyon ay para siyang tinakasan ng lakas. Nakasalampak lang siya sa sahig at nakasandig sa closet. His body and mind are not functioning. Knowing na, wala na ang mga gamit ng dalaga ibig sabihin ay hindi na ito babalik.  Kasi never pa nitong ginawa iyon. He remembered her said long time ago, nang mag-away silang dalawa dahil sa sobrang pagseselos niya.

“Huwag mo akong galitin nang todo, John Vhil, dahil sinisiguro ko sa ’yong pagsisisihan mong ginalit mo ako nang sobra! And I swear, hinding-hindi mo ako makikita, na kahit ang pamilya o mga kaibigan ko ay hindi alam kung saan ako! Don't dare try me!”

Hindi niya alam na nagalit ito sa kaniyang ginawa. They were okay. Okay pa sila kanina bago siya umalis ng condo niya. Naglalambingan pa sila kanina. He never had a clue na galit ito. Alam kasi niya kapag galit ito, dahil hindi siya nito iimikin nang ilang oras. Kapag humapa na ang galit nito ay saka lang siya nito kakausapin. Ito na rin kasi mismo ang nagsabing kapag galit ito ay hayaan lang itong manahimik dahil baka kung ano ang masabi nito.

“Baby, I am sorry. Please, come back,” mahinang usal niya habang nakayukyok ang kaniyang ulo sa pagitan ng kaniyang tuhod.

Napatingala siya para pigilan ang luhang nais na kumawala sa kaniyang mga mata. Hindi sinasadyang mapatingin siya sa sidetable ng kama. Naroon ang garapong ibinigay nito. Tumayo siya at pilit na lumapit doon, para kasing mabubuwal siya ng mga oras na iyon. Nang makalapit sa kama ay kinuha niya ang garapon at naupo sa sahig. Sumandig siya sa kama na animo'y roon siya kumukuha ng lakas.

Tinitigan niya nang mabuti ang nasa loob. Parang karne ang hitsura nito. May nakikita siya parang hugis palaka sa gitna.

“Baby, is this the prize that I got for wanting you out of our life? Patawarin mo si Daddy, Baby. Naging makasarili ako. I know, I can not bring you back. I am a coward to face my responsibility for being a father. I am such a bastard. Patawarin mo ako. Hindi lang ikaw ang nawala kundi pati  ang Mommy mo dahil sa kagaguhan ko. I am so sorry, Baby. Whenever you are right now, please hear me. Guide your Mommy,” umiiyak na usal ni JV habang yakap-yakap nang mahigpit ang garapon.

Paulit-ulit siyang humihingi nag kapatawaran sa anak hanggang sa makatulog siya.

“Baby, come back. Promise, gagawa tayo ng baby kahit ilan pa. Hindi na ako magagalit, just come back to me,” lumuluhang na usal ni JV habang tulog ito.

Mabuti na lang at walang ibang tao sa unit niya maliban sa kaniya. Dahil sinumang makakita rito ay maaawa sa kalagayan niya. Hindi nga siya lasing sa alak pero lango naman siya sa pagsisisi.

Kinaumagahan ay nagising ang binata na ganoon pa rin ang posisyon. Masakit ang buo niyang katawan dahil doon. Napangiti siya nang mapait nang masilayan ang garapong yakap pa rin niya.

“Baby, hahanapin natin si Mommy, huh. Tulungan mo si Daddy,” kausap niya sa embrayong nasa loob ng lalagyan.

Tinawagan muna niya ang magulang na hindi muna siya makakapasok ng ilang araw. Umaasa siyang makikita pa niya ang dalagang minamahal.

Inayos niya ang kaniyang sarili, bagaman halata sa mata niya pamamaga ay hindi niya pinansin  iyon.

“Baby, dito ka lang, ah. Hahanapin ko si Mommy,” parang baliw na kausap niya sa garapon.

Kumain muna siya bago tinawagan ang pamilya nito. Pero wala raw alam ang mga ito kung nasaan ang dalaga. Idinahilan niya na lang na nagkaroon sila ng tampuhan. Agad din siyang nagpaalam sa mga ito at sunod niyang tinawagan ay ang hospital na pinagtatrabahuan nito. Pero ganoon pa rin. Naka-indifinite leave raw ang dalaga at wala umanong alam ang mga ito kung nasaan si Dawn.

I LOVE YOU STILLWhere stories live. Discover now