C4

506 20 0
                                    

Cover photo made by JLblackclandestine

Salamat beh :)

CHAPTER 4

ISANG linggo na ang nakararaan mula nang malaman ni JV na buntis si Dawn. And it breaks his heart, everytime he sees her cry. Pero hindi niya kayang pigilan ang galit. He wanted to hug her tight everytime she cries. He wanted to say sorry and ease the pain that he is giving her. But when he remembers why he is like that.  Nawawala ang awang nararamdaman niya para dito.

“Why do I feel this way? Hindi ba dapat masaya ako dahil magkakaanak na kami, kahit hindi pa kami handa? But why I am mad knowing she is pregnant with our child?”  tanong niya sa sarili.

Nasa opisina pa siya hanggang ngayon kahit alas dyes na ng gabi. Gustuhin man niyang uminom pero alam niyang hindi tatanggapin ng kaniyang sikmura ang alak. 

For one week, lagi siyang umuuwing sobrang late na. At lagi niya itong naaabutang tulog sa sofa, kahihintay sa kaniya na mugto ang mga mata. He sighed, gathered his things and headed home.

Pagdating niya sa kaniyang unit ay nakita niyang gising pa ito. Nakaupo sa sofa at tulalang nakatingin sa telebisyon na nakabukas. Hindi nito alintana ang mga luhang dumadaloy sa mukha nito.

“Shit! JV, look at her. Hanggang kelan mo siya tatratuhing ganyan, huh!” kastigo niya sa sarili.

Akmang lalapitan niya ito ay lumingon ito sa kaniyang gawi. Lumalarawan ang gulat sa mukha nito.

“Baby, tara kain na tayo,” yaya nito sa kaniya nang makahuma.

Nakangiti ito pero bakas sa mukha at mata nito ang lungkot. Hindi niya kayang tingnan ito ng ganoon kaya pabalang niya itong sinagot.

“Busog ako!”

Tuloy-tuloy siyang naglakad papasok sa kanilang silid, agad niyang pinagsusuntok ang dingding. Doon niya inilabas ang frustrations niya. Galit siya. Galit siya sa kaniyang sarili dahil sa pinaggagawa niya sa nobya. Galit siya dahil hindi niya matanggap na buntis ito kahit siya ang ama.

Napansin niya rin ang pangangayayat nito dahil hindi na ito masyadong kumakain.

NAPAIYAK na naman si Dawn pagkapasok ni JV sa kanilang silid. Isang linggo na siyang ganoon. Pilit man niyang iwasang huwag umiyak ay hindi niya magawa. Mabuti na lang at malakas ang kapit ng baby ayon sa doktor na pinatingnan niya. Nag-file siya ng indifinite leave sa hospital na pinagtatrabahuan niya.

“Baby, kapit lang, ah,” kausap niya sa impis niyang tiyan.

Pinahid niya ang kaniyang luha at tumungo sa kusina upang kumain. Habang kumakain ay hindi niya napipigilang umiyak. Kahungkagan ang kaniyang nararamdaman dahil lahat ng niluto niya ay paborito ng binata.

“Baby, kain na tayo, ah. Ubusin na lang natin  itong niluto natin para sa daddy mo. Busog naman daw siya, eh,” malungkot na saad niya.

Mabagal siyang kumain pero hindi niya napansing naubos niya ang adobong baboy na para sa dalawang tao. Naubos din niya ang sinigang na sugpo na may limang malalaking piraso. Hindi rin niya pinalagpas ang binili niyang suman latik na sampung piraso. Pagkatapos niyang kumain ay nilinis niya ang pinagkainan at muling bumalik sa sala para manood ng palabas sa telebisiyon.

Lately ay nakahiligan niyang manuod ng Tom 'n Jerry series sa Cartoon Network. Napapangiti at tumatawa siya mag-isa habang nanunuod kaya kahit papaano ay nakakalimutan niya nang daglian ang sakit. Halos isang oras din siyang nanunuod nang makaramdam siya ng antok. She turned off the television and stayed for a while, dahil medyo nahihilo siya sa antok. Hindi niya namalayang nakatulugan na pala niya ang pagpapahupa ng kaniyang hilo.

I LOVE YOU STILLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon