c11

673 26 2
                                    

CHAPTER 11

MULA nang ipakilala si JV ng dalaga sa anak ay araw-araw na siyang naroon sa bahay ng kaniyang mag-ina. Kung dati hatid-tanaw niya lang mula sa malayo si AV kapag papasok, ngayon ay siya na mismo ang naghahatid at sumusundo sa anak sa paaralan nito.

“Daddy, why po hindi ka namin kasama ni Mommy rito sa bahay?” Nakita niyang muntik nang mabilaukan si Dawn sa itinanong ng anak, kaya mabilis siyang tumayo mula sa kinauupuan at agad na dinaluhan ang dalaga.

Kasalukuyan silang kumakain ng hapunan. Nakasanayan na niyang kasabay ang mag-ina sa pagkain tuwing gabi. Sa una ay matatalim na irap ang binibigay sa kaniya ng dalaga, ngayon ay hindi na. Pero hindi pa rin siya kinikibo ni Dawn. Tumatango lang ito sa kaniya kapag binabati niya at agad ding magkukulong sa silid nito. Lalabas lang ito kapag kakain o  magluluto tuwing nasa bahay siya nito.

Aaminin niyang nahihirapan at nasasaktan siya sa pinapakita sa kaniya ng dalaga. Pero kaya niya itong tiisin para lang makasama ito at si AV.

“Eh, kasi Baby hindi puwede si Daddy rito. Baka magalit si Mommy,” masuyong paliwanag niya sa anak nang makitang okay na si Dawn.

May napapansin din siya dalaga. Medyo umumbok ang bandang ibaba ng tyan nito.  Hindi siya manyak pero napansin din niyang lumaki ng bahagya ang dibdib nito, pati ang balakang nito. He even noticed na lagi nitong suot ang kaniyang checkered polo. Pero isinawalang-kibo niya na lang iyon dahil baka mas magalit ito sa kaniya kapag sinabi niya.

Okay na sa kaniya na hinahayaan siya nitong dalawin ito at si AV. Araw-araw siyang may pasalubong dito at sa anak. Kung hindi bulaklak ay ang paborito nitong sneakers at mars na tsokolate ang kaniyang dala. Tahimik naman nitong tinatangap. At hahayaan na siyang asikasuhin si AV pagkatapos.

He knows she still cares. Kapag kakain ay si Mhel ang inuutusan nitong yayain siya. Isang beses niya itong tinangihan pero nakakamatay na irap ang sagot nito sa kaniya. Kaya mula noon doon na siya kumakain sa gabi.

“Ahm, Baby,” tawag niya sa dalaga pero...

“Why po, Daddy?/ What?” sabay na sagot ng mag-ina.

“Ahm, AV, I am refering to your Mommy,” kamot-ulong aniya sa anak.

“Eh, Daddy, hindi ba baby pa rin ako? Baby nga tawag sa akin ni Mommy, eh,” nakangusong sagot ni AV na ikinatawa niya.

“Okay, from now on, Mommy na tawag ko sa Mommy mo,” nakangiting  aniya sa anak. Nakita niya sa peripheral vision niya na namula ang dalaga pero hindi naman ito nagsalita.

“Eh, Daddy, anak ka rin po ni mommy?”

“No, baby. I am your daddy, remember?” sagot niya sa anak.

“Then, why you call her mommy rin po?”

“Kasi para hindi ka na malito kung sinong baby ang tinatawag ko,” paliwanag  niya sa anak.

Mula nang naging parte ng buhay niya si AV  at hindi matatawarang saya  ang nararamdaman ni JV. Pero nararamdaman pa rin niya ang kahungkagan.

“Okay po. Pero daddy where ka po umuuwi?”

“To my condo, Baby,” nakangiting sagot niya.

“Daddy, can I sleep beside you tonight  po?”

“Ahm Baby, malayo kasi ang condo ni Daddy. And besides baka magalit ang mommy mo,” malumanay na paliwanag ni JV dito.

Pinakiramdaman niya ang dalaga na sige lang sa pagkain. Pero alam niyang nakikinig sa usapan nilang mag-ama.

“Mommy, can I sleep beside daddy po ba?” Baling ni AV sa ina, pati si JV ay naghihintay ng sagot mula dito.

“Maybe some other time, Baby. Gabi na kasi para sumama ka sa daddy mo at baka pagod siya,” mahinahong sagot ni Dawn.

“Ay ganoon po ba?” malungkot na saad ni AV. Kitang-kita niya ang disappointment sa mata  nito. Napansin din niyang natigilan si Dawn sa reaksyon ni AV.

