C8

558 26 4
                                    

CHAPTER 8

HALOS anim na taon na ang nakalipas at maglilimang taon na si AV. Mula nang umalis siya sa Maynila ay wala na siyang balita sa binata at sa kaniyang mga kaibigan. She deactivated her Facebook account. Pero palagi siyang tumatawag sa pamilya niya, to assure them that she is okay.

“Kumusta na kaya mga ungas na iyon?” tanong ni Dawn sa sarili.

Napatingin siya sa hawak na cellphone. Makalipas ang ilang minutong pagtitig sa kaniyang mamahaling cellphone ay pumunta siya sa mobile data sa setting at ini-on iyon. Agad siyang nagdownload ng Facebook application at Messenger. Sinubukan niyang mag-log-in sa kaniyang account and luckily ay nabuksan niya uli ito. Sunod-sunod namang nagsidatingan ang mga messages niya sa kaniyang inbox na mahigit isang libo.

Hindi niya pinansin iyon. Mayamaya lang ay may tumatawag na  kaniyang messenger. Ang kaibigan niyang si Shefee. Napangiti  siya at agad na sinagot ang tawag nito.

“Mahal, kumusta?” nakangiting bungad niya.

“Mahal, ito buhay pa. Ikaw ba? Bakit bigla kang nawala? Saan ka nagpunta? Ano ang nangyari?” sunod-sunod na tanong nito na ikinatawa niya. “Tawa pa more, Mahal,” inis na saad nito.

“Mahal kasi daig mo pa ang nag-i-interrogate sa isang kriminal, eh,” natatawang pa ring sagot niya rito.

“Tsk! Anyway highway, Mahal. Ano na ang sagot sa mga interrogate ko este tanong ko pala,” pangungulit pa nito.

Natahimik siya dahil alam niyang hindi pa siya handang pag-usapan iyon.

“I understand, Mahal. Kapag handa ka na narito lang kami palagi,” muling sambit nito nang hindi siya sumagot.

“Salamat, Mahal.”

“Ay! Oo nga pala, Mahal, bago ko makalimutan huwag kang mawawala sa linggo. Kasal ko. I'll send you the details,” saad nito makalipas ang ilang minutong dumaan ang katahimikan sa kanilang dalawa.

“Ikakasal ka na?” gulat na sagot niya rito.

“Tssk! Mahal, oo. Ang tagal mo kasing nawala, biglaan pa. Si Mahal Weng, six months nang ikinasal. Hindi ka nakarating kaya kailangan dumating ka sa kasal ko, kung hindi mumultuhin kita!” banta nito sa kaniya.

“Titingnan ko, Mahal,” nakangiting sagot niya rito pero ang totoo wala siyang balak na pumunta.

“Abah! Dawn Villa, alam ko na iyan. Subukan mong hindi dumating susugurin ka namin diyan sa pinagtataguan mo!” anito na alam niya tutuhanin nito.

“Hay, nakoh! Sige, Mahal, pero baka hindi ako aabot sa kasal mo. Baka sa reception na ako darating,” sagot na lang niya rito.

“Aasahan ko iyan, Mahal. Kahit ma-late ka basta dumating ka,” tugon nito.

“Okay,” sagot na lang niya. Tumagal pa ng ilang minuto ang kanilang kuwentuhan nang tuluyan itong nagpaalam.

She read the details that Shefee sent her. She sighed. Wala talaga siyang balak na pumunta pero kilala niya ang mga kaibigan niya kaya mapipilitan siyang pumunta.

MAKALIPAS ang isang lingo ay tumulak si Dawn patungong Maynila. Nagpa-book na lang siya ng roundtrip ticket on the same day para makauwi siya kinahapunan. Ibinilin niya kina Manang Lita si AV ganoon din ang tindahan niya.

At kagaya ng inaasahan ay late nga siyang dumating sa reception ng kaibigan. Halos patapos na ang program ng kasal pagdating niya.

She missed them. Halos hindi sila maubusan ng kuwento. And before  they bid goodbyes that day ay ibinigay niya sa mga ito ang kaniyang numero.

After a month ay nakatangap siya muli ng tawag mula kay Shefee. Telling her to come a week after, dahil magpo-propose raw ang boyfriend ng kaibigang si Haidie rito at kasama na ang pamamanhikan. At kagaya nang una ay hindi siya nakatanggi sa kaibigan. She just say yes, para hindi na humaba pa ang usapan. And she thinks it’s about time to come back.

Nais daw kasi ng kasintahan ni Haidie na naroon silang magbabarkada sa araw ng pamamanhikan nito. Kaya kinausap umano ng kasintahan ni Haidie si Shefee na sabihan sila. One day before the said event ay muli siyang tinawagan ni Shefee to confirm kung pupunta siya. And she answered her yes.

Nakausap na rin niya si Manang Lita na ito na muna ang bahala kay AV, babalik din siya sa araw na iyon. Pero panggabi pa ang kaniyang flight pabalik ng Iloilo.

“Huwag kang mag-alala, Anak. Hindi ko pababayaan si AV,” saad ng matanda sa kaniya.

“Salamat po, Manang. Aalis na po ako. Bago magtanghali ay nasa Maynila na po ako tatawag na lang po ako sa inyo. O tawagan n’yo po ako kung anuman,” bilin niya sa matanda nang araw na paalis na siya.

Alas sais pa lang ng umaga at alas otso pa ang kaniyang flight. Malapit lang naman sila sa Sta. Barbara  International Airport, pero mas maigi nang maaga siyang pumunta. Minsan kasi maaga sa schedule ng flight ang alis ng eroplano.

Hinalikan muna niya ang natutulog pang anak. Hindi niya rin mawari ang nararamdaman mula pa kasi kagabi ay kinakabahan siya.

SAMANTALA ganoon din ang nararamdaman ni JV. Kagabi pa siya hindi mapakali. Kinakabahan siya na excited. Masaya siya para sa kapatid na si Eleyas. Lalo na ng umuo si Haidie, ang nobya nito. Nasa kalagitnaan na sila ng pagsasaya nang may dumating pang panauhin si Haidie.

Pakiramdam niya ay gustong kumawala sa kaniyang dibdib ang kaniyang puso nang mapagsino ito.

“Huli na naman ako! Haizt!” anito.

Natahimik ang lahat pagkakita sa bagong dating. Pati siya ay hindi alam ang gagawin.  Ang buntis na sina Weng at Shefee ay patuloy lang sa pagpapak ng dalang alimango mula sa Tagaytay.

“Itong dalawang ’to pag-umpugin ko kayong dalawa ni hindi n’yo ako pansin!” may tampong saad ng bagong dating sa dalawang buntis na wala talagang pakialam sa paligid. Hindi yata nito napansin ang nasa paligid na  lalo na ang siya at ang kaniyang mga magulang na hindi rin nakahuma kaagad.

Lumapit ito kay Haidie.

“Best, congratulations sa inyo ni Eleyas! Aba! Sa wakas nagkalakas na rin ng loob itong si Eleyas. Akala ko hihintayin ka pa niyang ikaw ang manligaw sa kaniya!” nakangiting saad nito.

“Alagaan n’yo ang isa't isa. Makakaasa kayong darating ako sa kasal. Teka! Kailan ba ‘yun?” narinig niyang tanong nito sa nobya ng kapatid

“Wala pang date, Best. Pero sasabihin namin kapag naplano na,” nakangiting tugon ni Haidie.

“Okay! Congrats uli sa inyong dalawa. Kanina pa itong dalawang ‘to, eh!” sabay punta sa dalawang buntis.

“Langya naman, oh! Minsanan na nga lang tayo nagkikita, eh. Wala man lang akong welcome hug mula sa inyo?” Napangiti si JV nang marinig ang pagmamaktol nito sa mga kaibigan. Hindi niya akalaing ang tinutukoy nitong Best dati ay siyang mapapangasawa ng kapatid na si Eleyas.

“Nemen, eh! Papatayin n’yo ba ako. Ni hindi n’yo pa nakikita ang inaanak n’yo sa akin!” reklamo naman nito ng dumugin ito ng mga kaibigan.

“Nemen, Mommy Dawn! Sabi mo walang welcome hug ayan na, eh!” natatawang sagot nang nagngangalang Surene o tinatawag ng mga ito na lampa.

Yeah it's, Dawn. Siya ang bagong dating na best friend ni Haidie.

“Kaya nga, Besty, naman alam mo namang laki na ng tiyan ko hirap kayang tumayo!” saad naman ng isang buntis na si Weng na sinang-ayunan ni Shefee.

“Late na ata ako!” Narinig niyang saad ng isa pang bagong dating kaya napabaling dito ang kanilang atensyon na kanina ay nasa kay Dawn.

“Mahal!” sabay na sigaw ng mga magkakaibigan sa bagong dating. Naunang pumunta rito si Dawn at yumakap nang mahigpit. Pakiramdam niya nagsiakyatan sa kaniyang ulo ang lahat ng kaniyang dugo.

Napakuyom siya ng kamao at nagtatagis ang kaniyang bagang. Siya lang dapat ang yayakap kay Dawn! Siya lang! Dahil sa sobrang panibugho ay hindi niya napigilan ang sarili. Dali-dali siya lumapit sa mga ito at hinablot ang LALAKING niyakap ni Dawn at binigyan ng isang malakas na suntok.

Lahat ay napatingin sa kaniya. Si Dawn naman ay namutla at nang makahuma ay namula ito sa galit.

“Ano ba problema mo? Nanununtok ka nang walang pasabi! Puwede ba magtanong ka rin 'pag may time?” inis nitong sita sa kaniya. Doon lang siya natauhan sa kaniyang ginawa agad siyang tumalikod at ngitngit na bumalik sa kaniyang upuan.

Lalo siyang nanibugho nang may pag-alalang nilapitan ng dalaga ang lalaking kaniyang sinuntok.

“Mahal, okay ka lang ba?” tanong ni Dawn sa lalaki.

“Okay lang, Mahal. Nemen, sina Sir Sky at Sir Lewis nga, 'di ako sinapak kahit halos umusok na sa selos, eh! Ava! Hiwalayan mo 'yang bf mo masisira fezlak ko riyan!” Narinig niyang talak ng 'lalaking' sinuntok niya. Agad siyang napalingon sa mga ito. Nais niyang matawa sa sarili nang makumpirmang binabae nga ito base sa boses at galaw nito.

“Mahal, sino ang nagsabing BF  ko 'yun?” Nasaktan siya sa narinig mula sa dalaga. Technically ay sila pa dahil wala naman silang pormal na closure. She just left him without a word. Pero hindi na siya nagsalita pa dahil kasalanan naman niya.

“Alis na ako! Malas naman may asungot dito!” narinig niyang wika ni Dawn.

“Mahal subukan mong umalis at mumultuhin kita!”  banta ni Shefee rito.

Nakita niyang lumapit ang kaniyang ina kay Dawn.

“Iha, kumusta ka na?” nakangiting saad ng ina kay Dawn.

“O-okay lang po ako, Tita. Ikaw po kumusta na?” balik tanong nito. Napansin niyang naiilang at hindi ito makatingin ng diretso sa ginang.

“Na-miss na kita, Iha. Dalaw ka minsan sa bahay, huh?” narinig pa niyang saad ng ginang.

“In God's will po, Tita,” nakangiting tugon naman ni Dawn.

“Pasensiya na,Ttito. Ang mga ungas na ito kasi, eh. Mga pasaway talaga kahit kailan!” Narinig pa niyang sabi ni Dawn sa ama ni Haidie nang batiin nito ang dalaga.

“Nako, sanay na ako sa inyo,Iiha. Kaya okay lang. Mabuti naman at nakadalaw ka, at huwag kang mawawala sa kasal ni si Haidie.”

“Opo naman, Tito. Baka mamaya sugurin ako ng mga iyan kung hindi ako magpapakita. Noong kay Besty Weng nga hindi ako nakadalo masyadong remote area kasi ang napuntahan ko kaya huli ko na nabasa ang message nila, “ mahabang paliwanag nito.

Napaisip siya sa sinabi nitong remote area. Ibig sabihin ay talagang nagtago ito sa kaniya.

He needs to know where she is residing. He wanted to hug her tight. He missed her so much. Pero paano? Eh, everytime na magtama ang kanilang mga mata ay nakamamatay na irap ang natatanggap niya mula rito. He wanted to talk to her, pero hindi niya ito matyempuhan. Hindi kasi ito humihiwalay sa mga kaibigan.

Bandang alas sais ng hapon ng magpaalam si Dawn.

“Mga Mahal, mauna na ako. Just keep me updated sa kasal mo Best. Busy ang beauty ko. Text, text na lang!” saad nito at nagpaalam na rin sa tatlong matanda.

It is the time he is waiting. Nilapitan ni JV  si Dawn. Hinawakan niya ito sa kamay but he is not expecting what she did.

“Don’t you dare touch me!” mariing wika nito. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang galit at poot. After saying those words she give him a hard blow on the face causing him to lost his balance.

Agad naman itong umalis mula roon ng hindi lumilingon. Nilapitan si JV ng mga magulang.

“Son, are you  okay?” concern na tanong ng ina sa kaniya but there is an amusement  in her eyes.

“I am okay, Mom,” sagot na lang niya rito, bagaman alam niyang sa kaloob-looban niya ay hindi siya okay.

It is so frustrating for him to know that  the woman he loves is mad at him. Kitang-kita niya iyon sa mga mata nito.

Mahinang tapik sa balikat ang kaniyang naramdaman. Paglingon niya ay ang kaniyang ama.

“Everything will be fine, Son. Magkikita pa kayo sa kasal ng kapatid mo. Try to talk to her on that day,” saad ng ama.

Tumango na lang siya rito. Iginala niya ang paningin sa paligid. All eyes on him, lalo na ang mga kaibigan ni Dawn.

DAWN on the other hand is crying while leaving Haidie’s house. Hindi niya akalaing ganoon kaaga ang pagkikita nila ni JV. She did not even expect, na kapatid ito ng kasintahan ni Haidie.

Small world indeed. Pakiramdam niya ay muling bumalik ang sakit at hapdi na ipinaramdam sa kaniya ni JV. She must admit, mahal pa rin niya ito. Pero hindi pa siya handang patawarin ito.

“Ma’am, narito na po tayo,” pukaw sa kaniya ng taxi driver. Napatingin siya sa labas ng taxi. Tama ito nasa labas na nga sila ng airport. Pinahid niya ang luhang kanina pa tumutulo at hinamig ang sarili. Agad siyang nagbayad sa driver at umibis.

“Salamat po, Manong,” nakangiting saad niya rito bago pumasok sa departure area.

Alas otso pa lang ng gabi at mamayang alas dyes pa ang kaniyang flight. Nagpalinga-linga siya at naghanap ng airline na nagla-lastcall. Luckily ay merong isang airline na paalis na at kaagad siyang nagtanong kung puwede pa siyang maka-chance passenger. Kaya ang dapat sanang alas dyes na flight ay naging alas otso kinse ng gabi.

I LOVE YOU STILLDonde viven las historias. Descúbrelo ahora