C10

641 27 0
                                    

CHAPTER 10

“TSK! Tarantadong ‘yon. May lahi pa yatang sharp shooter!” bulalas ni Dawn habang nakatingin sa hawak na pregnancy test kit.

Nasa silid siya nilang mag-ina. It's only ten in the morning. Pero tinatamad siyang bumangon. Napilitan lang siyang bumangon kaninna dahil parang hinahalukay ang kaniyang sikmura. Kaya agad siyang nagtungo sa banyo at doon dumuwal pero wala namang lumabas. Kinutuban siya dahil dito, kaya kinuha niya ang PTK na nasa bag niya. Nang makita ang resulta ay binitbit niya ito pabalik sa silid. Hindi niya alam kung paano mag-react.

“Magkakaroon na ng kapatid si AV. No worries, baby, Mommy’s gonna love you like kuya,” saad niya sabay haplos sa impis pang tyan.

Halos dalawang buwan na mula nang may namagitan sa kanila ni JV, at ni minsan ay hindi na siya nagpakita rito. Lagi niyang kausap ang mga kaibigan pero hindi pa rin siya nag-open up sa mga ito.

Gusto sana niyang maghanap ng trabaho. Pero nagsimula nang mag-aral si AV at ganoon din si Mhel. Mabuti na lang at panghapon ang pasok ng huli. Sapat pa naman ang naipon niyang pera. At hindi rin niya nagalaw ang laman ng ATM niya, kahit noong na ospital si AV nang walong buwan pa lamang ito. She had another option. Balak niyang maglagay ng tindahan sa harap ng inuupahang bahay o gumawa ng mga made to order pastries.

“Mommy,” narinig niyang tawag ni AV.

Nakangiting lumingon siya rito pero agad ding nawala nang mapagsino ang kasama nito.

“W-what are you doing here?” kinakabahang tanong  niya rito. Bigla siyang nakaramdam ng kaba habang nakatingin kina JV at AV.

Yes it's JV. Karga nito si AV na sa tantya niya ay kagagaling lang sa pag-iyak.

“AV, come here,” nahihintakutang utos niya sa anak.

Agad naman itong nagpababa sa binata at pumunta sa kaniya. She cope his chubby face.

“What happened? Bakit ka umiyak?” masuyong tanong niya sa anak.

“Nadapa po ako sa labas, Mommy. 'Yung kahoy kasi haharang-harang sa daan. Ayaw niya tumabi kaya ako na lang ang tumabi pero pinatid pa rin niya ako.” Nais niyang matawa sa sumbong ng anak.

“Okay. Hayaan mo pagagalitan natin mamaya ang kahoy na pumatid sayo,” nakangiting  alo niya kay AV.

“Mommy, no need na po. He already did, na po,” anito sabay turo kay JV na nakamasid lang sa kanila.

Napatitig siya rito.

Is he crying? Nakikita niya sa mga mata nito ang fondness at pangungulila habang nakatunghay sa kanilang mag-ina. And he is on the verge of tears, pero pinipigilan nitong tuluyang bumagsak ang mga luha.

“Baby, go change your clothes na. Ask Ate Mhel to help you.” Agad namang tumalima si AV palabas ng silid nilang mag-ina.

Tumayo siya at lumapit sa binata.

“I said what are you doing here?” matigas na tanong niya dito.

Napalunok ito habang nakatitig lang sa kaniya imbes na sumagot. He is particularly looking at her body. Kaya napatingin din siya sa sarili. Nais niyang sabunutan ang sarili dahil hindi pa pala siya nakapagbihis.

She is only wearing HIS checkered polo na lagi niyang suot noon. And aside from that ay tanging underwear lang ang suot niya. In short she is only wearing two piece clothes.

“Tssk! Bastos! Stop staring baka gusto mong tusukin ko iyang mata mo?” sita niya rito.

“Sorry,” kamot-ulong wika nito.

“Lumabas ka nga! Nakakasura iyang pagmumukha mo!” Nakaramdam kasi siya ng hilo sa amoy ng pabango nito.

“I just wanted to talk to you, Baby, please,” pakiusap nito.

“I said labas!” mahinang singhal niya. “Ayokong makita ka!”

“Please, Baby,” naluluhang saad nito.

“No! Just go out. Out of my life!”  Nagsimula nang pumatak ang kaniyang mga luha. Pakiramdam niya kasi ay para siyang sinaksak sa sinabi niya sa binata.

“No. I don't want to suffer another six years again. Please, let us talk. Hear me out,” anito.

“Stop it right there! Huwag kang lalapit  sa akin,” aniya sa pagitan ng mga luha. She wanted to curse her hormones dahil nagiging emosyonal siya.

“Baby, please,” pagsusumamo nito.

“Labas!”

Nahihilo talaga siya pabango nito kaya minabuti niyang bumalik sa higaan at nagtalukbong ng kumot.

“Get out, JV! Just get out! And get lost!” mahina pero mariing utos niya sa binata.

She heard him sigh, “Okay, I will go out. I will wait for you at the living room. Let us talk. Please. I love you both. You and AV,” anito bago tuluyang lumabas ng silid niya.

Ang kaninang iyak niya ay unti-unting lumalakas. Kinakain siya ng sari-saring emosyon. Pain, anxiety, fear and happiness. Pain from the past na hindi niya alam kung hangang kailan matatapos. Anxiety and fear na baka kapag nalaman ni JV buntis siya sa pangalawa nilang anak ay baka gagawin na naman nito ang ginawa nito sa nakaraan. Fear na baka sa ikalawang pagkakataon ay i-reject na naman ng binata ang kaniyang dinadala. Happiness dahil sa huling tinuran nito bago lumabas ng silid.

NANLULUMONG lumabas ng silid ng dalaga si JV. It's almost two months mula nang may namagitan uli sa kanila ni Dawn. After knowing about AV ay palagi na siyang nakasubaybay sa mag-ina. Bago pumasok sa  opisina ay dadaan muna siya sa bahay ng dalaga at tatanawin ito mula sa malayo. Sinusundan niya mula sa malayo si AV patungo sa day care na pinapasukan nito bago umalis patungo sa opisina niya. At quarter to ten ng umaga ay babalik siya para sunduin ang bata at masigurong nakauwi ito nang maayos kasama ang yaya nito.

Sa hapon naman pagkagaling sa opisina ay dadaan muna siya bahay ng mga ito at tatanawin mula sa malayo ang paglaro ni AV sa labas kasama ang ibang mga bata habang nakatanaw si Dawn sa bata. He will stay until Dawn and JV went inside the house. This is his routine for almost two months.

Hindi na rin niya nakita ang lalaking may buhay kay AV nang gabing sundan niya ito. Pinabackground check niya ang lalaking iyon. Nalaman niyang bumisita lang ito sa mag-ina. Al ang pangalan nito at dating manliligaw ni Dawn.

Nalaman din niya na ang matanda noon sa Quiapo ang tumulong sa dalaga. Nais sana niyang makausap ang matanda para magpasalamat ngunit hindi siya nagkaroon ng pgakakataon. Isang linggo lang itong nanatili sa bahay ng kaniyang mag-ina, at hindi rin lumalabas ng bahay kapag hindi kasama sina Dawn.

Hindi niya masisisi ang dalaga kung bakit ito lumayo sa kaniya at itinago si AV. Ang kagaguhan niya ang nagtulak kay Dawn para iwanan siya. And now he is determine to win them back. Nais niyang makasama ang kaniyang mag-ina. He knows it. AV was his. Dahil ito ang batang lagi niyang napapanaginipan and aside from that ay kamukha niya si AV puwera sa mata nitong nakuha kay Dawn.

Wala sana siyang balak na lumapit sa bata kanina. Pero nag-alala siya ng makitang nadapa ito at umiyak. Maybe father's instinct kaya hindi na niya napigilan ang sariling patahanin ito.


(EARLIER)

“Hello, what happened, baby? Why are you crying?” masuyong tanong niya kay AV.

Napatitig ito sa kaniya saglit bago nagsalita.

“Mommy said, ‘don't talk to strangers’,” humihikbing saad nito. Tiningnan niya ang tuhod nito kung may gasgas o wala.

He is relieve na hindi ito nagasgasan.

“Well, I am John Vhil Almonte. And you?” nakangiting pakilala niya.

“I am Alexander Vhil Almonte po, but you can call me AV,” pakilala rin nito. A sudden joyness filled his heart upon hearing his name. Indeed this mini version of him is his son.

He restrain himself from embracing AV baka kasi matakot ito.

“Ayan ha, I am not a stranger anymore. Now mind telling me what happen?”

“That kahoy po kasi alam niyang dadaan kami ni Ate Mhel hindi po siya naalis diyan. Pinatid po niya ako,” nakangusong sumbong nito sabay turo sa kahoy kung saan ito napatid kaya nadapa.

“Gano’n ba. Salbahing kahoy na iyan pinatid ka,” saad niya. Nilapitan niya ang kalakihang kahoy at itinabi para wala nang may mapatid pa.

“Come, AV. Ihahatid kita sa inyo.” Hindi naman nag-atubili ang bata na magpakarga sa kaniya. Pati ang tagabantay nito ay hindi rin nakatutol, titig na titig kasi ito sa kaniya at kay AV. Marahil ay napansin nitong malaki ang pagkakahawig nila ni AV.

Itinuro ng bata kung saan ang silid nito at ng ina. Naabutan nilang nakatingin sa kawalan ang dalaga habang may hawak itong isang bagay na hindi niya alam.

“ATE, aalis na po ako.” Narinig niyang paalam ni Mhel na nagpabalik sa kaniyang kamalayan sa kasalukuyan.

“Kumain ka na ba?” tanong ni Dawn sa dalagita.

“Tapos na po, Ate,” magalang na sagot ni Mhel.

“Heto ang baon mo.” Sabay abot ng pera kay Mhel.

“Salamat po, Ate,” anito saka umalis na.

“Ate Mhel, pasalubong ko, ah,” pahabol pa ni AV dito.

“Sure ba, AV. Alis na si Ate, ah,” paalam nito sa bata. “Kuya, mauna na po ako,” baling ni Mhel kay JV na nakikinig lang sa mga ito.

“Ano pa ang ginagawa mo rito? Umalis ka na,” malumanay pero may riing saad ng dalaga kay JV.

“Let us talk, Baby, please,” pakiusap niya. Agad siyang tumayo at lumapit dito.

“Stay there. Huwag na huwag lang lalapit sa akin,” anito. “Wala na tayong pag-uusapan!”

“Meron, Dawn. Alam mong meron!” inis na sagot niya pabalik dito.

Nakita niyang tumingala ito. A sign that she will cry any moment. He take a deep breath to calm himself. Hindi niya mapigilang mainis dito.

“Just one question and I will go now,” malumanay na saad niya.

“No! I will not answer any. Just get out,” pumiyok ang boses nito sa huling tinuran. And she starts to cry.

“Mommy, why are you crying?” inosenting tanong ni AV sa dalaga. Nakalimutan nilang nakatunghay si AV sa kanila.

“Tito, why did you make my mommy cry?” A hint of anger is visible on the young boy's eyes.

“No, Baby. It's just that mommy is not feeling well,” agad na sagot ni Dawn sa anak bago pa man makasagot si JV.

“Eh, Mommy. Bakit n’yo pinapaalis si Tito when you are not feeling well?” anito sa ina. “Tito, can you look after me until Ate Mhel is back from school?” Baling sa kaniya ni AV.

“Sure, AV,” he answer without hesitations.

Tiningnan siya ng masama ng dalaga, but he ignored her.

“Anak, baka busy siya. Its only eleven, I think he still had a work,” paliwanag naman ni Dawn ka JV.

“Nope, Baby. Tatawag na lang ako kay Lole. Besides, I am the boss so no worries,” sabad niya sa mag-ina.

“See, Mommy. You take a rest while Tito look after me,” saad ni AV. “But teka lang po. Why you call Mommy 'baby' po? Anak n’yo po si Mommy?” takang tanong ni AV sa kaniya.

He wanted to laugh. But he chose not to. He admires AV dahil napakabibo nito at matalino.

“Nope, blBaby. That is what I used to call her,” sagot nito dito. Nakita naman niyang namula ang dalaga. Hindi na ito umiiyak but her stares were like a daggers. Ngumiti lang siya rito nang matamis.

“AV,” tawag ni Dawn sa anak.

“Yes, Mommy?” Agad namang lumapit dito si AV. Nakamata lang siya sa sasabihin ng dalaga.

“That man,” ani ni Dawn sabay turo sa kaniya, “Don't calm him Tito.”

Hearing what she said stub him straight to his heart. Gusto niyang umiyak dahil na-realize niyang sobra ang pagkamuhi sa kaniya ng dalaga.

“But why po?” inosenting tanong ni AV.

JV is shaking and he is on the verge of tears.

“Call him Daddy, Baby. He is your father.”  Narinig niyang paliwanag ni Dawn sa anak.

Hindi na napigilan ni JV ang emosyon he break down in front of Dawn and AV. He is crying not because he is hurting dahil ayaw ng dalaga na ipatawag siyang tito kay AV. But he is crying because of overwhelming joy. Dahil ipinakilala siya ni Dawn bilang ama ni AV.

Akmang lalapit siya sa mag-ina niya para yakapin ay pinigilan siya ni Dawn.

“Don’t,” anito. Nawala ang kaniyang ngiti ng bahagya.

Akala niya maayos na sila.

“Really, Mommy? I have a dad? He is my daddy?” Bakas sa boses ni AV ang galak sa sinabi ng ina.

Tumango naman dito si Dawn.  Sinalubong niya ng yakap si AV nang tumakbo ito sa kaniya. JV is crying continuously and mouthed thank you to Dawn. Tumango lang ito at tumalikod sa kanila. He even saw her wipe her face. He wanted to hug her too but he respect her.

“I will win you back, Dawn. No matter what, and that’s a promise,” aniya sa sarili habang yakap ang anak pero nakatanaw naman sa silid na pinasukan ng dalaga.

At kagaya ng sinabi niya ay tinawagan na lang ni JV si Lole na i-cancel ang lahat ng appointments niya. He spend the rest of his day sa bahay ng mag-ina.






















I LOVE YOU STILLWhere stories live. Discover now