“Okay. Your dad will be sleeping beside you. He can stay for tonight kung okay lang sa kaniya,” saad ni Dawn makalipas ang ilang minutong pananahimik.

Nakaramdam ng galak ang binata sa narinig mula sa dalaga, kaya napangiti siya ng lihim. Na agad din nawala sa dinugtong nito.

“You can sleep at our room. Doon na lang ako tatabi kay Mhel,” dagdag nito.

He was disapppionted. Pakiramdam niya ay binigyan siya ng panandaliang kasiyahan na agad ding kinuha. He remain silent. But it seems that things were on his side.

“Ay. Akala ko makakatabi ko kayo po ni Daddy,” malungkot na saad ni AV.

Nakita niyang muling natigilan si Dawn, mangiyak-ngiyak kasi si AV. Pero hindi na nagsalita pa ang anak.

Dawn sigh heavily, “Okay. We will sleep together. Just this once,” pasukong anito.

Pagkarinig sa sinabi ng dalaga ay agad na nagtatalon si AV. Siya namang tunog ng cellphone ni JV.

It is his mom. Nag-excuse muna siya sa dalawa nang mapatingin sa kaniya si Dawn. Lumayo siya ng bahagya sa mag-ina para sagutin ang tawag.

HINDI alam ni Dawn ang isasagot sa anak nang umungot ito na gustong katabi ang ama sa pagtulog. She saw him smile secretly pero hindi na lang niya pinansin ang binata. Her son knows how to make her say yes. Kaya pagkakitang naiiyak ito ay pumayag na lang siya.

“Ahm, Mommy,” tawag sa kaniya ni JV. Naiilang siya kapag tinatawag siya nitong mommy. Mas okay pa nga sa kaniya ang 'baby' pero dahil alam niyang madaldal ang anak at matanong pa ay hindi na lang siya kumibo.

Sa murang edad ni AV ay matatas na itong magsalita at mapagmasid sa paligid. Kaya tuloy minsan napapaisip siya kung kanino ito nagmana.

Lumayo ito nang kaunti nang tumunog ang tawagan nito. Makalipas ang ilang minuto ay bumalik din ang binata. Nakatingin ito sa kaniya at nag-aalangan kung kakausapin ba siya o hindi.

“What?” padaskol na tanong niya rito.

“Eh, Mom wanted to see you and AV tomorrow, lunch time. I told her I'll ask you first,” kamot-ulong anito.

Now, hindi na niya talaga alam kung ano isasagot. Ayaw niyang pumunta pero nahihiya naman siya sa ginang na tanggihan ang paanyaya nito.

“Okay,” sagot niya at tumayo na sa hapag. Kanina pa kasi siya tapos. Mabuti na lang at sabado bukas kaya hindi kailangang mag-absent ni AV.

Nahagip ng mata niya ang orasan. Alas otso pa lang nang gabi.

“Mhel, wala ka bang pasok bukas?” tanong niya sa dalagita. Hanggang sabado kasi ng hapon ang pasok nito.

“Wala po, Ate. May pupuntahan daw po mga guro bukas kaya wala po akong pasok,” sagot naman nito na nagsimulang ligpitin ang kanilang pinagkainan.

“Sige. Aalis tayo bukas ng alas dyes ng umaga,” aniya.

“Okay po.”

Alas nuwebe na nang makatulog si AV. Nasa pagitan nila ito ng binata. She is uncomfortable, pero nagugustuhan niya ang isiping buo silang tatlo at magkakasamang nakahiga sa iisang higaan. She is about to drift, nang maramdaman ang pagbangon ng binata. Kaya napamulat siya.

“Where are you going?” tanong niya.

“AV is already sleeping. I think I should go now. Susunduin ko na lang kayo bukas,” mahinang sagot nito. There is a hint of hesitation on his voice. Kaya alam niyang labag sa kalooban nito ang umalis. 

Hindi niya pinahalatang nasaktan siya sa pagpapaalam nito.

“So, you can't stand sleeping beside us. If that’s your will, go. Baka kanina pa naghihintay ang nobya mo,” malamig na turan niya. Tumalikod siya mula sa anak at sa binata. It’s her another way of saying na ayaw niya itong umalis.

Hinamig niya ang sarili para huwag tumulo ang kaniyang luha. She hate this. Kunting bagay lang ay naiiyak na siya at nagiging sensitive. She wanted to curse her pregnancy hormone. Hindi pa siya nakapagpa-check up. But she is pretty sure na buntis siya. Apat na beses na kasi siyang na-pregnancy teat at lahat ay positive.

Hindi pa rin niya masabi sa binata na dalawang buwan na siyang buntis. Natatakot siya kahit na nakikita niya kung gaano kamahal ni JV si AV. She is lost in her thoughts. Kaya hindi niya namalayang umiiyak na pala siya at nasa harapan na niya ang binata. Mataman siya nitong tinititigan naka-squat ito kaya magkapantay ang kanilang mukha. Nagkasalubong ang kanilang paningin. Banaag sa mata nito ang pagmamahal habang nakikipagtitigan sa kaniya.

“You are crying, why? You don't want me to go?” He cope her face with his right hand and wipe away her tears.

Hindi siya sumagot dito. A gentle and sweet smile paints on his face. Dahan-dahan nitong inilapit ang mukha sa kaniya and kiss her on forehead.

“Mommy, pinagsisisihan ko ang ginagawa ko noon. I realized how bastard I am doing that to you. I realized how lucky I had been, having you around. But I just taken you for granted when I learned about your pregnancy. Natakot ako noon. Nasasaktan ako nang sobra kapag nakikita kong umiiyak ka nang palihim,” he confessed and  started to cry. “I-i can not forgive myself putting you in misery. Since the day you left me, half of me died. Since then, I prayed that somehow you come back to me and I promised, na babawi ako sa ginawa ko. I even told myself, kahit ilang anak ang gusto mo hindi na ako magagalit.” He wipe his tears as he finish talking.

Kahit siya ay hindi maampat ang luha sa naririnig mula rito. Pero naroon pa rin ang takot. She even smile, nang sinabi nitong kahit ilang anak pa ang gusto niya.

Really? Puwede palang kiligin ka kahit tumutulo ang luha? She wanted to laugh out loud dahil umiiyak ang binata right in front of her, confessing. Isn’t it wonderful? For her a man in tears confessing face to face to the woman he love is overwhelming. Lalo pa at banaag niya ang katapatan sa mga mata nito. Ramdam niya ang katotohanan sa boses nito. Alam niyang mahal niya ang binata at ganoon din ito sa kaniya.

She never did stop loving him BUT the fear and the trauma that he gave her almost six years ago was still there. The wound was just healed and was just starting to develop into a scar. Alam niyang, no one can ever heal her except JV but she don’t know why she is still hesitant to give in fully to him.

“And Dawn, since the day that I love you until today ay ikaw lang ang babaeng bumihag sa puso ko. Sinakop mo ang buong sistema ko. Nilamon mo ang atensyon ko. Dinala mo sa iyong pinatunguhan ang buong ako. I will never be me if not because of you. Dahil ikaw lang mula noon hangang ngayon. And I promised myself the day that we became one again, to win you back no matter what,” pagpapatuloy nito. “Don’t cry,” anito sabay pahid ng mga luhang patuloy sa pagbaha sa kaniyang mga mata.

Dahan-dahan siyang bumangon at inalalayan naman siya nito. Agad siya nitong niyakap nang maayos na siyang nakabangon.

Yakap na puno ng pagmamahal.

Yakap na puno ng pangungulila.

Yakap na puno ng pag-iingat.

At ang mga yakap na ito ay parang apoy na tinutunaw ang nagyeyelong takot niya sa dibdib. She hug him back.

“That’s enough. Matulog na tayo. I will not leave. And starting tomorrow we will start from the beginning and take things slowly. Just let me heal the wound that I gave you. Let me be in your life again. Mahal na mahal kita, Baby. Mahal na mahal. I will wait for the day that you will love me again,” anito.

Hindi na siya sumagot pa sa tinuran nito. Tahimik lang siyang nakayakap dito. She wanted him beside her right now. That’s all she wanted. Tama ito, they will take things slowly but surely.

Kumalas ito saglit sa kaniya. “Wait, Baby. Aayusin ko lang si AV.”

Inusog nito si AV sa puwesto nito kanina. Mabuti na lang at pader ang nasa tabi ng hinigaan ni JV kanina. Nilagyan lang nito ng unan sa gilid para hindi mauntog doon si AV. Nakuha naman niya ang ibig sabihin ng binata kaya umisod siya papunta sa gitna kung saan nakapuwesto si AV kanina. Nang maayos na si AV ay nahiga ang binata sa puwesto ni Dawn kanina.

She hug AV. Pinaunan naman siya ng binata sa braso nito at niyapos siya sa bewang. Mahigpit ang pagkakayapos nito, animoy takot na mawala siya. Bahagya naman siyang umisod palapit dito kahit nakatalikod siya  kay JV. Dahil kakagaling lang sa iyak ay tinamaan na siya ng antok. She is slowly drifting to sleep again. Naramdaman niya ang paghalik nito sa kaniyang buhok. He burried his face at her neck.

She smile and sleep. It was the most peaceful sleep they had for the past six years.

I LOVE YOU STILLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon