C3

436 19 0
                                    

CHAPTER 3

PARANG bombang sumabog kay JV ang sinabi ng doktor. Hindi niya alam kung ilang oras siya nakatulala habang nakatunghay sa wala pa ring malay na dalaga.

“She is pregnant, how come? Alam kong nagpi-pills siya. At wala naman siyang nabanggit na itinigil ang pag-inom nito,” kausap niya sa sarili.

Hindi niya alam kung paano mag-react. Dahil ang totoo, hindi niya inaasahan ang balitang ito at hindi niya napaghandaan. Even he, himself is not yet ready to be a father. Nagsisimula  pa lang siyang maabot ang kaniyang pangarap. And everything is moving smoothly as he want it to be. Her pregnancy is out of his plan as of now.

He is disappointed. Hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang nobya paggising nito.

“Why, Dawn? Why?” bulong niya habang nakatingin lang sa dalaga.

Nakita niyang nagigising na ito. Napabuntong hininga siya. Ang pag-alala niya kanina nang mahimatay ito ay napalitan ng tampo at nararamdaman niyang hindi lang ordinaryong tampo iyon. And he can't stop this emotion.

“How are you feeling?” malamig na tanong niya rito ng tuluyang magmulat ang mga mata nito.

“Huh?” Confusion was written on her face.

“Kumusta ang pakiramdam mo?” muling tanong niya na malamig pa rin ang tinig.

Nakita niya ang pagkagulat  sa mukha nito. Marahil ay dahil sa tono ng boses niya. He can't help it, disappointment is eating him.

“I-i am fine. W-what happened?” tanong nito. And he could sense na anytime ay tutulo ang luha nito. Alam niyang mababaw ang luha nito at marahil ay naninibago ito sa kalamigang ipinapakita niya.

“You passed out one hour ago at the bathroom after you vomit,” he blankly stated.

Natahimik ito sa kaniyang sinabi.

“Why?” nanggigigil niyang tanong dito.

“Huh?” naguguluhang tugon lang nito. She still disoriented, dahil kakagising lang nito.

“Bakit ka nabuntis, Dawn? Hindi ba pinag-usapan na natin ito?” mahinahanong tanong niya.

“I-i am sorry,” nakatungong sabi nito.

Hindi niya napigilan ang sarili. Ang kaninang tampo at napalitan ng matinding galit. He knows it, sinadya nitong magpabuntis. Alam niyang nais na nitong magka-baby na sila, but he is not yet ready.

Sinuntok niya ang konkretong dingding na nasa headboard ng kama kung saan nakapwesto ang dalaga. Gusto niyang magwala.

What will he do?

Napatingin siya rito nang marinig ang mahinang hikbi nitong pilit na tinatago. He knows her. Ayaw nitong ipakita kahit kanino ang pag-iyak nito. Kahit sa kaniya ay hindi nito ipinapakita.

And he hate it when she is crying. Para siyang binuhusan ng isang baldeng yelo nang mapansing nanginginig na ito. Takot ito sa mga taong galit lalo na kapag dito nagagalit. Agad niya itong nilapitan at niyakap ng mahigpit.

“Damn!” napamura siya sa sarili. She is uncontrorable shaking because of fear. At lumalakas ang hikbi nito.

“Stop crying will you?” he hissed at her.

She did her best not to let out a sob again. But her body is still shaking. Naaawa siya rito. He did not know the reason why she had this kind of fear.
He is still mad but seeing her shaking out of fear to him make him forget the reason why he is mad at her. He will deal with it some other time. As of now, kailangan niya munang patahanin ang dalaga. He can't stand seeing her like this.

“Tahan na. Sorry,” pang-aalo niya rito. But the coldness in his voice was still there. Nang tumahan na ito ay nagpaalam sila sa magulang niya na umuwi na sa condo. Hindi niya pinaalam sa magulang niya ang kalagayan ni Dawn. Hindi naman umiimik ang dalaga. Nagpapatianod lang ito sa kaniya.

Hinatid lang niya ang dalaga sa condo niya at agad ding umalis. Kailangan niyang mag-isip. He wanted to get wasted, pero baka mapaano lang siya. Napadpad siya sa Quiapo church. Kahit gabi na ay marami pa ring tao. Gusto niyang pumasok sa loob ng simbahan pero parang may kung anung pumipigil sa kaniya. Kaya nagpasya siyang maglakad-lakad na lang.

SAMANTALA, si Dawn naman ay tulala lang mula kanina. Hindi niya napaghandaan ang ganoon kaaga malaman ng binata na buntis siya. Alam niyang ayaw pa nito magkaanak sila. Pero siguro nga kahit anong pag-iingat ang kanilang gagawin kung para sa kanila ang bata ay ibibigay talaga sa kanila.

“Baby, help Mommy  convince Daddy, huh. Please, bear with me  Huwag kang bumitiw kay Mommy, ah,” sambit niyang  animo'y nasa harap lang niya ang kinakausap habang marahang hinahaplos ang kaniyang flat pang tiyan.

She wanted this child, but she can't lose JV. Lalo na ngayon at kailangan niya ito. Bilang nurse ay  alam niya ang mga pagdadaanan ng isang buntis. And she is ready for it. Pero sa nakitang reaksyon ng nobyo kanina ay hindi na niya alam ang gagawin.

Pagkahatid sa kaniya ng binata ay agad din itong umalis nang walang paalam. She was scared earlier seeing him mad. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang takot niya sa mga taong galit na galit.

Dala marahil ng matinding iyak kanina ay nakatulog ang dalaga sa sala na hindi niya namamalayan. Hindi niya alam kung ilang oras siyang nakatulog. Nagising na lang siyang madilim ang paligid. Mahilo-hilong bumangon siya at kinapa ang switch ng ilaw. Pagtingin niya sa orasan sa ding-ding ay alas otso ng gabi.

“Gabi na pala. I need to cook, bago pa bumalik si JV,” sambit niya sa sarili.

Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa  kusina dahil pakiramdam niya ay umiikot ang buong paligid. Malapit na siya sa kusina ng bumukas ang pinto ng condo. Napangiti siya ng makita ang binata. Pumihit siya papunta rito upang salubungin pero hindi niya nakayanan pa ang hilong nararamdaman. Kaya namalayang na lang niyang unti-unti na siyang natutumba. Naramdaman niyang may sumalo sa kaniya bago pa siya tuluyang mawalan ng ulirat.

NAGISING siya dahil sa kalam ng sikmura.  Agad siyang bumangon pero dagli ring napahiga nang maramdamang nahihilo pa rin siya. Doon niya napansing nasa silid na siya at katabi niya ang binata na nakahigang patalikod sa kaniya.

Nais sana niyang gisingin ito pero nag-aatubili siya. Ilang segundo lang ang lumipas ay narinig niya ang pag-alburuto ng kaniyang tiyan. Kagat-labing tinapik niya ang binata.

“What?” inis na tanong nito marahil ay nadisturbo ang tulog. Dala siguro ng pagbubuntis at agad na nagbantang tumulo ang kaniyang luha. Huminga muna siya ng malalim upang kalmahin ang sarili.

“I am hungry,” mahinang saad niya rito.

“Wala sa akin ang kaldero!” pabalang na sagot nito at muling tumalikod at nagtalukbong ng kumot.

Napapikit na lang si Dawn. Kinalma muna niya ang kaniyang sarili at hinintay na humupa nang bahagya ang kaniyang pagkahilo. Nang sa tingin niya ay kaya na niya, dahan-dahan siyang bumangon at kinapa ang ding-ding para doon kumuha ng suporta upang hindi siya matumba. Maingat siyang lumabas ng silid para hindi magising ang binata.

Pagdating niya sa sala ay doon niya pinakawalan ang luhang kanina pa nagbabadya. Agad niya ring pinahid iyon ng kumalma siya nang bahagya. Napatingin siya sa orasan, alas onse na ng gabi.

Maingat uli siyang naglakad patungo sa kusina. Alam niyang walang puwedeng initin doon dahil ilang araw nang sa labas sila kumakain.

May nakita siyang mansanas at ilang klase pa ng prutas. Kumuha siya ng tig-isa at hiniwa ng maliliit at inilagay sa medyo malaking soup bowl. Nagtimpla siya ng gatas at inihalo sa mga prutas. May nakita rin siyang strawberry jam kaya nilagyan niya rin ng ilang kutsara ang prutas na may gatas. 

Ilang minuto lang ay nilalantakan niya na ang hinandang pagkain. And she is crying while eating. She is really hurt the by the way he is treating her. Pagkaubos niya ng kinakain ay naghahanap naman siya ng hamburger at spaghetti. Pero alam niyang alanganing oras na para lumabas. And her eyes starts to water again.

Then she remembers, may fastfood chain palang twenty four hours na bukas sa ground floor lang ng condo ng binata. Marami kasing mga bata sa building na iyon. Sinipat niya ang kaniyang sarili kung maayos ang suot niya. Doon niya napagtantong hindi pa pala siya nakapagbihis mula nang dumating sila galing sa bahay ng mga magulang ng binata. Tumayo siya para kunin ang kaniyang wallet sa kwarto pero namataan niya ang kaniyang bag na nasa sala pa.

Napabuntonghininga na lang siya at kinuha ang  wallet at susi ng unit ni JV at lumabas.

“Good evening po, Ma’am,” bati sa kaniya ng night guard pagkapasok niya sa loob ng Jollibee. Ngiti lang ang isinagot niya rito.

May mangilan-ngilang kumakain kaya, dumiritso na siya sa counter para mag-order mabuti na lang at hindi mahaba ang pila.

“Good evening, Ma’am. Welcome to Jollibee. Ano po ang order nila?” nakangiting bungad sa kaniya ng cashier nang siya na ang mag-o-order.

“Miss, isang champ, isang jolli spaghetti with two pieces chicken, isang set ng pie at isang large na pineapple juice,” nakangiting saad niya. Nakita niyang napanganga ang cashier sa order niya. Siguro ay nakita nitong mag-isa siyang pumasok. Pero agad din itong nakabawi. Inulit nito ang kaniyang order.

“Ma’am, for dine-in po ba?” tanong nito.

“Yup. Thank you,” masayang tugon niya rito.

Makalipas ang ilang minuto ay kumakain na siya sa isang mesa na medyo tago. Nilantakan  niya ang order niya at wala siyang pakialam kung nagmumukha man siyang gutom na gutom.

“Baby, nabusog ka ba?” nakangiting kausap niya sa sarili habang hinihimas ang ang busog na busog niyang tyan. Pakiramdam niya ay ang saya-saya dahil nakakain siya ng pagkaing hinahanap ng kaniyang katawan. Saglit niyang nakalimutan ang binata. Pagkatapos niyang kumain at tumayo na siya at dumaan pa sa counter para bumili ng french fries.

Nakangiting bitbit niya ang fries pabalik sa third floor kung nasaan ang unit ng binata.

Nagulat siya nang pagbukas niya ng pinto ay may humaklit sa kaniyang braso. Agad na lumarawan sa kaniya ang takot. Ang kaninang magandang ngiti habang bitbit ang fries ay napalitan ng takot  nang makita ang galit na galit na mukha ng binata.

“Where the hell havee you been?!”

“J-JV,” nangangatal na boses na saad niya.

“I said, saan ka galing?!” tanong uli nito sa kaniya.

“K-kumain lang a-ako sa baba,” sagot niya rito.

“Kumain? Lumabas ka nang hindi nagsabi? Alam mo ba kung anung oras na, ha?”

“S-sorry,” tanging sambit na lang niya. Pinipigil niya ang luhang nais na namang tumulo. Masakit ang kaniyang braso dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa kaniya.

Mahinang hikbi ang kumawala sa kaniyang bibig. Hindi na niya kasi kayang pigilin pa ang luha. She is hurt. Badly hurt. Not just the way he grip her arms but she is hurting inside, seeing how cold and angry he is to her right now. Naramdaman niya ang pagbitiw nito sa kaniya.

“Pagkatapos mong kainin iyang dala mo matulog ka na,” malamig na saad nito.

Tumalikod ito sa kaniya at bumalik sa kanilang silid. Pabalyang na isinara ang pinto. Para siyang nauupos na kandila mabuti na lang at malapit siya sa sofa. Kaya kumapit siya roon at  umupo. Doon niya ibinuhos ang sakit at luha na kanina pa nadarama.

“Baby, I am sorry. Nagiging iyakin si mommy. Don't worry, mahal tayo ng Daddy mo. Nagulat lang siya,” umiiyak na sambit niya. Nang mahimasmasan siya dahan-dahan siyang humiga sa sofa at hindi namalayang nakatulog pala siya. Hindi na niya nakain ang french fries na dala.








I LOVE YOU STILLWhere stories live. Discover now